I ended up sleeping on the sofa. Yung halimaw na lalakeng iyon hindi na bumalik. Where the hell did he go last night anyway? At least he should've showed me kung saan ako matutulog. But realization hit me hard. He's a devil alright, Muriel? Baka dito naman talaga sa sofa niya ako balak patulugin? Ni wala man lang kumot. Well, ano pa bang inaasahan ko? I am his prisoner. And prisoners aren't supposed to get the best treatment.
Inayos ko ang tinulugan ko and roamed my eyes around. Tahimik ang bahay. Nasaan ang lalakeng 'yon? At bakit ko siya hinahanap? Tumayo ako at lumapit sa bintanang naroon. It is made of glass from floor to ceiling catching all the light from the high sun. Outside the window is a breathtakingly wonderful view of the blue sea. Wait, sea? Oh right. The lake is on the other side kung saan ako dumaan kagabi. The sea is on this side and it's insanely beautiful.
"I still can't believe this place is a prison. More like a paradise." Umalis na ako sa bintanang iyon and walked around the house. Nagugutom na ako since it's almost 11 o'clock. Napadpad ako sa kusina doon and almost threw the refrigerator outside dahil wala man lang laman. Does that devil know how to eat?
Inakyat ko ang hagdanan na tinahak niya kagabi. Maybe his room's upstairs? Pinagbutihan kong maglakad nang dahan dahan to avoid creating a noise. Ang daming kwarto dito tapos sa sofa ako natulog? Sarap naman talagang bangasan ng demonyong 'yon. Dahan - dahan kong binuksan ang pinakaunang pinto at bakante iyon. As in wala talagang laman. Pangalawa ay ganoon rin. Wala. I breathed to calm myself. Ang laking bahay tapos walang laman. The third door, ganoon rin. Wala.
"Sunugin ko kaya 'tong bahay niya?"
The fourth one, himala. May kama na at may closet na rin. Pero walang Cross ang naroon. Maybe the fifth? Binuksan ko ang ikalimang pinto only to see a naked woman on top of someone -- CROSS!? And they're kissing. Naririnig ko ang malanding tawa ng babae habang hinahalikan si Cross. Nakita ko rin kung paano maglakbay ang kamay ni Cross papunta sa hinaharap ng babae at minamasahe iyon. What the hell am I witnessing. Should I shout? No.
"Aherm." I expected Cross to push the girl at mahuhulog ito sa kama ngunit tumingin lang siya sakin with his one eye closed at ngumisi habang hinahalikan siya ng babae sa labi niya. I rolled my eyes heavenwards.
Nakita niya sigurong hindi ako apektado sa pang aasar niya sa'kin kaya itinulak niya ang babae dahilan upang mahulog na ito sa kama.
"Ouch." Daing ng babae. Sinamaan ako ng tingin ni Cross. Partida tumikhim lang ako no'n ha. Kung makatingin siya sa'kin parang k*****y ko lahat ng kamag anak niya.
"Oh. Don't mind me. I just want to say na nagugutom na ako. Walang laman ang ref mo. You should at least feed your prisoner, right?" I smiled awkwardly at tiningnan lang niya ako nang nakakunot ang noo. The girl is giving me death glares. Isasara ko na sana ang pinto pero binuksan ko ulit iyon.
"You can continue now. Go on." I even gestured my hand na para bang ineencourage ko talaga silang ipagpatuloy ang naudlot nilang aktibidad at agad sinara ang pinto.
I ran as fast as I can at nagtambay na muna sa sala. Hindi naman talaga siguro nila pinagpatuloy ano? Mamatay na ako sa gutom dito tapos siya nagpapakasarap siya doon. Ibang klase.
Akmang lalabas na ako ng bahay para bumili ng makakain nang marinig ko ang yabag na pababa ng hagdan. Tiningnan ko kung sino 'yon and it was the girl earlier. And she's not naked anymore. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napataas na rin ang kilay ko. She scanned me from head to foot at 'yon din ang ginawa ko.
"Bitch." Sabi niya at umirap sa'kin. b***h? Aba! I've always wanted to punch a girl. Let me try this once.
Akmang susuntukin ko na siya but tumigil ang kamao ko sa harap ng mukha niya. On second thought, 'wag nalang. My punch did not land on her face. Nakita ko kung gaano nanlaki ang mga mata niya. And her hands are shaking.
"Call me b***h again at sisiguraduhin kong walang ngipin na matitira sa'yo."
"W-what!? H-hindi mo ba alam k-kung s-sino ako?"
"Of course not. Why would I waste my time knowing you? But I'll ask the same question. Do you know who I am?"
Nakita kong nanginginig na siya ng sobra. OA ha. Hindi ko naman siya sinuntok. At wala naman akong ginagawa aside from talking to her.
Gamit ang kamao kong nasa harapan pa rin ng mukha niya, pinitik ko nalang ang kanyang noo.
"Ano ka ba. Joke lang. But I'm serious when I said don't call me b***h again. Pero nagjo-joke lang ako no'ng sinabi kong uubusin ko ngipin mo." I patted her shoulder at nakanganga siyang nakatingin sa'kin.
"Off you go now." Binuksan ko ang pintuan para sa kanya. She blinked many times at agad kumaripas ng takbo. Did I scare her? Pero sabi ko joke lang yun eh. No need to be scared. Napasimangot nalang ako and closed the door.
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Cross na nasa likuran ko pala. Wait, kanina pa ba siya nandito?
"A-ano?" I asked.
"Tsk. Sinong nagsabi na pwede kang pumasok sa kwarto ko?"
"Gutom na ako. At least treat your prisoner right."
"Tsk. Let's go." Wika niya. I can feel my eyes twinkling nang sinabi niya iyon. Nakalabas agad siya kaya tumakbo ako para abutan siya. He's just wearing a simple shirt at jeans then why the hell is he breathtakingly gorgeous? Basa rin ang buhok niya kaya -- damn Muriel. Stop checking him out, will you?
Sumabay na ako sa paglalakad sa kanya. Mahirap na. Nakakatakot pa ang tingin ng mga tao sa akin.
"Makakain kaya ako nito? Parang anytime ay lalasunin na ako ng mga tao dito."
"You are my prisoner which means you are under my protection. No one can touch or hurt you unless I said so. Kaya magpakabait ka." Sinimangutan ko lang siya.
Tumingin nalang ako sa ibang direksyon. May mga maliliit na tindahan sa gilid. There's even a bungalow na matayog na nakatayo. Iisipin kong isa itong resort rather than a prison. May mga naliligo dagat na -- wait a minute. Why aren't the girls wearing anything on top? As in wala. Their boobsies are bouncing habang naglalaro sila ng bola. What the -- Siguro naman may saplot na sila sa ibaba, di'ba? Ang mga lalake naman humahawak na sa mga boobs ng mga babaeng naliligo doon. What the hell?
Nakita ko ang isang babaeng tumayo and nanlaki ang mata ko nang makitang hubo't hubad nga ang babaeng iyon. They're swimming at the beach naked! At nakikita sila ng mga bata!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad and glanced at Cross. Straight lang ang tingin niya na pa ra bang hindi nakukuha ng atensyon niya ang hubo't hubad na babae na nasa gilid. Ses. Hindi na niya kailangang magpanggap. He can stare anytime he want.
Napatigil naman kami sa paglalakad nang humarang sa daraanan namin ang babaeng nakahubo't hubad kanina. And she's still not wearing anything habang nasa harapan siya namin. She flaunted her body in front of us. Tinaasan niya ako ng kilay at malanding tumingin kay Cross. Lumapit siya dito at kinuha ang kamay ni Cross and placed it in her -- boobs!
"How about some fun tonight, babe?" Malanding wika nito na dahilan upang tumayo ang balahibo ko sa braso. Nakahawak pa rin ang dalawang kamay ni Cross sa dalawang bundok ng babae habang ang babae naman nakakapit sa batok ni Cross. Halos idikit na nito ang hubad nitong katawan kay Cross. What the hell are they doing? Making out in such a public place? Blanko lang ang tingin ni Cross. Arte niya ha.
I roamed my eyes around but the people doesn't seem to care. Na para bang normal lang ang ganitong pangyayari sa kanila.
"God! I'm not being a killjoy or anything pero kasi nagugutom na ako. You can continue that but Cross, at leasy give me some money. Kakain na ako. Bahala kayong maglampungan diyan. Kahit ipagpatuloy niyo pa 'yan mamayang gabi basta 'wag lang kayong masyadong maingay. Coz I can't bloody sleep hearing your moans!" Nakita kong masama akong tiningnan ng babae. Aba! Ang ganda na kaya ng deal ko. Kakain muna ako tapos bahala na silang maglampungan buong araw.
"And who are you?" Tanong ng babae. Kung wala lang akong self control kanina pa nabungi 'to.
"It's not important. I have to eat first. Believe me darling, mas lalong hindi mo ako magugustuhan when I'm starving."
"Cross? Who is she?" Malanding tanong ng babae kay Cross. Ang sarap naman talagang ingudngod ng mukha niya sa semento eh.
Nagulat naman ako nang itulak ni Cross ang babae dahilan upang mapaupo ito sa semento. Demonyo talaga eh.
"My flavor tonight." Hindi makapaniwalang napasinghap ako. Flavor tonight? What the hell does he take me for? One of his bitches?
Agad niya akong hinila palayo sa babae. The girl just gave me death glares. Yeah, as if mamatay talaga ako niyan!
Agad kong kinuha ang braso ko na hawak niya.
"Flavor of the night? Tingin mo sa'kin isa sa mga babae mo? Tadyakan kita diyan eh." Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa at nagtaas siya ng kilay. Aba! Mukhang sa kanya namana ng mga babae niya ang pagkamataray.
"I did that para lumayo na ang babaeng iyon sa'kin and I know you found her body...disturbing. Thank me later for taking you away from your insecurities." Hindi makapaniwalang napahinga ako nang malalim. Now ako pa ginagawa niyang rason? And ano daw? Insecurities? Did he mean that insecure ako sa babaeng iyon kaya nilayo nalang niya ako? And what did he say? Thank him? Hah!
Nauna na siyang naglakad kaya malaya ko siyang binibigyan ng nakamamatay na tingin. Bigla naman siyang tumingin kaya ibinaling ko ang tingin ko sa paligid. Naramdaman ko naman siyang bumalik kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. He looked at me from head to foot at saka umiling iling. I darted him a piercing look.
"No matter how I look at it, you're not qualified to be one of my bitches. You're too...plain." he clicked his tongue at nagsimula nang maglakad ulit.
"W-what the hell! Did you just check me out?" Sigaw ko sa kanya and glanced at my body but he just kept on walking.
"Yeah. I just did but there's nothing worth checking for." Napapikit nalang ako nang mariin to contain my patience. Remember Muriel that you're the prisoner. Prisoners aren't supposed to hit the one who prisoned them. But on second thought, yes they can!
Akmang tatakbo na ako para sapakin siya nang bigla nalang siyang tumigil.
"What are you planning to do?" Tanong niya sa'kin nang makita ang kamay ko na nakataas. Iyong tipong mananampal na. I immediately hid my hand sa likuran ko. Mahirap na. Baka 'di ako pakainin nito.
"Nothing! Nothing at all!" I smiled sweetly at him at inirapan lang ako. Grabe! I sighed frustratedly and murdered him twenty times in my mind.
Sinundan ko lang siyang pumasok sa isang bahay na gawa sa nipa. Pagpasok namin, bumungad sa amin ang malaking kainan. Maraming taong kumakain doon. At may nag iinuman din. I sighed. I guess drinking in the middle of the day is considered a norm here.
When the people noticed Cross, they immediately went quiet. Napalunok ako as their gazes darted towards me. Bigla nalang naglakad si Cross leaving me standing in the entrance kaya agad akong lumapit sa kanya. I have to stay close to him as much as possible.
"Give us two." He said coldly to the old man.
"Same old?" Tanong ng matanda. Tumango lang si Cross at hinila na ako para maupo. We sat on the very far corner kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko when the people's attention is not on me anymore. I'm used to attention. I am exposed to that since the beginning of my youth. But not this kind of attention. Iyong tipong kahit anong oras ay pwede ka nilang sugurin at tadtarin.
"Anong inorder mo? Same old? What's that?" Tanong ko to ease my nervousness.
"The thing I always eat whenever I'm here." Tumango tango nalang ako. Mukhang wala sa mood itong lalakeng ito.
I entertained myself with the beach outside and yes, may naliligo pang mga babae na nakahubo't hubad. Somehow, I've gotten used to it. Nagpapasalamat nalang ako dahil walang lalakeng nakahubo't hubad dito. That would be too disturbing. Kung si Cross siguro -- what the heck am I trying to say? I felt my cheeks becoming hot kaya pinaypayan ko ang sarili ko. Am I insane?
My thoughts were disturbed nang may marinig akong kalabog sa table namin. I looked at Cross questioningly at agad akong napatakip nang bibig when I saw drops of blood coming from -- his hands! Ano na namang trip ng lalakeng 'to?
"H-hey what happened?" Tiningnan kong mabuti ang kamay niya only to find out some sort of a shuriken on his hands. May ninja dito?
"Paano napunta iyan sa kamay mo?" I stood up at hinawakan ang kamay niya but he just shoved me away dahilan upang mapaupo ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Siya na nga 'tong tinutulungan eh.
Madilim ang mukha niya. His eyes are like storm na nagbabadya nang umatake. Marahas siyang tumayo at tinanggal ang matulis na metal sa kamay niya at marahas itong itinapon.
"Show yourself, fucktard." Napalunok ako sa boses niya. It was cold. What did I use as a metaphor last time? Ah. A night in a desert. It was colder than a night at a desert.
Ano bang nangyari?
Nakita ko ang mga tao roon na dahan dahang gumalaw making way for a guy na may puting buhok. Wow. I love that hair. Wait, is he the ninja? The one who threw that shuriken at Cross? The more I look at him, he's like an ordinary high schooler. And come to think of it, high schooler nga rin pala itong si Cross. How dare he order me around. But that's not the issue here right now, ano ba Muriel.
"You never fail to amaze me, Strauss." Sabi ng white ninja habang nakatingin sa'kin. Wait, bakit sa'kin siya nakatingin?
"What is it?" Matigas na wika ni Cross.
Nagulat naman ako nang bigla akong tinuro ng white ninja.
"I want her." Napaubo ako nang wala sa oras at napakamot sa batok ko.
"N-napakastraight forward mo naman yata --"
"She's mine. She's my prisoner. I thought I made myself clear." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Cross.
"You made yourself clear to the people but not to me." Humakbang ang white ninja palapit sa'kin kaya napaatras ako. Cross stood in front of me.
"Not my problem. Don't make me fight you Flux." Nakita kong may hawak nang baril si Cross.
"You know I'm always up for a duel, Strauss."
"And you know who wins everytime."
Nakita kong ngumisi ang white ninja and glanced at me. Napalunok nalang ako ng laway. Bakit ba lapitin ako ng pahamak?
"I'll come back for you, Miss." Napataas ang kilay ko nang kindatan ako ng white ninja.
"No one's coming back for whom. Don't show yourself again." Naramdaman ko ang paghawak ni Cross sa pulsohan ko.
"Try me, Cross."
"No. You try me. You know what I am when I lose my patience. Don't make me reach that point."
The last thing I saw was the smirk of the white ninja and then he disappeared. Not the smoke effects - type of disappearance but he just walked casually outside the store.
"I lost my appetite. Let's go." Akmang aalis na siya nang pigilan ko ito. Ang daya ha. Siya 'yong nawalan ng gana tapos idadamay niya ako?
"But I didn't lose mine. I am starving." I heard him clicked his tongue and sighed frustratedly.
"Let's just take it out. Damn." Sinamaan niya ako ng tingin and I just smiled sweetly at him. Inirapan lang ako. Like duh. Ikakagulat ko pa ba iyon?
Kinuha niya ang isang supot na naroon and handed it to me. Blood is still dripping from his hands. He is holding my wrist with his unharmed hand kaya malaya ko itong natitingnan.
"Let's get you to the house quick. I need to clean that wound." I said and looked at him pero inirapan lang niya ako. Naku! Kung hindi lang ako gutom kanina ko pa hinampas sa kanya itong same old na gusto niya.
We walked home in silence. Even the naked bodies did not attempt to come near us. Kahit ako natatakot na sa lalakeng ito.
He is dangerous. Very dangerous for he is strong. But as they said, the strongest always has the most fatal weakness.
I wonder what his weakness is.
* * *