KABANATA 2

1121 Words
++++ "MA'AM, here's your order," untag ng waitress kay Olivia. Nasa pinakadulo ang pwesto niya ngunit sapat na para matanaw ng buo ang kabuuan ng bar. "Pakilapag na lang. Thank you." Muli niyang tiningnan ang lalaking palihim niyang minamanmanan, 'di kalayuan sa kanyang inukupahang mesa. Malamyos ang musika galing sa pianista ng bar at sumasabay ang daliri niya sa pag-kumpas. Kung nasaan ang daga, malamang ay naroon ang pusa. At siya ang pusang iyon na nakabantay sa dagang si Gaurish. Nagmamasid at handang sumalakay kapag may pagkakataon. Kasalukuyan umiinom ang lalaki sa counter ng mag-isa. No companionship. She wonders where Sol is. Kunsabagay, mas magandang ng wala si Sol para naman mas magawa niya nang maayos ang kanyang gustong gawin sa lalaki. Maya-maya ay may lumapit na isang magandang babae kay Gaurish. She focus on her. Bilang isang supladong lalaking nakilala niya ay hindi nito pinansin ang babaeng dumating. Inilingan ito ni Gaurish, pahiwatig na ayaw nito ng kahit sino sa tabi nito. But the girl was really determined to pursue and get his attention, but still not succeded. Hinimas ng babae ang braso ni Gaurish. Balewala naman iyon sa binata na tuloy lang ang pagsimsim sa alak. Tila may barricade na ginawa si Gaurish at hindi man lang binibigyang pansin ang babaeng sumusubok mang-akit dito. Gaurish was literally a snob! Doon na sumulyap sa kanya ang babae at umiling. Nais nitong iparating sa kanya na nahihirapan itong akitin si Gaurish. "Tonta. . ." bulong niya sa kanyang sarili. Palpak ang ibinigay na babae ni Zaul. Nahilot niya ang sentido. Sayang ang perang ibinayad niya rito. Dinampot niya ang kanyang phone at tenext ang babaeng inupahan niya na mang-akit kay Gaurish. Sinabi niya sa message na umalis na ito ngayon din bago pa niya bawiin ang pera. Batid niyang nabasa na iyon ng babae dahil hawak nito ang phone ngayon. Nagbago ang hilatsa ng mukha nito at agad na umalis. Mag-isa na ngayon si Gaurish. Still not bothered to everyone's existence. Tinawag niya ang waitress na nagbigay sa kanya ng order. Lumapit naman iyon kaaagad. "Miss, close kayo ng bartender niyo?" tanong niya rito. "Yes, ma'am. Bakit po?" "Pakisabi, kakausapin ko siya. May raket akong ibibigay sa kanya," aniya at saka ngumiti ng makahulugan. Napangiti siya nang makitang kasama na ng waitress ang bartender sa pwesto niya. Ang bartender na siyang nagbibigay ng alak mismo kay Gaurish. Kinausap niya ito para mapapayag sa kanyang plano. Siyempre ang lahat ay may karampatang halaga. Pumayag naman ang bartender sa plano niya na tila sanay na sanay na sa mga illegal na gawain. "Mag-thumbs ka kapag nainom na niya ang alak na nilagyan mo ng pampatulog," utos niya sa bartender. "Copy, ma'am. Basta iyong pinag-usapan natin ah." Siguristang paalala nito. "Kapag nagawa ko, agad agad ay ibibigay niyo ang perang napag-usapan." Tinapik niya ito sa balikat. Pagkatapos ay bumulong sa tainga nito. "Marunong akong tumupad ng usapan. Kaya kong doblehin ang halaga ng perang inalok ko sayo oras na magawa mo ang ipinag-uutos ko." Malapad ang ngisi nito at saka sunod sunod na tumango. Nagpaalam at isinagawa na ang utos niya. Pinanonood niya na ang bartender ngayon kung paano nito nagawang malagyan ng pampatulog ang inumin ni Gaurish ng ganoon kadali. Swabe at napaka-lupit ng istilo nito. Mabilis ang mga kamay. Sumilay ang ngisi sa kanya nang inumin ni Gaurish ang inabot na alak ng bartender. "Three, two, one. . ." bilang niya at pagkatapos nga niyon ay dahan dahang nang nakatulog si Gaurish sa counter. Sumubsob ang mukha nito roon. Nasipat niyang nag-thumbs up na ang bartender, senyales na maaari na siyang lumapit. Tumayo na siya at naglakad palapit sa pwesto ni Gaurish. Sinulyapan niya ang payapang mukha nitong walang malay. Sunod ay binalingan niya ang bartender. "Good job," sabay abot rito ng pera. "And oh, hindi pa tapos ang trabaho mo. Buhatin mo ang lalaking 'yan papunta sa kotse ko." Huling utos niya bago tinalikuran ito at nauna ng magtungo sa sasakyan. Huminga siya nang malalim habang taimtim na naghihintay. Hanggang sa natanaw niyang buhat buhat na nga ng bartender si Gaurish palapit sa kotse niya. Mabilis niyang pinagbuksan ito ng pinto. Ilang saglit lamang ay naipasok na nito ang tulog paring si Gaurish sa back seat. "Thank you. Makakaalis ka na. Aasahan ko ang pananahimik mo," aniya sa bartender. Umakto itong sinipiran ang bibig. "Mananatili akong tahimik sa lahat ng oras, ma'am." "Mabuti kung gano'n," Kapagkuwan ay pumasok na siya sa kotse at pinaandar iyon. Panaka-naka ang pagsulyap niya sa side mirror upang makita ang kalagayan ni Gaurish sa likurang bahagi ng sasakyan. Naging mabilis ang biyahe niya. Nasa hotel na sila ngayon. Nag-check in at nagpatulong siya sa bell boy na buhatin si Gaurish. Ngayon ay nasa kama na ang lalaki at komportableng natutulog. Lumundo ang kama nang lapitan niya ito at saka tinitigan ang gwapong mukha. Napakaamo ng itsura na akala mo ay walang ginawang masama sa kanya. Pinasadahan niya ang labi nito gamit ang kanyang daliri. "Nice to see you, my dear. You look so happy and contented. While me, still living miserable. Hindi ako papayag na ako lang ang maging miserable. Gagawin ko'ng patas ang laro para sa ating dalawa." Gumapang ang kamay niya sa polo nito at isa-isang tinanggal ang butones. Tumambad sa kanya ang matigas, matipuno at mabuhok na dibdib nito. Bumaba ang palad niya sa ibabang parte ng puson nito. Partikular sa sinturon. She unbuckled it, carefully. Nanigas siya nang maramdaman ang biglang pagtigas ng p*********i nito. Bakat iyon sa pantalon nito. Maari pa lang naapektuhan ng libog ang taong tulog. Ibinaba niya ang pantalon nito at kumpirmadong galit na galit na nga ang sundalo nito. May flag ceremony sa ilalim ng brief. Even if she hated him so bad, inaamin niyang naapektuhan siya sa kahubdan ng lalaki. Nanunuyo ang lalamunan niya. This is her first time na makita ang katawan nito sa malapitan. Kahit noong fiancee pa niya ito ay walang naman siyang masasabing intimate moment na naganap sa pagitan nila noon. Maybe he doesn't really like her that much. At marahil, isa iyon sa rason kung bakit hindi siya nito nagawang pakasalan. She felt pang on her chest nang maalala na naman ang sakit ng ala-alang iyon. Umiling siya upang mawaglit iyon sa isipan niya pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Mas matindi na ngayon ang determinasyon niya. Pumaibawbaw siya sa tiyan ni Gaurish at pinagsasampal ang mukha nito ng walang humpay. "Damn you! f**k you!" Pakawala niya ng mga mura. Nakadama siya ng pagod sa kasisigaw. Tumayo siya at tinawagan na si Zaul. "Umakyat ka na dito Zaul, isabay mo na iyong babae. Gawin na natin ang magiging kahihiyan niya sa hinaharap," saad niya sa telepono habang nakatitig sa mukha ni Gaurish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD