6: The chefs who ignored her “How's your work there ngayong wala ka na sa ospital?" Hindi alam ni Janine kung maasar siya o matutuwa sa pag-aalala ng co-nurse niyang si Thelma, isang oras matapos niyang mamili ay kaagad rin naki-usisa ang mga katrabaho nang bisitahin niya muli ang ospital. As usual, nagsuot pa rin siya ng mask. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya ng hospital muling sumalubong sa kaniya ang lipon ng mga pasyente sa sahig gayundin sa receiving area ng hospital. Pamilyar na eksena ito ngunit kahit kailan ay hindi niya makakasanayan. "Ayos lang naman. Wala pa naman silang ginagawa sa akin" Biro ni Janine, sinusubukang pagaanin ang sarili. "Ano itsura ng director?" "Mataba?" "Umayos ka Maricris malamang panot yon na matanda." "Akala ko ba kilala mo yang Wolff corp bakit