Kabanata 1

1711 Words
“Josh! Josh! Josh!” tawag ko sa nobyo ko habang tumatakbo ako papalapit sa banda nila ng mga barkada niya. Nakatalikod at may suot itong earphone kaya kinailangan pa akong ituro ng kaibigan niya. Nilingon niya naman ako at halos maglapit ang dalawang mga kilay niya sa pagtataka kung bakit ako nagmamadali. “Bakit? What happened?” tanong niya agad nang tuluyan na akong makalapit sa gawi niya. Lumunok muna ako ng laway’t inayos ang suot kong salamin at huminga ng maayos bago sabihin sa kanya ang nabasa ko kanina sa isang social media platform. “There will be a contest next week sa Poblacion. Sali ka!” sabi ko agad sa kanya nap uno ng exciotement. Alam ko kasing matutuwa siya lalo na dahil kapos sila ngayon ng mommy niya at kailangan na kailoangan na rin ng pera ng nanay niya para sa maintenance nito sa sakit nitong diabetes. “Talaga?” nanlaki ang mga mata niya. Ilang araw na kasi siyang naghahanap ng mapagkikitaan, wala namang bakanteng mga trabaho na malaki ang sahod kung meron man ay paminsan-minsan lang iyon at sobrang liit pa ng bigayan sa pagkakargador. Kaya naaawa ako kay Josh eh, hindi kasi bagay sa kanya ang trabaho na iyon at alam kong mahirap din iyon kaya ginagawa ko ang lahat para makatulong din sa kanya. Nagbibigay ako ng ulam sa kanila minsan kapag marami ang niluluto ni mama dahil alam kong mauuwi na naman sila sa asin o di kaya ay bagoong. Sobrang naghihirap sila ngayon dahil iniwan sila ng papa niya tapos dumagdag pa ang pagkakaroon ng sakit ni Tita. Natawa ako sa reaksiyon nito at tumango. “Oo, meron nga.” “Meron nga, Tol!” si Janrick kaibigay niya habang hawak-hawak nito ang cellphone nito. Ngumiti ng pagkalaki-laki si Josh nang lumingon ito muli sa akin, nginitian ko naman siya. Masaya akong nakakatulong ako sa kanya kahit sa mga simpleng bagay lang. “Sasamahan kita bukas,” sabi ko sa kanya habang nasa dinadaanan namin nakatingin. Papauwi na kaming dalawa at ihahatid niya raw ako, which is funny dahil magkatapat lang naman ng bahay ang pamilya namin. Kakalipat lamang nila noong isang taon. Ang bahay na tinitirhan nila ay bahay ng lolo at lola niya, mga magulang ng nanay niya na matagal ng walang nakatira. Minsan kapag pumapasok ako roon naninindig ang mga balahibo ko. Simula kasi nang wala nang nakatira sa lumang bahay na iyon ay marami akong naririnig na may naninirahan daw roon na white lady at kung ano-anong mga engkanto. Kaya sa tuwing naroon ako at binibisita si Josh ay hindi talaga ako nagpapaiwan ng ako lang isa kasi natatakot talaga ako. “Hindi naman na kailangan, Bea.” Sagot niya sa sinabi ko. Nasa harapan na kami ng bahay. Alam kong nakauwi na sina mama at papa dahil nakabukas na ang ilaw sa loob, kaya hindi na ako nagmadali pang pumasok. Hinarap ko si Josh at hinawakan ang dalawa niyang mga kamay. “No, sasamahan kita. Pagkatapos nating magpalista gagala tayo.” Umiling si Josh. “Ayan na naman, wag na. Kaya ko na, Bea. Tsaka iyang sahod mo. Sa iyo iyan. Gastusin mo yan para sa sarili mo hind isa akin. Okay pa naman iyong polong binili mo sa akin noong nakaraang taon.” “Eh, niyong nakaraang taon pa ‘yon! Ano ka ba, baka sabihin ng ibang tao diyan na iisa lang ang damit mo. Ilang besses mo na ba iyong isinuot sa tuwing kumakanta ka, Josh?” Natigilan siya at napaisip. “Tignan mo! Hindi mo na mabilang diba? Kasi nga ilang besses mo nang inulit iyon.” Hinila niya ako papalapit sa kanya, halos magdikit na ang chin ko at ang dibdib niya sa sobrang lapit naming dalawa. “Ayos lang, iyon ang lucky charm ko, eh.” Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti. Kinikilig, kasi bigay ko iyon sa kanya eh pero hindi ako magpapatalo. Gusto kong bilihan siya ng bagong damit kasi malapit na din ang birthday niya. “No,” inilayo ko ang sarili sa kanya. “Bibili tayo ng bago and that will be my gift for you para sa birthday mo kaya wag ka nang umayaw, Josh.” Napailing na lang si Josh, alam kasi nitong hindi niya na ako mapipigilan sa gusto kong mangyari. “Okay, okay. Boss.” “Beatrice?! Ikaw na ba yan?” sabay kaming napalingon sa mama ko na nasa balcony ng bahay namin. Pinaliliit ang mga mata, trying to see kung kami nga ba itong nasa labas ng bahay namin. “Kasama mo si Josh?” tanong ni mama muli. “Good evening, Tita.” Bati ni Josh mula sa kinatatayuan naming dalawa. “Oh, Josh pasok ka. Pasok kayo.” Sabi ni Mama at hindi na kami hinintay pa at pumasok na nang una sa bahay. Napakamot naman si Josh. Halata sa mukha nito ang hiya, alam niya na kasi ang susunod na mangyayari. Natawa naman ako sa kanya, ilang besses nang nangyari ‘to pero hindi pa rin siya nasasanay. At katulad ng mga nakaraang araw ay umuwi nga si Josh na may bitbit na plastic container na may lamang ulam para sa kanya at sa mama niya. Legal kami both sides at gustong-gusto siya ng parents ko at hindi sa pagmamayabang eh, ganoon din naman ako sa mama niya. “Nakakahiya, palagi na lang akong umuuwi ng may bitbit Tito, Tita.” Si Josh na inihatid pa ni Mama at papa hanggang sa pintuan ng bahay namin. “Nakuh! Wag kang mag-alala Josh at sa susunod na araw may bibit-bitin ka pa.” humagikhik si Mama. “Sige na ma, ihahatid ko muna si Josh.” Napailing si Papa, “para namang ang layo ng uuwian ng nobyo mo Beatrice. Sige na,” natatawang ani ni Papa na pati kami ay natawa na rin. Bago umalis ay nagpasalamat ulit si Josh kina mama at papa para sa pagkain. At tulad ng sabi ko ay inihatid ko nga si Josh hanggang sa gate ng bahay namin. “Salamat ulit dito, see you tomorrow.” Nakangiting ani niya bago ako hinalikan sa kanang pisngi ko. Ngumiti din ako sa kanya “see you tomorrow. Good night!” Kinabukasan ay maaga akong nagising. I am working as a manager of a restaurant habang si Josh naman ay hindi pa nakakapagtapos. But he is trying all his best now na mairaos niya ang kanyang pag-aaral. Tumigil kasi siya last sem nang malaman nila ang tungkol sa sakit ng mama niya. Kailangang kumayod kaya napabayaan niya ang pag-aaral niya. “Bey,” papalabas pa lamang ako sa gate ng bahay namin ng makita ko ang malaking ngiti ni Josh sa kanyang mga labi habang nakasakay sa kanyang motor. Ang motor na pinakaiingatan niya sa lahat. Ang bagay na iniwan sa kanya ng kanyang ama. He was a daddy’s boy back then, hindi ko man nakilala ang papa niya pero ang sabi niya ay mabait naman daw ito sa kanya. Iyon nga lang ay iniwan sila nito para sa ibang babae dahilan kung bakit Josh learned to hate him. Galit na galit siya sa tatay niya at naging pinaka-kinamumuhian niya ito sa lahat pero hindi ko alam kung bakit sa likod ng poot na meron siya sa papa niya ay nagawa niya paring hindi i-let go ang motor na ito. “Ang aga mo, ah? Magbabantay ka ng tindahan ni Manang Tasing?” tukoy ko kay Manang Tasing na may malaking sari-sari store sa kanto. Madalas kasing nangangailangan ng tulong si Manang Tasing at dahil pinagkakatiwalaan nito si Josh ay ito ang inuutusan nitong mag bantay minsan ng tindahan niya. Umiling ito. “Ihahatid kita.” Inilabas nito ang isang helmet, iyong helmet na para sa nanay niya na parang naging akin na rin kasi ako na lang palagi ang gumagamit niyon. Napangiti naman ako at agad na kinuha sa kanya ang helmet. Gustong-gusto ko kasing siya iyong humahatid sa akin kasi alam kong safe ako. Minsan kasi kapag nag je-jeep ako, ay madalas akong nale-late kasi traffic. Pero kapag nakamotor kasi kami ay nakakasingit si Josh kaya mabilis lang akong nakakarating sa restaurant. “Mamaya, susunduin kita.” Sabi niya nang kunin niya sa akin ang helmet. Nasa harapan na kami ng restaurant, advance ako ng ilang mnuto kaya hindi muna ako nagmadaling pumasok, tsaka hindi naman strict ngayon kasi wala iyong boss namin na sobrang strikto. Ang alam namin ay nagkasakit kaya hindi na nito magagawang bisitahin ang restaurant. Kaya magiging chill ang working days namin ngayon at sa mga susunod na araw. “Wag na, sa bahay mo na lang ako hintayin. Magbibihis pa ako, alangan naman ito suotin ko.” Turo ko sa uniform ko na para bang a-attend ng united nation at Chinese country iyong napili kong i-represent. “Sige,” sabi nito. Tatalikod na sana ako para pumasok na nang tawagin niya ako. Kaya lumingon ako sa kanya at humakbang muli palapit ng ilang hakbang. Hindi na nito suot-suot ang kanyang helmet at ang sumunod talaga na mga nangyari ang gumulat sa akin. Hinila niya ako sa isang kamay at binigyan ng isang mabilis na halik sa mga labi. I was shocked! Kasi sa loob ng ilang buwan naming magkarelasyon ay ngayon niya lang ako hinalikan sa publiko! Ngumisi siya nang makita ang nahihiya kong mukha. Nagpaalam itong muli pagkatapos maisuot ang kanyang helmet. Nahihiya din kasi ako kasi may nakakita sa amin na isang lalaki, huminto ito nang makita ang ginawa ni Josh sa akin bago pumasok ng restaurant. Nakaalis na si Josh habang ako naman ay napahawak pa doon sa labi ko, hindi ko na lang pinansin iyong lalaking malamang ay costumer namin, ang aga niya, ha. Hindi ako pamilyar sa kanya kaya baka unang besses niya pa sa restaurant namin kumain. Pumasok ako sa restaurant at nakita ang lalaki na ngayon ay nakatingin na naman sa akin. Nakakrus ang dalawang mga kamay nito sa dibdib. Hindi ko na lang pinansin at tinawag ang isang waitress upang kunin ang order ng lalaki. “Tell your co-workers to line-up.” Narinig kong sabi ng lalaki na nagpakunot sa noo ko. And there then I just found myself talking to the son of our Boss! Paper sheet! Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD