10: Questions left unanswered Wala namang bago sa kasalukuyang routine. Gaya ng dati, sinasamahan niya si Rafael sa tuwing pupunta ng kompanya pero ang naiba lang ngayong araw ay sa halip na isama siya sa meetings nito, iniwan lang siya ni Rafael sa lobby. Hindi naman iyon bago. Sinabihan na din naman siya. Janine had no problems doing nothing and just waiting. Pero minsan ay naguguilty siya tuwing walang ginagawa. Maybe Rafael's meeting required privacy. Aaminin niyang malihim rin minsan ang employer. Gayunpaman, wala naman siyang sama ng loob. Simula kasi nang makapagusap sila kagabi, para bang ang luwag luwag ng kanyang pakiramdam. "Maganda ata gising mo Janine. I don't hear you sighing, that's a first," Puri sa kanya ni Jenna. "May nangyari ba?" Napa-isip si Janine sa sasabihin.