Kabanata 19

1570 Words
"ANO, wala ka ba talagang balak kausapin si Zero o si Tito? Ilang araw na silang pabalik-balik rito," seryosong sabi ni Mhariel nang bumalik ito mula sa labas dahil nandoon na naman si Zero para kausapin siya pero pinasabi niya sa kaibigan na wala siyang panahon para kausapin ang binata. Simulan nang umalis siya sa bahay na iyon, nakailang punta na roon si Zero, minsan pa'y lasing ito na malamang dahil sa kaniyang ama kaya nalaman nitong nandoon siya. Hindi niya ito kayang harapin kaya tinitiis niya ang sarili. Ngunit habang nandoon sa labas ang binata, pasimple niya itong tinitingnan mula sa bintana dahil kahit sa kabila ng nangyari, mahal pa rin niya ito at labis na pinananabikan. Umiling siya. "Wala ng dahilan para mag-usap pa kami, Mhariel," malungkot niyang sabi. "Malinaw sa akin ang lahat ng motibo niya at ayaw ko nang makinig pa ang kasinungalingang lalabas mula sa bibig niya." Umupo si Mhariel sa likod niya at sinuri siya. Tinitingnan siya nito. "Let me ask you, Angel mahal mo ba si Zero?" seryosong tanong nito. Kunot-noong tiningnan niya ang kaibigan. Alam niya ang sagot sa tanong na iyon pero dapat pa na niyang sabihin. Kapagkuwa'y dahan-dahan siyang tumango. "Mahal ko, Mhariel pero hindi na iyon sapat para magpaloku ulit ako." Suminghap si Mhariel. "Hindi ko sinabing magpaloku ka ulit, tinanong kita kasi gusto kong malaman." Bumuga ito ng hangin at saglit na kumiling. "At dahil mahal mo pa, bakit hindi mo bigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa iyo? Maybe he has a reason dahil kung talagang ang bahay lang ang pakay nu Zero sa iyo, hindi na iyon gagawa ng paraan para makita at makausap ka." Ngumiti ito na magkadikit ang mga labi, saka tumango. Nanatili ang mga mata niya sa kaibigan. Hindi siya nakaimik dahil alam niyang may punto ang sinabi nito pero sapat ba iyon para bigyan niya ng pagkakataon ang binata? Paano kung gusto lang siya nitong makausap dahil sa kung ano'ng dahilan? Umiwas siya ng tingin sa kaibigan at yumuko. Hindi niya alam ang isasagot sa sinabi nito. — HINDI pwedeng palagi na lang siyang nagmumukmok at iiyak sa silid niya kaya nagpasiya na siyang bumalik sa trabaho kahit hindi niya alam kung kaya ba niyang magpokus sa ginagawa niya. Sa bawat paglipas ng oras, pakiramdam niya mas bumibigat ang lahat sa kaniya. Nawawalan siya ng gana sa lahat ng ginagawa niya dahil ang isip at puso niya, ukupado ng nangyayari sa kaniya. Matapos ang trabaho nila ni Mhariel, lumabas na sila ng gusali para umuwi. Habang naglalakad sila nagulat na lang siya nang biglang may humawak sa kamay niya at marahan siyang hinila. Muntik pa siyang mapasigaw pero hindi niya nagawa nang makilala ang lalaking humila sa kaniya. "Zero," gulat na sabi ni Mhariel. "I'm sorry, Angel pero gusto kitang makausap at hindi kita bibitawan hanggat hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong makausap," malumanay nitong sabi habang nangungusap ang mga mata. Umiwas siya ng tingin dito dahil pakiramdam niya'y pinapalambot ng mga mata nito ang puso niya. "W-wala na tayong dapat pag-usapan, Zero dahil malinaw na sa akin ang lahat," s**o niya. Nag-angat siya ng tingin nito habang bakas ang galit sa mga mata niya. "Nakuha mo na ang gusto mo, 'di ba? Ano pa ang kailangan mo sa akin? Kahit ako nga'y nakuha mo na." Mapaklang tumawa siya. "Kulang pa ba sa iyo lahat ng nakuha mo? Sorry na, huh, dahil wala na akong kayang ibigay sa iyo," sarkastikong dagdag niya. Napabuntong-hininga si Zero. Nasapo nito ang noo at halatang frustrated ang hitsura nito. "Can you please let me explain, Angel? Hindi ko gustong itago sa iyo ang totoo, na alam ko kung nasan ang ama mo. It was your father's choice na hindi namin sabihin sa 'yo dahil hindi pa siya handang kausapin ka at no'ng gabing iyon na narinig mo ako, he was about to agree na makausap at makita ka pero...wala akong ibang intensyon sa pagtago ko sa totoo," kunot-noong paliwanag nito na bakas doon nagsasabi nga ito ng totoo pero hindi sapat para makumbinsi siya. Sarkastiko siyang ngumiti. "Wala kang intensyon? Siguro nga wala kang intensyon sa pagtago mo sa totoong kinalalagyan ni Papa pero sa bahay mayroon. Nakita ko at nabasa ko, Zero na gusto mong palitan ang pangalan ng bahay. Ano, ide-deny mo? Sorry, huh, pero hindi na ulit ako magpapaloku sa 'yo." Marahas niyang hinigit ang mga braso niya rito na binitawan naman ng binata. Seryoso niya itong tiningnan sa mga mata. "Sa totoo lang, hindi naman kita mahal, eh, inakit lang kita para ibalik mo sa akin ang bahay at mukhang pareho lang tayo ng paraan na ginamit sa magkapareho nating intensyon." Ngumiti siya. "Congrats dahil ikaw ang nanalo." Napawi ang ngiti sa mga labi niya. Muli niyang tiningnan sa mga mata ang bata at hindi niya alam kung bakit nakikita niya roon ang lalaking minahal niya. Pumihit siya patalikod at mabilis na humakbang palayo sa binata kasunod ng mga luhang nag-unahan sa pagpatak. — KINAUMAGAHAN, nagpasiya siyang puntahan ang puntod ng kaniyang ina na si Hanna. Gusto niyang kausapin ito at ikwento ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan niya simula ng mawala ito. "'Ma, I'm sorry, wala akong nagawa," simula niya habang nakaupo sa nitso ng kaniyang ina. "Nawala nang tuluyan ang bahay dahil sa pagkakamali ko, dahil nagtiwa at minahal ko si Zero." Bumuntong-hininga siya dahil pakiramdam niya'y tatagas na naman ang luha sa mga mata. Napakunot din ang noo niya dahil sa sikat ng araw. Binalingan niya ang lapeda kung saan nakaukit ang pangalan ng kaniyang ina. "I miss you, 'Ma I wished you were here dahil kailangan ko ng karamay sa lahat, ng katulong sa paglakad sa panibagong buhay." Hindi na nga niya napigilan ang luha sa kaniyang mga mata. "Pakiramdam ko hindi ko kakayanin. Masyado nang mabigat, 'Ma at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat." Nagpatuloy lan siya sa pakikipag-usap sa kaniyang ina kahit alam niyang hindi niya ito kasama physically. Naniniwala siyang naririnig siya nito at ang bawat hangin na dumadampi sa kaniyang balat, iniisip niya iyon ang yakap ng kaniyang yumaong ina. Ilang oras din siyang namalagi roon bago nagpasiyang maglakad-lakad sa bayan dahil sa tingin niya'y kailangan niya ng bagong tanawin at i-refresh ang kaniyang isip. Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano niya mababawi ang bahay na iyon. Kumakalat na ang dilim nang magpasiya siyang umuwi sa bahay ni Mhariel. Sa loob ng isang araw, kahit pa paano'y gumaan ang pakiramdam niya, lalo't naikwento niya sa kaniyang ina ang lahat ng pinagdaanan niya. Kahit pa paano'y nakapag-isip siya ng maayos. "A-Angel! Angel, l-lumabas ka riyan, kausapin mo ako! Mag-usap tayo, please! I love you!" Napahinto siya nang malapit na sa gate ng bahay nang marinig niya ang boses ni Zero na sumisigaw at hinahanap siya. Nanlaki ang mga mata niya. Lasing ba ito? Nabahala siya. Lumapit pa siya sa binata. "Zero," banggit niya sa pangalan nito. Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang binata. Agad bumakas ang saya sa mukha nito nang makita siya. "A-Angel," masuyo nitong banggit sa pangalan niya. Agad siya nitong nilapitan at mahigpit siyang niyakap. "I miss you, Angel. I'm sorry," mahinang sambit nito na bakas doon ang senseridad. Hindi agad siya nakagalaw. Nanigas ang katawan niya na para bang iyon ang unang beses na niyakap siya nito. Muli na naman niyang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napalunok siya at pumikit. "Lasing ka, Zero," komento niya. Sinubukan niyang humiwalay dito pero agad din siyang hinapit ng binata. "Please, huwag mo akong iwan." Halata sa boses nito ang pagkalasing. Amoy din niya ang alak na ininom nito pero hindi pa rin niyon naalis ang natural na amoy ng binata. "Zero, ano ba? Lasing ka kaya umuwi ka na lang." Pilit niyang inilayo ang sarili. Tinulak niya ito palayo sa kaniya na nagawa naman niya. "Zero, please, umalis ka na lang dahil hindi tayo pweden mag-usap kung saling ka," malumanay pa rin niyang sabi. Bumakas ang lungkot at sakit sa mukha nito habang nakatingin lang sa kaniya. "My Angel, I love you. Mahal na mahal kita at hindi ko kaya kung mawawala ka," seryosong anito na para bang naging normal ang boses nito. "Please, don't leave me. Kailangan kita." Nasapo niya ang kaniyang ulo. "Zero, please itigil mo na ito. Umuwi ka na lang." Pinipilit niya ang sariling hindi ipahatang apektado siya sa mga sinabi nito. Umiwas siya sa binata at humakbang palapit sa gate pero agad siya nitong niyakap mula sa likod. "Alam kong nagkamali ako, Angel pero wala akong intensyon na agawin sa iyo ang bahay o ang kahit anong mayroon ka. I'm sorry pero please, huwag mo akong iwan. Hindi na ako sanay na wala ka, na hindi kita nayayakap at nahahalikan. Please, I'm begging you, bumalik ka na," pagmamakaawa nito. "Kung gusto mo, iiwan ko ang bahay para mapatunayan kong hindi ko gustong kunin sa iyo iyon dahil sa iyo iyo ang bahay." Napapikit siya. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya. Gusto niyang harapin at yakapin pabalik ang binata dahil ang bawat salitang lumalabas sa binata ay dahilan para mas masaktan siya. Suminghap siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Inalis niya ang mga brasong nakapulupot sa baywang niya. "I'm sorry, Zero," mahinang sabi niya. Paran slow motion na bumagsak ang mga kamay nito. Naiwan si Zero na bakas ang lungkot at sakit sa mukha nito habang pinagmamasdan siya palayo habang lumuluha ito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD