11: Fired Ilang araw na ang lumipas simula nang huling paguusap nila ng matino ni Mr. Wolff. Akala niya natahi na niya ang kapiranggot na uwang na namamagitan sa kanilang dalawa. Ngunit mukhang malaki pala ang punit. The man was constantly building walls. Habang siya patuloy na nilalahad ang kamay, tinitibag ang yelong nakabalot sa director. Quarantine na nga. Pandemya na. Oras na dapat para magpakitang-gilas at pagmamahal sa mga tao. Kung tutuusin dapat mas lalo lamang nakikipag-socialize sa tao ang direktor. Pero mukhang bihira ito makipag-usap. Ngayong mag-isa na naman siya. Halos mabaliw na si Janine subalit wala siyang makausap. Kahapon sinubukan niyang kausapin ang mga chef pero tinuring lang siyang hangin. Wala man lang pumapansin sa kanya pwera na lang kung kukuha ng pagkain. T