Kabanata 13 "KAY GANDANG hapon sa inyo aking mga giliw." Umaapaw na naman sa tuwa ang puso ni Eleanor nang pumasyal siya sa isang crocodile sanctuary na tanging lugar na gustung-gusto niyang pinupuntahan. Noon pa man ay talagang malapit na sa puso ni Eleanor ang mga buwaya kaya noong nalaman niya ang crocodile sanctuary na iyon ay ito na palagi niyang pinapasyalan sa tuwing may bakante siyang araw. "Oh, Binibining Eleanor. Ika'y narito pala. Sana'y ipinagpabukas mo na lamang ang pagpasyal dito sapagkat palubog na rin ang haring araw." Bungad sa kanya ng nag-iisang caretaker ng santuwaryo na isang purong Turkish. Sa nasabing santuwaryo na rin niya nakilala ang matandang caretaker na kalaunan ay naging kaibigan na rin. Sa katunayan ay sa kanya ito natutong magsalita ng Filipino kaya me