Kabanata 5

2235 Words
5: Being hated in the company Halos hindi makapaniwala si Janine nang mapagtantong wala na naman siyang gagawin kundi tumunganga magdamag. Maayos ang kanyang porma dahilan para manlumo siya sa naaksayang pag-aayos. "Wala talagang sinabi?" "I'm sorry Janine pero walang utos," "Ano sa tingin mo? Tumaas kaya ako ng office niya?" "Mapapagalitan ang buong departamento..." Kanina pa sila nag-uusap ng receptionist na nakilala niya bilang si Jenna matapos nitong mag-lunch break. They eventually got to know each other from her constant questions the moment she stepped into work. Jenna taught her how to hold the ropes. Siya ang naglibot kay Janine patungo sa restaurant ng kompanya kung saan sila kumakain ngayon. "Dapat ang HR ang nagbibigay ng sched sayo. Pero bakit wala ka sa records nila? Sigurado ka bang natanggap ka na?" "I did. Sinabi ni sir," "Verbally?" "No! May kontrata rin," "Eh bakit ganon? Wala man lang nakakaalam na parte ka na ng kompanya. Bukod sa akin, ni Lisa at si sir," "Isama mo na si Phil," "I really did go through the system files. Di ko nakita ang profile mo doon. Kaya walang nakaka-alam kung ano ang sched mo," Siniil ni Janine ang labi. Minasdan siya bigla ni Jenna. May kuriosidad sa mga mata. "What exactly is your job here?" "A nurse," "Nurse? Parte ka ng medical team?" Hindi alam ni Janine ang isasagot. Ipinalagay na lang niyang ganon nga. "Yes," "Then bakit di mo kontakin si Dr. Lee? He is the lead physician ng personal med team ng Wolff inc." Umiling kaagad si Janine. "Maybe not...maganda ng malaman ko na lang kay sir," Iniwas niya ang usapan tungkol sa medical team. Alam niya kasi sa sariling hindi siya parte doon. Susuko na sana si Janine sa pangungumbinsi ngunit matapos nilang mananghalian, nanlaki ang mata ni Jena nang makatanggap ng email. Itinapat ni Jenna sa mukha niya ang maliit na company phone at nagulat sa nakita. Bring the woman in my office "Sino to?" "Direct order from above. Si sir Wolff," "Ako ba pinapatawag?" Takang tanong niya. "Oo sino pa ba," Ani Jenna. "Bakit wala man lang pangalan kasi..." "Hayaan mo na, puntahan mo na agad sa taas. He doesn't like late comers." Tumango si Janine at muling siyang pumanhik pataas ng palapag ng CEO. Sana kanina niya pa ginawa ito, kung nagkaroon lang siya ng lakas loob. The lone, dimly lit floor welcomed her again as she stepped inside. Humingang-malalim si Janine bago maisipan kumatok sa pintuan ng opisina. Hindi na siya nakapag-antay ng sagot kaya bahagya na niyang pinihit ang seradura. "Sir you called for m-" Napahinto si Janine sa pagsasalita nang masilayan ang maliit na tub sa gilid. It was a tub of water at ang nakalublob doon ay isang tela na puno ng dugo. Mabilis pa sa alas kwatro nilingon ni Janine ang employer. His back was against her, sitting on his swivel chair while massaging his temples. "Clean that tub," Malamig nitong utos. Janine kept silent. Tinapon na lamang niya at nilabahan ang telang puno ng dugo sa office bathroom. The bathroom was spacious as expected pero nasa ibang lupalop ang kanyang isipan. "Sir nilabahan ko na. Ayos ka lang po ba," "I'm fine. Bring me a new set of towels," Tumalima si Janine "Do you want some refreshments?" Hindi siya sinagot. Iisipin na lang niyang silence means yes. Janine was really concerned. Ngayong nagsusuka na ito ng dugo, he badly needs an IV fluid. Kung hindi madedehydrate at mawawalan lamang ng electrolytes ang employer. Matapos ihanda ang towel basin, tumungo siya sa lagayan ng mga baso. Sa kabutihang palad, nasilayan niya sa gilid ng opisina ang isang wine bar. Pinuntahan niya ito ngunit agad din siyang bumusangot. Lahat naman ng laman nito ay puro wine at alak! She looked for other kinds of juices. Good thing she found fresh fruits instead. "Since I've worked with patients sir...naisipan kong gawan ka ng ORS solution. I have here a spare powdered ORS nakahalo na po sa blended juice niyo," Wika ni Janine bago ito ilapag sa harap ng director. He stared at it for a few moments before taking a sip. Ramdam ni Janine na masama ang pakiramdam ni Sir Rafael. Maliban sa nangangalumata siya, mukhang nilalamig din ang director. "It's awful," "It's supposed to taste awful sir. Di masarap ang ORS. But you need to replenish your energy. Alam kong pagod ka," Mukhang totoo nga ang kaniyang sabi. Pakiramdam niyang nagagalit na ang director, pero dahil pagod nga ito. Hindi na lamang nakipagtalo pa si Mr. Wolff. He drank the juice without much utter. Malamig pa rin ang turing sa kaniya. Pero normal lang iyon, they were both strangers afterall. "I will turn off the AC if you want," "Don't do anything," "Nilalamig ka sir halata naman," "Just get out of my office," "Stop trying to pretend na di ka nilalamig...sir. You're clearly sick and cold. I will turn it off and get you some blanket," Pinatay nga ni Janine at kumuha siya ng blanket. Inabot niya ito ngunit hinawi ng director ang kanyang kamay. "Touch me and you'll regret it," "Ito sir kunin niyo na lang sa kamay ko," "I don't want to be touched by anyone..." Rumehistro ang pagkabigla at takot kay Janine. But instead her stubborness won. Bawal hawakan? Walang pasubali niyang binato sa matikas na likod ng director ang hawak na blanket. He said don't touch him kaya hindi niya nga hinawakan. She can probably guess that he will be mad. Pinilosopo niya pa kasi ang sinabi nito sa inasta niya. "What the f**k is wrong with you woman!" Halos manginig ang opisina sa malakas na bulyaw ng direktor. Mabuti at walang tao sa top floor dahil malamang sa malamang mapapahiya si Janine. "It's just a blanket...Sir. I don't see anything wrong with it..." "Stop f*****g with my words!" The director massaged his temples. For a few moments his heavy breathing started occupying the entire office. Nanlaki ang mata ni Janine sa kaba. "Don't tell me you are having chest pains?" "No...Just leave," "I will get you a paper bag kung nahihirapa-" Malakas na hinampas ng director ang kamay sa desk. She heard a slight c***k of glass. "I. Said. Leave." Tinikom na lamang ni Janine ang bibig. She didn't want to aggravate her boss even more. Dapat maging kalmado lang ito. He was probably used to being alone. Mahalaga huwag lumala ang kondisyon nito. She will leave him alone. But he better not abuse his health now that she will be working for him. "I'm sorry sir that was very unbecoming of me. I just want to help. I will leave the office now..." Tahimik na lumabas si Janine sa opisina ng director. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan niya. Mula sa dulo ng floor, nasilayan niya na may nakatayong babae. Ito yung sekretarya ng director, pero ano ang ginagawa niya doon? Nilapitan niya ang babae ngunit pansin niya agad ang matalim na titig nito sa kaniya. Hindi makausad ang sekretarya sapagkat nasa likod ito ng yellow line. May hawak din itong kahon na animo'y mabigat kung titignan "Pinapabigay," Ani nito habang inuudyok ang hawak. Nabigla si Janine nang may halong padabog ang pag-abot sa kaniya ng munting kahon. Malakas ang pwersa ng babae kaya nagsilaglagan ang ibang papeles. Namilog ang mata ni Janine. "May problema ka ba sa akin?" "Buti natanong mo. As a matter of fact, yes." Matapang na wika ni Lisa. "Ano na naman ba? Wala akong ginagawa sayo," Sa katunayan napapagod na rin si Janine sa mga trato sa kanya ng mga empleyado sa kompanyang ito. Nothing good came from her working here. "I don't like you. You look unprofessional. Para kang pinulot lang sa daan kung tutuusin and yet naging sekretarya ka ni Sir Wolff," Puna sa kanya ng babae. "Wait what? Ako? Sekretarya?" "News here spread fast. When I heard a woman was going to the President's office we knew something was up. It's either you're his new flavor of the month or you're working under him. And I don't think you are the former, malayo ka sa mga babaeng dinadala dati ni Sir Wolff" "We just met, pero ganito mo na ako insultohin. Tinotolerate ba ang ganiyang ugali niyo dito?" "Performance matter here not behavior. And I can't believe he would let someone like you work here. Mataas ang standards dito. And yet again he replaced me with a trash like you," Halos mapanganga siya sa nadinig mula sa sekretarya. "Before insulting me, matanong nga lang kita. Ano ka nga ba uli dito?" "Secretary ni sir Wolff...personal secretary I mean," Akala niya siguro ay papalitan ni Janine ang kanyang pwesto. "Look, I don't discriminate against secretaries pero you're an exception. Bago ka magsalita kailangan mo malaman na I am a medical front liner na dapat di mo nilalait ngayong pandemya. I am the director's personal nurse," Nanlaki ang mata ng sekretarya. "Nurse? Para saan ka niya kailangan? Is he sick?" "Ayaw sana kita sagutin pero oo may sakit siya. Just mild cold. Besides that he needs me to assess the facilites and protective gears the company has implemented. And my assessment says that you do not meet any of the standards here," Nagsinunggaling siya. It's not common cold. At higit sa lahat di siya pumunta dito para mag-assess ng mga pasilidad. Nais niya lang iparating na hindi dapat tinotolerate ang hindi pagsuot ng mask ngayong may pandemya. "Just because you're his nurse doesn't make me less knowledgable than you. Nagtrababo na ako dito for 10 years. Kaya wag kang magmalaki," "Ibabato ko rin yang sinabi mo sayo. The fact na sampung taon ka na dito at kung makaasta ka na parang mapapalitan ka says a lot about you. Hindi ka rin siguro confident sa sarili mo to be this anxious" "You bitc-" Hindi na pinansin ni Janine ang sunod nitong sinabi. Janine walked towards the director's office with the box in hand. Samu't saring insulto ata ang narinig niya sa unang linggo ng kanyang trabaho. Dumagdag pa doon ang pag-tengga niya sa kompanya. The director was vague in his answers from the start. Tipong nanghuhula at mangangapa pa siya sa mga gagawin. Ngayong nasa harap na siya ng opisina. Parang biglang nanliit si Janine. Kung di lang sila nagkainitan kanina baka hindi siya mahihiya ng ganito. Pero wala naman siyang magagawa, mukhang siya nga lang talaga ang pinapayagan pumasok ng opisina. Kumatok ulit siya tulad ng dati at pumasok sa loob. "Didn't I tell you to get ou-" "May nagpapabigay kasi sir," Tinaas ni Janine ang hawak na kahon. "Leave it in my desk," Tumango si Janine Ramdam niya ang tingin sa kanya ng director habang papalapit siya. Pilit niyang hindi sinasalubong ang mata nito. Ayaw niya kasing malaman kung bakit kapag nagkakatitigan sila, may parang kakaiba siyang nararamdaman. "Ito na sir. Aalis na rin ako," "Wait," Maagap siyang napamasid kay Rafael. "Take this," He said still bearing his signature coldness in his eyes. Mula sa pagkakahawak hinagis ng director ang card sa harapan ng kanyang desk. Despite the gesture, ramdam niyang galit pa rin ang kanyang boss. "Para saan 'to sir?" "Later, you will be staying in my penthouse," "Agad-agad?" "I don't want to repeat myself," ** KASALUKUYANG nasa Diamond Mall si Janine malapit sa shopping district ng urban city. Ito na lang kasama ang tatlong mall sa Visayas at Mindanao ang natatanging bukas na mall sa buong Pilipinas. Matapos atakihin ang bansa ng Obsidian virus, kasama na ang mga hindi inaasahang bagyo at pagtaas ng crime rates, tuluyan nang na-bankrupt ang mga establisyemento. Nakakalungkot isipin ngunit may mga nagbukas naman na pangilan-ilan na maliit na pamilihan kaya kahit ganoon ang naging pangyayari may pagasa pa ring namamayani. “Mam perfume po? Bagong labas po ito. May mga tester po kami” “Mam baka gusto niyo itry ang bago naming butter cakes” Hindi na niya pinansin ang mga kaliwa’t kanan na alok at sa halip ay nagpatuloy sa department store kung saan siya mamimili ng mga damit at sapatos. Kauna-unahang beses niyang makatanggap ng diamond card. Tulad ng Wolff enterprise card na ibinigay sa kanya, elegante rin ang disenyo at pagkaka-burda sa card na ito. Matapos sa kanya iabot ang card, kaagad rin siyang inutusan ni Sir Rafael maghanap ng mga damit at gagamitin sa oras na siya’y lumipat sa penthouse ng director. Pilit man niyang kinakalimutan ang maaaring mangyari, hindi niya pa rin maiwasan matakot sa tuluyang pagpapatira sa penthouse. The thought of smokes, drugs or call girls flooded her mind. It was a picture she envisioned of an alleged mafia boss. Kahit nga may sakit ang kanyang boss, nakaka-intimidate talaga ang itsura nito. Janine thought she would be working for an old aged man, together with a group of men in black suits. Pero nang magtagis ang kanilang mata, she immediately noticed his threatening aura. As if he was naturally born to be a pack leader. He was devilishy handsome...aaminin niya. His sickness intensified his aura. His appearance made her believe that maybe he was a manifestation from fiction. Despite that, she was also worried for his health. “May sakit ka po ata mam, namumula ka” Nagising siya sa pag-iisip nang magsalita ang saleslady na katabi. Nginitian na lamang ito ni Janine at inabot ang kanina pang hawak na damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD