Daddy Austin POV
Kinausap ko na si Althea sa balak ko na ipagamot siya at pumayag naman siya. Kaya kapag bumalik na kami sa Manila ay kukuhanan ko na siya ng sarili nyang condo at ipapasok ko na sila ng kaibigan nya sa college. Madali naman kausap si Steph, napag alaman ko kasing sa pamilya nya nagtatrabaho sila Althea ngayon at agad naman siyang pumayag sa sinabi ko na di na magtatrabaho pa sila Althea, sya nalang din daw ang bahalang mag sabi sa parents nya. Pero sinabi kong kakausapin ko pa rin ang parents nya. Gusto ko rin namang makilala ang pamilya ng nobya ni Marius. Sa ngayon ay mag enjoy muna silang magkakaibigan meron pang 2 araw na natitira sa bakasyon nila.
" Althea iha bakit nag-iisa ka ata?" Nakita ko kasi siyang mag-isa sa duyan at mukhang malamin ang iniisip.
" Daddy ninong ikaw po pala. Kukuha daw ang mga lalaki ng bunga ng sampalok, sumama naman po ang ibang babae, nagpa iwan nalang po ako dito dahil may allergy po ako sa dahon ng sampalok baka po mangati na naman ako." Sabi nya.
" Iha may itatanong sana ako sayo pero gusto ko sana na magsabi ka ng totoo gusto kong makatulong."
" Ano po yun?" Maikling nyang tanong
" Hanggang saan na ang naaalala mo?"
" Daddy ninong halos lahat na po... Lahat lahat po... Hanggang sa aksidente po namin...
" Pwede mo bang ikwento sa akin ang nangyari bago ang aksidente." Iniisip ko kasi na sinadya pero wala pa akong sapat na ebidensya. Meron na rin akong pinaghihinalaan kaya kung maaari ay marinig ko mula sayo ang nangyari...
" Umalis po kami dito noon na di na po maayos ang pagsasama ni inay at itay... Nagtatalo po sila... May nalaman kasi si itay na nilihim daw ng matagal ni inay sa kanya... Pero maingat po sila sa mga salita nila kaya wala akong idea kung tungkol saan ang away nila. Ang sabi ni inay ay wag na daw akong sumama sila nalang daw ni itay ang magdedeliver ng palay. Pero si itay po ang nagdesisyon na isama ako. Habang nasa biyahe ay tahimik lang po sila pero nararamdaman kong bumibilis po ang takbo ng sasakyan. Ang sabi pa ni nanay ay wag bilisan dahil punong puno ng palay ang sasakyan pero di po nakinig si itay. Hanggang sa sumigaw na si inay dahil babangga kami sa poste ng kuryente huhuhuhuhuhu..." Humagulgol na sa iyak ang anak ko kaya niyakap ko siya...
" Huwag mo ng ituloy iha kung di mo kaya." Yun na lamang ang nasambit ko para patahanin siya.
" Sorry po pero gusto kong ituloy...
Sinadya po ni itay na ibangga kami sa poste ang huling sinabi nya pa ay sa susunod na buhay ay si inay pa rin ang mamahalin nya at sisiguraduhin niyang anak nya na talaga ako bago siya nalagutan ng hininga. Huhuhu... Hanggang sa narinig ko na po na may pumutok at may nasusunog po sa bandang likuran ng sasakyan. Hindi ko na po magising si inay iniwan nya na po ako huhuhu. Hanggang sa huling sandali ng buhay nya ako pa rin ang iniisip nya. Siya po ang napuruhan dahil mismong katawan nya ang ginawa nyang pangsangga para ma protektahan ako... Mabuti na lamang po at may tumulong sa akin na mag-ina bago po ako nawalan ng malay.... huhuhuhuhuh..." Tuloy tuloy pa rin ang tulo ng luha nya...
Nalungkot ako sa pangyayari. Ibig sabihin ay si Caloy ang may kagagawan. Pero sino kaya yung mag-ina na tinutukoy ni Althea? At bakit may isang bangkay ng bata ang nandun na napagkamalan pa naming si Althea. At base sa kwento nya bakit masusunog ang bandang likuran. Meron kayang balak talagang pumatay sa pamilya?
Isa pa ang nagpakaba ng husto sa akin. Ng sabihin ni Caloy kay Althea na sa susunod ay sisiguraduhin nya ng anak si Althea. Hindi pa ako handang magpakilala bilang tunay niyang ama. Hindi ko inisip na darating ang araw na malalaman nya pa ang tungkol sa nangyari sa nakaraan. Hindi ko alam kung masisiyahan ba siya o kamumuhian ako. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo????
---------
Marius POV
Inaya ko sila Tyrone na I try ang pag kuha ng bunga ng sampalok. Nakita kasi nila Steph yun at gusto daw nila kaya naisipan kong kumuha para may kainin sila. 2 days pa kami dito kaya gusto kong maranasan nila ang buhay dito sa probinsya. Halos lahat ng babae ay sumama maliban kay Althea ayaw nya daw dahil sa naaantok siya kaya dun siya sa duyan humiga. Hindi ko na rin siya pinilit dahil alam kong may allergy siya sa dahon ng sampalok... Naaalala nya kaya yun?
" Honey may nakuha na ko, hinog na pwede mo ng kainin." Abot ko sa nakuha kong bunga kay Steph.
" Thanks honey... Wwwoooowwww ang tamis..." Nakita ko ang tuwa sa mukha nya sobra siyang nasiyahan at niyakap nya pa talaga ako.
Marami kaming nakuhang bunga kaya naman pagkatapos ay napagdesisyunan naming bumalik na sa bahay.
Naabutan naming magkausap si Dad at Althea at base sa itsura ni Althea ay kagagaling nya lang sa pag iyak. Parang kinurot ang puso ko ng makita ko ang kanyang malungkot na mga mata. Di ko talaga gustong nasasaktan siya.