Episode 20

1115 Words
Althea POV Nakita ko silang parating na kaya naman todo punas ako ng luha dahil baka malaman pa nilang umiyak ako, nakakahiya... " Althea ito oh tikman mo matamis." Si Marco na inaabot sa akin ang bunga ng sampalok. Talagang nakangiti pa siya... Kaya nginitian ko rin sya at nag pasalamat. Tumabi rin siya sakin at saka tinulungan akong mag balat... Sa kabilang banda naman ay nakita ko si Gigi na katabi si Joseph, mukhang may relasyon na ang dalawa....???? Si Beth at Tyrone naman ay ang sweet din, makikita mo sa mga mata nila na mahal nila ang isa't isa. Hanggang mapa dako ang tingin ko kay Marius at ma'am Steph magka hawak lang ang kamay nila pero ang laki ng epekto sa akin. Ang sarap tanggalin yung kamay, kung nakakasugat lang ang titig ko sigurado putol na ang mga kamay nila ... " Althea nganga." Si Marco na sinusubo yung sampalok sa bibig ko. Ayoko namang pahiyain si Marco kaya sinunod ko ang sinabi nya. Di ko rin namalayan na hawak nya na ang kamay ko at nilalaro ang mga daliri ko... " Ehheeemmm mga love birds... Aalis na muna ako at mukhang ako lang ang walang partner.. Ayoko namang langgamin dito. Hahahaha." Biro pang sabi ni daddy ninong. Ako tuloy ang nahiya sa sinabi nya. Pasimple kong hinihila ang kamay ko kay Marco pero di nya binibitawan, kaya naman pinabayaan ko na rin. Isa pa mas narerelax ako sa ginagawa nya. " Oh cuz mukhang may di kayo sinasabi ni Althea ah. Kayo na ba?"Usisa ni ma'am Steph habang ang mata nya ay nasa kamay ni Marco na naka hawak sa kamay ko. " No cuz wala pa sa ganun pero malay natin baka pwede na rin... Hahaha kung sasagutin na ako ni Althea." Tawa pa ni Marco " Bitiwan mo yan kung ayaw mong putulin ko isa isa ang mga daliri ng kamay mo." Matalim na tingin ni Marius kay Marco. " Bro nagbibiro ka lang naman diba?" " No.... stop flirting with my girl." Medyo pabulong na sabi ni Marius pero rinig na rinig namin ni ma'am Steph saka umalis... " Ano raw cuz?" Tanong ni Marco sa pinsan nya na napakamot pa ng ulo.. Di ko alam kung di nya ba talaga narinig. Sana lang hindi.... ... Steph POV Nagulat ako sa sinabi ni Marius kay Marco... Kahit pabulong pero rinig na rinig ko. Alam kong pati si Althea ay narinig din yun kaya nag iba ang reaksyon ng mukha nya. " Stop flirting with my girl." Ang sakit marinig... Ibig sabihin hanggang ngayon ay inaari nya pa rin si Althea. Umalis pa siya sa harapan namin dahil mukhang napikon siya kay Marco. Buti na lamang at di masyadong narinig ng pinsan ko. Kaya ang sabi ko nalang sa kanya ay may kukunin si Marius sa loob kaya umalis. Sinundan ko si Marius at nakita ko siyang nasa sala may hawak na beer in can. " Honey what are you doing here, bakit mo kami iniwan dun?" Tanong ko. " I'm sorry honey medyo sumama ang pakiramdam ko.. Ah wait can you please call Tyrone and Joseph ilalabas lang namin yung mga alak. Mag inuman nalang tayo dun sa kubo. Malaki laki naman yun pwede rin tayong mag palipas ng gabi dun para masulit natin dito." Aniya pa. Tumango nalang ako at tinawag yung dalawa. Nag tungo na kami sa kubo, kubo nga bang matatawag to eh ang luwang may tatlo ding kwarto. Pero made in nipa hut ang preskong tingnan. Mas maliit yung dating kubo na pinagdalhan nya sa akin sa gitna ng palayan. Ito kasing kubo na ito nakapalibot ang mga punong kahoy... " Honey if di ka iinom may juice naman I think juice nalang ang inumin nyong mga babae." Sabi ni Marius sa akin. " No honey I want to drunk, minsan lang naman ito at saka marami naman tayo." Mukhang di naman ako malalasing nito. Hehehe." tawa ko pang sagot sa kanya... Hanggang sa nag inuman na nga kami.. Iba talaga ang pinsan ko.Talagang seryoso na siya kay Althea. Todo dikit.. Ito namang katabi ko gustong manakit...Hahahaha bahala nga sila basta ako iinom. Kung talagang ma realize ni Marius na mas gusto nya si Althea ay kusang loob akong magpaparaya... Ewan ko nga lang sa pinsan kong tinamaan ng husto ni kupido.... Tinamaan na yata ako medyo nahihilo na ako. Nakita kong hinatid na nila Joseph at Tyrone si Gigi at Beth sa kwarto pero di pa lumalabas ang dalawang lalaki. " Honey ihatid na kita sa kwarto para maka pag pahinga ka na rin." aya ni Marius sa akin. Tumango lang ako... Nakita kong lasing na ang pinsan ko at nakayuko sa lamesa. Naiwan pa si Althea dun. " Honey si Althea." " Don't worry ako na ang mag papasok sa kanya sa kwarto inuna lang kita." Sagot pa nya. Hanggang sa naipasok nya na ako at hiniga nya sa kama. Inayos nya lang ang blanket sa katawan ko at umalis na. Hindi ako makatulog... ... Marius POV Inayos ko lang ang higa ni Steph saka ako lumabas tiniyak ko din na komportable siya dahil alam kong nalasing rin siya.. Nang lumabas na ako ay si Marco agad ang nakita ko. Kanina pa ako inis na inis sa taong ito. Kung makabakod kay Althea akala mo boyfriend na siya kahit hindi naman. Ang sarap sakalin.... " Thea gising..." Sabay yugyog ko sa katawan nya. " Kaya mo bang pumunta ng kwarto." Wala aKong sagot na narinig kaya binuhat ko na lamang siya para di na rin sya magising. Nang ilalapag ko na siya sa kama ay bigla nyang hinila ang ulo ko. Hinalikan nya na naman ako. Ang sarap ng labi nya napakalambot di ko mapigilang tugunin ang halik nya. Tumagal ang halik na yun hanggang siya na ang unang bumitaw. Nakatulog na siya... Natawa nalang ako sa sarili ko sa nangyari pangalawang beses nya na akong ninanakawan ng halik. Ibang iba ang halik nya sa halik ni Steph, masyadong nakaka adik si Althea gusto ko pa sanang ulitin pero pinili ko nalang umalis na sa kwarto at doon sa salas kami matutulog na mga lalaki. Pagbalik ko kung saan kami nag inuman ay nakita ko pa si Marco na nakahiga na rin sa upuang kahoy... Hindi na ata umalis yung dalawang kaibigan ko sa kwarto ng mga babae. Buti nalang tatlo ang silid naibigay ko ang isa kay Gigi at Beth, yung isa kay Steph at yung palagi kong tinutulugan ay doon ko dinala si Althea.... Natulog na rin ako.... Bukas maaga pa kaming babalik sa Manila. Back to normal na naman ika nga. Kailangan na kami sa aming sari sariling company...

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD