"ANGEL," tanging nasambit ni Mhariel habang bakas ang awa at lungkot sa mga mga mata nito para sa kaniya. Dahan-dahan itong lumapit at tumabi sa kaniya sa sofa. Marahan nitong tinapik ang mga balikat niya. "I'm sorry h-hindi ko alam ang nangyari," anito.
Nagulat na lang kasi ang kaibigan niya nang mag-doorbell siya sa bahay ng kaibigan at makita siya nitong parang pinagtampuhan ng tadhana. Mag-isa na lang itong nakatira dahil mas gusto nitong maging independent kaya malaya siyang umiyak sa bahay nito.
Nagpatuloy siya sa pag-iyak. Hindi na niya pinigilan ang sariling humikbi dahil kung pipigilan pa niya ang mga luha sa kaniyang mga mata, baka mas lalo lang siyang magalit.
Si Zero sana ang papaalisin niya sa bahay na iyon ngunit naalala niyang hindi na pala sa kaniya iyon dahil baon na sila sa utak at kahit magtrabaho siya habang buhay, hindi niya iyon mababayaran.
"N-nagtiwala ako kay Zero, Mhariel. Nagtiwala ako sa kaniya at ang akala ko mahal niya ako pero hindi pala. Inakit niya lang ako para makuha niya ang bahay," puno ng galit niyang turan na halos hindi na niya mabigkas ng maayos ang mga salita dahil sa pag-iyak. Umiling-iling siya. "Kaya pala binayaran niya lahat ng utang ng Papa. K-kaya pala naging mabait siya sa akin at pinaramdam niyang mahal niya, dahil iyon sa plano niya. Nagtiwala ako, Mhariel." Nabasag na nga ang boses niya dahil sa pag-iyak. Gusto niyang sumigaw dahil pakiramdam niyang trinaydor siya.
"A-Angel," naiiyak na bigkas ni Mhariel sa pangalan niya na bakas ang pag-aalala at simpatiya para sa kaniya. Niyakap siya nito habang patuloy siya sa pag-iyak. "Sige, umiyak ka lang hanggang may luhang pumapatak sa mga mata mo at kapag naubos na 'yan, kailangan mong magsimula ulit. Alam kong masakit at mahirap tanggapin pero hindi ka dapat magpatalo sa nararamdaman mo. Sa ngayon, umiyak ka, magluksa ka pero pagkatapos nito, kailangan mong lumaban at magpatuloy," litanya nito habang hinahagod ang likod niya.
Pabalik niyang niyakap ang kaibigan. Mariin siyang pumikit. Ramdam niya ang bawat pagpunit ng puso niya dahil malinaw sa kaniya ang totoong dahilan ni Zero kaya siya nito minahal. Ang tanga niya para maniwalang totoo siyang mahal ng binata.
—
YAKAP ni Angel ang sarili niya habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard niyon. Nandoon pa rin siya sa bahay ng kaibigan niya dahil wala naman siyang ibang pupuntahan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung paano niya haharapin ang katotohanan. Sa isang iglap lang ang lahat ng saya at pagmamahal n nararamdaman niya habang kasama niya si Zero, naglaho na parang bula at napalitan ng labis na lungkot at sakit.
Naramdaman na naman niya ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Agad niya iyong pinahid. Tumingala siya para pigilan iyon. Tapos na siya sa pag-iyak. Hindi pwedeng umiyak na lang siya nang umiyak dahil sa binata at sa kaniyang ama. Kailangan niyang lumaban at gumawa ng paraan para hindi mawala sa kaniya ang bahay.
"I-I'm sorry, 'Ma," bulong niya kasunod ng luha sa mga mata niya na hindi niya kayang pigilin. "Nabigo ko kayo, wala na ang bahay natin na puno ng magagandang alaala na kasama kita." Iyon na lang ang naiwan sa kaniya ng kaniyang ina, hindi pa niya nagawang ingatan.
Marahas niyang pinahid ang luha sa nga mata niya. Tumingal siya. Hindi pwedeng magmukmuk siya habang buhay dahil lang niloku siya ni Zero. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makuha niya ang bahay niya rito. Kung kailangan niyang ibenta ang sarili niya, gagawin niya para lang makuha iyon at maipakita sa binata na hindi ito magtatagumpay sa plano nito.
Kapagkuwa'y, napapitlag siya nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya na nakapatong sa kama. Hindi na niya iyon kinuha dahil alam na niya kung sino iyon. Wala siyang panahon para kausapin si Zero o ang kaniyang ama.
Lumipas ang mga araw na nanatili siya sa silid sa bahay ni Mhariel habang ito'y pumasok sa trabaho. Gumawa na lang siya ng alibi para hindi pumasok, pinasabi niyang may sakit siya na totoo naman, masakit ang puso niya.
Hapon na nang magpasiya siyang lumabas ng silid dahil nakaramdam siya ng gutom. Naalala niyang hindi pa papa siya kumakain simula nang nagdaang gabi dahil sa nangyari. Dumeretso siya sa kusina ng bahay. Mabuti na lang at mayroon doong instant noodles na madali lang lutuin. Gutom na kasi talaga siya. Napangiti siya habang kinukuha iyon.
Nagsimula na siyang magluto dahil hindi na niya masaway ang mga alaga sa kaniyang tiyan. Matapos niyang lutuin ang noodles, umupo na siya sa tapat ng lamesa at sinimulang lantakan iyon kahit mainit pa. Gutom lang talaga siya.
Nang malapit na siyang matapos sa pagkain, napalingon siya sa pinto ng bahay nang makarinig siya ng doorbell doon. Kumunot ang noo niya dahil kung si Mhariel iyon, bakit ang aga naman ata nito? Nagtataka man, lumapit pa rin siya sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok.
Parang tumigil ang mundo niya nang ang tumamang sa kaniya ay si Fernando. Sa loob niya'y may bumubulong na yakapin niya ang kaniyang ama pero namgunguna ang galit niya para rito. Kapagkuwa'y kumurap siya at umiwas ng tingin sa lalaking nasa harap niya.
Hindi siya umimik at walang pasabi na isasara sana ang pinto pero agad iyong napigilan ni Fernando. Seryoso niya itong tiningnan.
"A-Angel, anak please mag-usap tayo," pakiusap nito sa kaniya na namumungay ang mga mata. Kita man niya ang pananabik at kagustuhan nitong makausap siya, wala siyang pakialaman dahil galit siya rito.
Ngumisi siya. "Anak? Simula nang iwan ninyo ako at ang sandamakmak mong utang, hindi mo na ako anak," galit niyang balik rito. "Wala tayong dapat pag-usapan dahil malinaw na sa akin ang lahat, benenta mo ang bahay na nag-iisang alaala ni Mama sa atin at nakipagkaibigan ka pa sa lalaking iyon. Dahil ano? Dahil may makukuha kang malaking halaga sa kaniya para suportahan ang pagsusugal mo?" Walang ibang emosyon ang namumutawi sa mukha niya kung 'di galit.
"Anak, please pakinggan mo, makinig ka muna dahil hindi ko benenta ang bahay."
"Hindi benenta? Ano, sinangla mo lang 'yong bahay kapalit ng mga utang mo sa iba't ibang tao? 'Pa, benenta mo ang bahay sa pamamagitan ng pagbayad ni Zero sa mga utang mo at ngayon, ipapalipat na niya ang pangalan ng bahay at lupa," naiinis kong sumbat sa kaniya para ipaintindi rito ang ginawa nito.
Napasinghap si Fernando. Nasapo nito ang noo at saglit na yumuko. "Anak, please makinig ka sa akin, hindi iyon ganoon. Nagkakamali ka—"
Umiling siya. "Hindi ako nagkakamali, 'Pa dahil alam kong mas mahalaga sa iyo ang pagsusugal kaysa sa bahay na iniwan ni Mama sa atin." Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya dahil sa katotohanang walang pakialam ang kaniyang ama sa bahay na iuo iyon. "Kahit ako na lang sana 'yong inisip mo, 'Pa, kahit ako na lang. Ang bahay na iyon ang tanging alaalang naiwan ni Mama, nandoon lahat ng masayang araw sa buhay natin pero hindi mo iyon naisip no'ng ginawa mong collateral ang bahay," patuloy niya.
Marahas niyang pinahid ang luha sa mga mata niya at mas pinakita niya sa kaniyang ama ang galit niya rito. Sinubukang hawakan ni Fernando ang kamay niya pero hindi niya ito hinayaan.
"I'm sorry, Angel! I'm very sorry sa lahat ng ginawa ko sa iyo, sa iniwan kong problema." Bakas ang lungkot at pagsisisi sa mukha nito pero hindi iyon sapat para maniwala siya rito. "Natakot lang ako nang mga panahon 'yon, natakot ako na baka patayin ako ng mga pinagkakautangan ko at inisip ko rin na kung malayo ako sa iyo, hindi ka madadamay," paliwanag nito.
Mariin siyang umiling. "Ang sabihin mo, sarili mo lang ang inisip mo! Ni hindi mo inisip na ako ang babalikan ng mga taong pinagkautangan mo. Sino'ng magtatanggol sa akin, eh, wala ka?" Naramdaman niya ang mainit na likidong lumandas sa pisngi niya.
"Tatanggapin ko lahat ng masasakit na salitang ibabato mo sa akon dahil deserve ko iyon. Saktan mo ako kumg iyon ang magpapagaan sa loob mo pero please, pakinggan mo si Zero. Bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag sa iyo dahil... dahil malaking bagay ang ginawa niya para sa iyo," malumanay nitong sabi na tila ba matagal na nitong kilala si Zero.
"Wala akong oras para pakinggan ang paliwanag ng isang taong sinungalin at makasarili. Kulang lahat ng masasakit na salitang kaya kong ibato sa iyo kumpara sa hirap na pinagdaanan ko nang iwan mo ako, kaya huwag kayong umasang napapatawa ko kayo." Puno ng pait at poot ang tingin niya sa sariling ama bago sinara ang pinto.
Pumikit siya ng mariin kasunod ang mga patak ng luhang dulot ng halo-halong emosyon. Gusto niyang buksan ulit ang pinto at yakapin ang sariling ama dahil matagal niya itong hindi nakita at labis niya itong pinanabikan pero mas nanguna ang galit at hinanakit sa kaniyang puso.
Sumandal siya sa likod ng pinto habang kagat ang pang-ibabang labi. Akala kasi niya'y magiging masaya na siya kapag nakita niya si Fernando dahil handa na sana siyang patawarin ito pero dahil sa narinig at nalaman niya, bumalik lahat ng hinanakit at poot niya sa sariling ama. Hindi niya alam kung kailan niya kayang patawarin ang mga taong dahilan ng sakit na nararamdaman niya ngayon.