"Aw! Babe masakit!" Napangiwi si Yves ng idiin ko sa sugatan niyang mukha ang cotton balls na may betadine. Inirapan ko siya at mas lalo pang idiniin ang cotton balls sa sobrang inis ko sa kanya. Kanina kasi ay nakipagbuno siya kay Lucas---iyong nakilala ko sa bar noong nakaraang linggo. Hanggang ngayon ay pinagseselosan niya parin pala siya, at hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon ng bigla akong halikan sa pisngi ni Lucas kanina sa bar. Gago din naman kasi itong si Lucas kung makahalik akala mo close na kami kaya hayun at nasampolan ng walang hiya kong boyfriend. Gayunpaman naiinis parin ako sa gunggong na ito. Ang hilig gumawa ng eksena. "Babe! Dahan-dahan naman, ang sakit!" Reklamo niya habang dinidiinan ko ang pagdampi ng bulak sa ilong niya. Gusto kong mapangiwi sa naging