Kabanata 16 "Hey, anak- oh, Eleanor. 'Nak, what's going on with you? You look like a zombie." Nag-aalalang puna ni Helena na Mommy ni Eleanor. Inumaga na siya ng uwi nang araw na iyon dahil sa condo ni Giannina siya nagpalipas ng magdamag. Nagpakulunod sa alak na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya. Just last night. Sinikap ni Eleanor na itago ang kanyang totoong emosyon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema ng Mommy niya. Saksi kasi siya kung paano ito tratuhin ng kanyang Ama. His father treated her mother just like a maidservant. Ayaw lang ng kanyang Ina na magkalayo sila kaya natitiis pa nito ang manatili. "Ma, masyado lang po akong napagod sa mga ginawa kong term papers sa condo ni Nina but I'm alright. Have no worries about me, Mommy." She assured. Nailarawan sa