KABANATA 8

1952 Words

Kabanata 8 ELEANOR ANG AKING mga mata'y hindi magpalumagak sa iisang dako nang kami ay nakarating sa panibagong lunan ng aking Ginoong asawa. Ibig ko mang siya ay tanungin kung ano'ng uri ng lugar ang aming kinaroroonan subalit mas pinili ko na lamang na itikom ang aking bibig at manahimik. Duda rin ako na ako'y kanyang kakausapin sapagkat hindi ko man lang narinig na may namutawing ni isang salita mula sa kanyang bibig buhat noong lisanin namin ang modernong tahanan kanina ng mag-irog na si Ginoong mayroong bughaw na mga mata at si binibining Ariadne. Imbes na ako ay mag-usisa sa aking Ginoong asawa ay pinili ko na lamang na umasa sa lambang o haka-haka ng aking isipan. Ang hula nito na ako'y malapit na sa bundok tabor kung nasaan ang tirahan ng mahiwagang ibong Adarna. Marahil ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD