Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa accounting office para ibigay ang mga pinapabalik na mga papeles ni Yves ng makarinig ako ng mga bubuyog na nagbubulungan sa paligid na animoy walang taong makakarinig sa sobrang lakas ng bulungan nila. At hindi ko mawari kung sinasadya talaga nilang iparinig iyon sa akin. "Ang kati kati talaga!" -bubuyog no. 1 "Oo hindi na nahiya! Pati si sir Yves kinakalantari, di hamak naman na mas maganda ako sa kanya ano"-bubuyog no. 2 "Naku, eto pa nga! Alam niyo bang nakita daw siya ni Gina noong isang araw sa isang mamahaling restaurant ka date si sir King, napakalandi!" -bubuyog no. 3 Naikuyom ko ang mga palad ko ng marinig ang pinagbubulungan nila, alam kong ako iyong pinariringgan nila. Kaya nilapitan ko sila ng hindi nila napapansin dahil nakayuko si