CHAPTER 26

1052 Words
"Mag iimpake? Baka naman namali lang yung—" natigilan ako sa pagsasalita ng iniabot sakin ni Keifer ang bag. "Makinig ka na lang sakin." sabi niya saka siya tahimik na nag impake. Pati si Yani, nag iimpake na rin. "Keifer. Buksan mo to! Alam kong nandito ka." nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng boses, fck. Nasundan niya talaga kami. "Sht! Dumaan kayo sa likod, susunod ako. Sige na." sabi niya saka iniabot sakin yung bag at tinulak kami ni Yani. "Pero, hindi ka namin pwedeng iwan dito!" pagkontra ko naman. "Girl, ano ba. Huwag ka ng magmatigas diyan, tara na!" Yani pulled me and we go into the backdoor. My heart is pounding right now. Hindi ko na rin talaga alam kung ano pa bang dapat kong gawin kung sakali ngang nasundan kami ni Keith dito. "Baka pwedeng tulungan natin si Keifer. Baka mamaya, saktan siya ni Keith." kabado ko namang sabi. "Girl, baka nakakalimutan mo, kambal yon ni Keith. Mahal niya ang kakambal niya kaya pwede ba, kumalma ka. Maghintay na lang tayo dito." sagot naman ni Yani. We were hiding in the bushes. Ng sumilip ako ulit ay nakita ko si Keifer na naglalakad na papalapit samin. Kasama si— "Marlo?" gulat kong tanong saka ako tumayo at lumapit sa kanila. He is Herlyn's boyfriend. I saw him talking to Herlyn at the coffee shop. Sinabi niya pang nakikiusyoso ako sa kanila non. "What are you doing here?" pagalit kong sabi. "Why do you even care?" he retorted. Inismiran ko naman siya saka naman natayawang nagsalita si Yani. "Stop it, okay? Para kayong mga bata. Kani-kanina lang kayo ni Keifer ang nag aaway. Ngayon naman, kayo ni Marlo." suway ni Yani. "Bakit kasi yan nandito at saka, paano mo alam na buhay si Keifer? Everyone knows that he's dead already." inis kong sabi habang naglalakad kami papasok ng resthouse. Keifer locked all the doors. Tinanong niya pa si Marlo kung may nakasunod ba sa kanya pero sabi niya, wala. "You're still not answering my question." pangungulit ko, "How come did you know that Keifer is still alive?" "Because I don't see you in school anymore." agarang sagot niya. "Keith told everyone that you've been experiencing depression that's why you can't go to school. Hindi ako naniwala dahil ganong ganon din ang sinabi niya kay Gwen ng ikulong niya yon dun sa bahay. All this time, alam kong nakakulong kayo ni Yani. Pero hindi ko kayo magawang maitakas. Habang sinusundan ko kayo sa mall, nakita ko si Keifer. Gulat na gulat ako dahil kahit ako, ang alam ko patay na rin siya." I sighed after knowing his reason. Well, kahit naman na sino sa tinagal tagal, magugulat kapag nalamang buhay pa si Keifer. Imagine, Keifer has been locked up for almost five years. How did he survive that? "Hindi talaga ako makapaniwala kay Keith. May sa demonyo talaga yata yon. Ang lakas ng tama. Nagkagusto naman ako pero di ganon sa kanya. I can't believe love leads him into obsession." Marlo sips his coffee. Tahimik lang akong nakikinig. I can't even argue with him because he's correct. Keith is obsessed. He killed lot of innocent people because of his obsession. "Alam mo ba, ganyan na ganyan siya kay Gwen noon. Natigil lang naman lahat at bumalik siya sa normal ng mamatay si Gwen. Pero hindi ako makapaniwala ba bumabalik na naman siya sa pagiging ganon. Natatakot ako sa mga pwede niya pang gawin." he sip his coffee again. Wala ring imik si Yani at Keifer na nakaupo din sa sofa. "Then why did you stay silent all this time?" Keifer speak, "Meron kang chance na isuplong siya. Pero hindi mo ginawa?" "How about you? You have the chance to escape but why did you choose to stay? Alam mo namang may sa demonyo ang kakambal mong yon, dapat pinutulan mo na ng sungay." Nagsukatan sila ng tingin. Nasesense ko na nagkakapikunan sila. "Can you please stop?" inis kong suway, "Walang magagawa yang pag aaway niyo. What we need to do right now is to make a plan on how we will go into the police station without being noticed by Keith. Hindi pwedeng nandito lang tayo, nakatunganga. Habang mas tumatagal na nandito tayo, mas nanganganib ang buhay natin." Nilingon ako ni Marlo. Ang seryoso ng mukha niya. "We can't move right now. Bantay sarado ni Keith ang lahat. Kapag lumabas kayo, yari kayo. At sa tingin ko, alam niya na rin sa mga oras na to na kasama ko na kayo. Lahat na tayo nanganganib. Iba makalaban amg demonyong yon kaya hindi dapat tayo magpadalos dalos. Okay lang na tumagal tayo dito. Ang hindi okay, yung kumilos agad tayo tapos lahat tayo namatay. Kita mo si Herlyn, nanaig na rin sana ang konsensya niya pero..." natigilan si Marlo saka yumuko, "Nevermind. Can I take a shower here? May mga stock ka naman sigurong damit, bro. Hiram muna ako. Wala akong dala." Marlo was able to walk into the shower room when Keifer speak. "Did I already say yes?" inis niyang sagot. "Well, you didn't speak so I thought, you already agree. Silence means yes." he laughed then he walked confidently into the shower room. Napailing iling na lang si Keifer. "I have some stocks on the room. May cellphone don. Dalawa. Hinanda ko talaga yon in case of emergency. Magsama na lang tayo, Bella. Kayo naman ni Marlo. Yung cellphone yung gagamitin nating contact. The rest saka na natin pag usapan pagkatapos ng maligo ni Marlo." wala sa sariling sabi ni Keifer saka rin siya naglakad, papuntang kwarto. "Uh, Keifer. Thank you. Alam kong si Bella lang naman talaga dapat ang tutulungan mo pero isinama mo ako. Salamat. Utang ko lahat sayo." Yani smiled at him, and he just nod his head. When he left, Yani disappointedly throw the pillow on the other chair. "Kainis! Limang taon na ang nakalipas pero ang sungit niya pa rin!" inis niyang sabi kaya naman natawa na lang ako. I forgot, Yani is attracted to Keifer before. That faded because she thought that Keifer's dead. "Hindi ko talaga alam kung saan ipinaglihi yang lalaking yan at ganyan kasungit." magkasalubong ang kilay niya at pinagmamasdan ko lang siyang magmaktol. I suddenly remember the dress I'm wearing right now. Bigay to ni Keith.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD