KABANATA 1

1235 Words
FIVE years later. Masakit ang batok ni Olivia nang magising sa ingay ng ginawang paglapag ng eroplano sa NAIA. Resulta iyon ng matagal na pagtulog sa biyahe mula sa bansang pinanggalingan, ang Spain. She groaned in pain habang inihahanda ang sarili para sa kanyang pagtapak muli sa bansa. Pagka-baba niya pa lang ng eroplano ay may tumawag na sa kanyang telepono. Marahil ay ito ang driver na ipinipilit ng kanyang Lolo na susundo sa kanya pauwi ng mansiyon. Sinabi naman niya ritong kaya niyang umuwi ng mag-isa. Wala siyang balak tumuloy roon. Sa biniling condo niya siya titira ng matagal. Sinagot pa rin niya ang celfone niyang eskandaloso na nag-ri-ring. “Hello,” bungad niya sa taong tumawag, hindi pa natitingnan sa screen ang caller. “Welcome back. . .” “Excuse me, but who's this?” Tsaka pa lamang siya nag-abalang tingnan kung sino ang tumawag. Numero lamang ang naka-register. “Woah! Naglagi ka lang ng matagal sa ibang bansa, nakalimutan mo na ako. It's me, Heat,” pakilala nito. Napakurap siya. Matagal tagal na rin nang huli niyang marinig ang boses nito. Simula kasi nang magtungo siya sa Espanya ay pinutol niya na ang komunikasyon sa kahit sinong tao na naiwan sa Pilipinas. Even to her family. Walang balita ang mga ito tungkol sa kanya. Nito lamang siya nagparamdam sa kanyang Lolo at kinikilalang magulang. “Lo siento. . . What I mean is I'm sorry If I didn't recognized your voice right away. Isa pa'y, nagpalit ka ng numero.” “I had to. Alam ko'ng hindi mo sasagutin ang tawag oras na makita mo ang dati ko'ng numero na tumatawag sayo. By the way, where are you?” Kasabay nang pagtigil niya sa de gulong na bagahe ang kanyang paghinto. Senenyasan niya ang taksing nakaparada sa labas ng airport. Naghintay siya roon. Muli niyang ibinalik sa tainga ang celfone. “I'm on my way home. Mamaya na lang tayo mag-usap, Heat. Marami akong dala.” “Do you wan't me to fetch you?” “No!” Napalakas ang boses niya. Sa ngayon ay ayaw niyang makipagkita sa kahit na sino. Lalo na rito. Kapag nakita niya ito ay parang nakikita na rin niya ang lalaking kinamukuhian niya. “I-Ibig ko'ng sabihin ay huwag ka ng mag-abala pa. I'll end this call na. Adios.” Pinatay na niya ang linya. Pumarada sa tapat niya ang taksi at sumakay na roon. “Saan po tayo, ma'am?” untag ng drayber. Sinabi niya rito ang address ng kanyang condo at mabilis naman silang nakarating doon. Malinis na ang condo unit na paglalagian niya. No one knows about her place. This was her temporary secret haven. Dito siya mananatili habang iniisip niya ang susunod na gagawin niya sa kanyang buhay. At sa buhay ng taong sisirain niya. Sa halip na magpahinga ay dumeretso siya sa kama at binutingting niya ang mga lumang magazine at diyaryo sa kanyang maleta. Ang content lang naman ng mga iyon ay tungkol sa buhay ng lalaking dumurog sa buhay niya. Kung ano-anong balita ang nakasulat tungkol rito. Alam na alam niya ang nangyayari sa buhay nito kahit nasa Espanya siya. Napaismid siyang sumimsim sa bote ng tequila. Kumuha siya ng push-pin at idinikit ang mga papel sa flywood wall. Nakabalandra ang litratong mukha ng lalaking kinamukuhian niya. Nakangiti at masayang masaya sa buhay. Samantalang siya, punong puno pa rin ng galit. Ginuhitan niya ng pa-cross ang lahat ng litrato nito. Minumura niya ito sa isipan. Gaurish Del Fredo was the man she hates the most. No, she loated him. She despised him to death. Gusto niya itong durugin sa mga kamay niya hanggang sa humingi ito ng tawad sa kanya. Pero sino nga bang niloloko niya? Hindi iyon gagawin ng lalaki dahil wala itong konsensya. Nabuwag ang masamag titig niya sa litrato nang tumunog ang celfone niya. Mensahe galing sa kanyang inupahang private detective. Ito ang source of information niya tungkol kay Gaurish Del Fredo. Napangisi siya nang mabasa ang mensahe ng detective. Mukhang may pagkakaabalahan siya ngayong gabi. Sunod niyang hinalungkat ang napakaganda niyang red velvet dress with a pop of flowery lace cap sleeves and an illusion back. Napakataas na heels at mapagmataas at makapal na res lipstick sa labi. Sa isang iglap lang ay natapos niyang ayusan ang sarili. Bihasa na siya pagdating roon. Handa na siyang umalis at pumunta sa kinaroroonan ni Gaurish. Tangan niya ang kanyang makintab na purse na nagtungo sa soft opening ng panibang business ventures ng lalaki. Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang ribbon cutting sa labas ng building. Nasa loob siya ng sasakyan at walang balak na lumabas. Gusto niyang pagmasdan ang mukha ng lalaking una niyang minahal. Unang lalaking dumurog at nagwasak sa kanya. Palaisipan pa rin sa kanya ang pag-iwan nito sa kanya. Walang sorry o eksplenasyon. Basta na lamang siyang ipinagtabuyan na parang basura. Naalala na naman niya ang sakit. Hindi para manghinayang kundi para magkaroon ng rason na wasakin rin ito. Katabi nito si Sol at kapwa nakangiti. He still look handsome as ever. Nadagdagan ng mustache ang panga nito na dati ay kaunti lamang. Mas lumapad rin ang pangangatawan. Ang dating maputi na balat ay naging kayumanggi. May binulong si Sol sa tainga ni Gaurish na kung ano. Makirot ang dibdib niyang nag-iwas ng tingin. Masakit pa rin pala sa kanyang makita ang paglalapit sa isat-isa ng dalawang ito. Dinial niya ang numero ng detective na Fil-Latino na si Zaul. Sinagot nito kaagad ang tawag niya. “Es hora de que les des mi saludo,” aniya sa salitang spanish. Inutusan niya itong ibigay na ang kanyang espesyal na pasalubong para sa mga ito. “Proxima, dama,” pagsunod nito. Nakita niya ang paglabas ni Zaul sa sasakyang nakaparada sa malayo. Nakasumbrero ito at mask. Naglakad ito palapit kina Gaurish at Sol at sa sampu ng mga bisita nito. Pansamantalang naudlot ang paggupit ni Gaurish sa ribbon at kunot noong bumaling kay Zaul. Nagulat ang mga nakapaligid na mga bisita sa pag-abot ni Zaul kay Gaurish ng isang maliit na kahon, nakabalot iyon sa gift wrapper. Kumibot ang labi ni Gaurish bago tinanggap ang regalo. Mabilis na umalis si Zaul sa lugar pagkatapos maiabot at masunod ang ipinaguutos niya. Inagaw ni Sol ang kahon sa kamay ni Gaurish, pinunit ang pambalot bago tuluyang abuksan ang kahon. Malakas na tumili si Sol at agad na napayakap kay Gaurish. Naitapon rin nito ang kahon dala ng sobrang gulat. Tumambad sa kanila ang duguang katawan ng hayop. Napahalhak siya sa tuwa. Iyon mismo ang gusto niyang makita sa mukha ng babae. Gusto niyang matakot si Sol ng husto. Gayunman, hindi kumpleto ang tuwa niya dahil ang haragang si Gaurish ay hindi man lamang tinablan ng takot. Bagkus ay kalamigan sa anyo ang makikita habang inililibot ang tingin sa paligid. Tumama ang tingin nito sa direksyon ng kinasasakyan niya. Alam naman niyang tinted ang salamin pero pakiramdam niya ay tumatagos ang mata nito sa kalamnan niya. Pakiramdam niya ay sa kanya mismo ito nakatingin. Panandalian siyang nakaramdam ng panginginig bago muling nawasak at naging matigas. Inagaw lang ni Sol ang atensyon nito kaya nawalay ang tuon nito sa kanya. Ini-start na niya ang engine at saka ngumisi ng mapanganib. “Nagsisimula pa lang ako, Gaurish. Sisiguraduhin ko'ng sa susunod ay ikaw na mismo ang manginginig sa takot,” aniya bago pinaharurot ang kotse paalis ng lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD