Chapter Six

2900 Words
HUMINGA muna ng malalim si Kamille, bago niya pindutin ang Call Button ng cellphone niya. Agad na nag-ring ang numerong dinaial niya. Nakahinga siya ng maluwag ng mabosesan ang babae sa kabilang linya. "Hello, who's this?" tanong ng Ate Karmela niya. "Achi, it's me." Sagot niya. "Shobe, hold on." anito sa garalgal na tinig. Pagkatapos ay narinig niya ang tila pinto na sumarado mula sa kabilang linya. "Nagtago ako dito sa kuwarto ko. Ni hao ma?" tanong nito sa kanya. Ang ibig sabihin ng huling katagang sinabi nito ay 'kumusta ka na?'. "Wo hen hao, ni?" sagot niya, na sa salitang tagalog ay 'Okay lang ako, ikaw?'. Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Is everything okay?" nag-aalalang tanong niya. "Worst. Hinahanap ka nila Daddy pati si Norris. Narinig kong pinag-usapan nila, kapag nakita ka daw nila. Agad daw kayong magpapakasal. Kaya huwag ka munang uuwi." Paalala nito. "With all honesty, Ate. Wala na akong kabalak-balak na umuwi. Masaya na ako sa buhay ko." Aniya. "Wo Shang Ni," naiiyak na wika ng Ate niya. 'I miss you' ang ibig nitong sabihin. "Gusto ko na rin umalis dito. Nhihirapan na ako sa wala sa lugar na paghihigpit ni Daddy. At least, nung nandito ka. May makakausap ako kahit paano." "I miss you too, Ate. Huwag kang mag-alala, kapag natapos na lahat ng problema ko. Aalis na tayo diyan." Aniya. "Kamille, tumawag ka na lang ulit sa ibang araw. Tinatawag ako ni Daddy! Bye!" biglang nagmamadaling sabi nito. Hindi na siya nakasagot dahil nawala na ito sa kabilang linya. Nakaramdam siya ng awa para sa Ate niya. Noong sapilitan itong ipakasal dati ng Daddy niya. Halos maglumuhod ito at magmakaawa na huwag siyang ipakasal. Pero naging bingi ito. Sa araw ng kasal nito, walang ginawa ang Ate Karmela niya kung hindi ang umiyak. At sa loob ng tatlong taon, hiwalay na ito sa asawa nito. Hindi nila alam na nananakit ang napangasawa nito, halos gabi gabi itong binubugbog ng asawa nito. Hanggang sa isang gabi, halos maligo ito sa dugo ng mag-away ang mag-asawa. Ayon sa Ate niya, may inuwi itong babae sa bahay nila. Nang komprontahin nito ang lalaki, nagalit pa ito sa kanya na siyang naging dahilan para halos mapatay nito sa p*******t ang Ate niya. Simula ng araw na makita niya ang kapatid na puro pasa ang mukha at buong katawan. Pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaang maranasan ang dinanas ng Ate niya. Naalala pa niya, nang mag-desisyon ang Ate niya na hiwalayan ang asawa nito. Mariing tumutol ang Daddy niya. Kapag ginawa daw iyon ng Ate niya, babawiin daw ng pamilya ng asawa nito ang investment sa negosyo niya. Nagalit siya ng husto, maging ang Mommy niya. Hindi niya akalain na mas importante pa ang negosyo at pera sa Daddy niya kaysa sa anak niyang halos mamatay na. Mabilis niyang pinunasan ang luha na naglandas mula sa mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang Daddy niya. Pakiramdam niya, hindi sila mga anak nito. Kahit kailan ay hindi nila ito kinakitaan ng pagpapahalaga sa kanila. Lalo na sa kanila ng Ate niya, palibhasa babae sila. Mahina sa pananaw ng iba. Ang tanging nakikita nito ang Kuya niya. Ang Kuya niyang mistulang robot na sunud-sunuran din dito. Hindi naman siguro mamasamain kung ipaglaban niya ang kalayaan niya. "BUSY ka?" Napatingala si Kamille sa taong nakatayo ngayon sa harap niya. Naroon siya sa tapat ng tindahan ni Kim at nakatambay kasama si Marisse, Sam, Sumi at si Razz. Naroon nakatayo si Jester, habang nakangiti ito sa kanya. "Hindi naman, bakit?" sagot niya. Nagulat pa siya ng hawakan siya nito sa isang kamay niya, pagkatapos ay hinila siya patayo. "Tara! May papakita ko sa'yo!" tila excited na wika nito. "Saan?" tanong niya. "Basta, oh sandali lang ah. Kukunin ko yung kotse ko." Sabi pa nito. "Baka puwedeng mabihis man lang ako." Aniya. Saglit itong nag-isip. "O sige na nga," pagpayag nito. Agad siyang naglakad pauwi. "Oy teka, saan na naman ang punta n'yong dalawa?" narinig pa niyang tanong ni Sam. "Ewan ko diyan, siya kaya tanungin mo!" Pasigaw niyang sagot. Habang nagbibihis ay palaisipan sa kanya kung saan sila pupunta ni Jester. Simula ng magkakilala sila at magkalapit, madalas na silang magkasama nito kaysa ni Sam. At sa pagdaan ng mga araw, habang lumalalim ang pagkakaibigan nila. Kasabay na umuusbong niyon ang espesyal na damdamin niya para dito. Sa pagtagal ng pananatili niya doon sa Tanangco, mas lalo niyang nakikilala ang pagkatao ni Jester. Mas lalo itong napapalapit sa puso niya. Unti-unti nitong pinupunan ang malaking espasyong sa puso niya. At gusto niya ang pakiramdam na iyon. Na-miss niya ang ganito kasaya. Naisip niya si Adrian, marahil, nakatanaw ito mula sa langit. At sigurado siya na masaya ito sa nakikita nitong magandang nangyayari sa buhay niya. Ilang sandali pa ang nakalipas ng marinig niya ang busina ng kotse ni Jester. Agad siyang lumabas at ni-lock ang pinto. Pagsakay niya doon, agad nitong pinaandar ang sasakyan nito. "Teka nga, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya. "I'm showing you the other part of my world," sagot nito. Hindi pa nagtagal ng tatlumpung minuto ng makarating sila sa Makati. Sa isang warehouse sila pumunta nito. Matapos nitong iparada ng maayos ang sasakyan, pumasok sila sa loob niyon. Agad na sinalubong sila ng magalang na pagbati ng dalawang guwardiya na nasa entrance. "Good Morning Sir," anang mga ito. "Kumusta dito?" tanong pa ni Jester sa dalawa. "Ayos lang po," Tumigil sila paglalakad matapos nilang marating ang pinakabungad ng warehouse. Tumambad sa kanya ang malawak na pagawaan ng mga furnitures. Pagkatapos ay humarap ito sa kanya. "Kamille, ito ang isang bahagi ng mundo ko. Ang Jester na negosyante, hindi ang tipikal na carwash boy na nakilala mo. Gusto kong makita mo ang klase ng mundong ginagalawan ko. Para mas makilala mo ako." Nakangiting wika nito. Ngumiti siya dito, pagkatapos ay ginala niya ang tingin sa buong paligid. Labis siyang humanga sa mga manggagawa na nagpapakahirap na bumuo ng magagandang furnitures. Bukod doon, napatunayan niyang hindi lang isang simpleng negosyante si Jester. Hindi niya akalain na ganito kalaki ang warehouse ng Rodrigo Furnitures. "Hi Sir, Good Morning!" bati ng isang may edad na babae, nakangiti ito sa kanilang dalawa. Medyo maganda ang bihis nito. Sa tantiya niya, mataas ang posisyon nito. "Ate Wilma, kumusta po?" tanong ni Jester dito. "Okay naman, Sir." "Kumusta na dito sa warehouse?" tanong ulit nito. "Okay din naman, Sir." "By the way, Ate Wilma I would like you to meet. Kamille, Kamille si Ate Wilma. Warehouse Manager ko." Pagpapakilala nito. Nakipagkamay siya dito at magiliw naman nitong tinanggap iyon. "Sa wakas, Sir. Dinala n'yo din dito ang girlfriend n'yo." Sabi pa ni Ate Wilma. "Po? Naku eh, hindi..." "Ang ganda no?" nakangisi pang pakikisakay nito sa sinabi ng una. "Naku Sir, ang ganda po ni Ma'am. Huwag na ninyo siyang papakawalan, mukha pang mabait. Bagay na bagay po kayo." Sang-ayon pa nito. Pabiro niyang siniko si Jester. Hinintay niyang bawiin nito ang sinabi nito pero hindi man lang ito nagsalita bagkus ay iniba nito ang usapan. Nagulat pa siya ng hawakan nito ang kamay niya. Kumabog ang puso niya, kung gayon, ang ibig sabihin nito ay magpapanggap silang may relasyon doon. Gusto mo rin eh, bakit hindi ka tumanggi? Tudyo ng isang bahagi ng isip niya. O sige na, aamin na siya. Masaya siya sa ideyang silang dalawa ni Jester ay palaging magkasama. Hindi niya alam kung paano nitong nagawang pasayahin ang puso niya. Kung noon ay palaging negatibo ang naiisip niya dahil sa problema niya sa pamilya, ngayon ay natuto siyang ipagpasa-Diyos na lang lahat ng alalahanin sa buhay niya. Hindi niya alam kung anong klaseng mahika mayroon ito at nagawa nitong paamuhin ang puso niyang dati ay nababalot ng yelo. "Tara, doon tayo sa opisina?" yaya nito sa kanya. Nasa kaliwang bahagi ng warehouse ang airconditioned private office ni Jester. Pagpasok nila doon ay malinis ito. At mabango ang amoy ng opisina nito. May isang sofa na mahaba malapit sa may pintuan na nagsisilbing receiving area nito at isang maliit na coffee table sa harap. Pagkatapos ay ang office desk nito at ang iba pang kagamitan nito sa loob gaya ng swivel chair nito at ang bookshelves na may nakalagay na iilang libro, siyempre ang laptop nito. "Nice office," puri niya. "Thanks," "Na-miss ko tuloy ang opisina ko." Aniya. "If you want, punta tayo mamaya pagkatapos nating mag-lunch. Para makita ko naman ang trabaho mo," sabi pa nito. "Sure!" excited na pagpayag niya. Naupo siya sa sofa. "By the way, can I ask you something?" tanong niya. "Ano 'yon?" tanong nito. "Sino ang nagde-design ng mga furnitures n'yo?" tanong din nito. "We have junior designers. Pero ako ang nag-aapprove ng mga designs nila. Minsan, kapag hindi ako busy at nasa kondisyon ang utak ko. Nagde-design pa rin ako." Sagot nito. "Really? Designer ka rin?" "Yes. I think it's in my blood. I inherited this business from my Parents. Sa pagdi-disenyo din ako ng furnitures nagsimula. Hanggang sa gumanda ang takbo ng negosyo kaya eto, lumaki na siya." "Wow, it's really amazing. Hindi ko inaasahan na isang designer din ang kasama ko." Sabi niya. "Well, surprise." Napangiti siya. "By the way, hindi pa pala kita napapasalamatan," aniya. Kumunot ang noo nito, sabay upo sa swivel chair nito. "For what?" "For being so kind to me. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, tinanggap mo ako bilang kaibigan mo. At tinulungan mo akong makausad sa buhay ko ng hindi na kailangan pang lumingon sa masakit na nakaraan." Sagot niya. Now, it's his turn to smile at her. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang dalawang kamay. Ramdam ni Kamille ang init na nagmumula sa palad nito, at dinig na dinig din niya ang lakas ng t***k ng puso niya. Lihim siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Kung nalalaman lang ng lalaking ito ang lihim na sinasabi ng puso niya. "Hindi mo kailangang magpasalamat, Kamille. Masaya akong gawin iyon para sa'yo. Sinabi ko na noon sa'yo, gusto kong makitang masaya ka ulit. Dahil gusto kong maging parte ng buhay mo." Diretso sa mga mata niyang wika nito. "Jester." Ngumiti ito. "Basta, nandito lang ako palagi sa tabi mo." Sabi pa nito. Tumango siya. "Thank you," sagot niya. Hindi na niya pinigilan ang sarili na yakapin ito. Sa ganoon paraan, gusto niyang malaman nito na espesyal ito sa kanya. Naramdaman niya ng gumanti din ito ng yakap sa kanya. "Wait, may problema. Kung pupunta tayo sa boutique ko. Baka mamaya may makakita sa atin na tauhan ni Norris o ng Daddy ko," sabi niya, nang kumalas siya mula sa pagkakayakap dito. He squeezed her hand. "It's not a problem. I'm with you. Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi kita iiwan, kahit anong mangyari. Huwag kang matakot." Anito. Tumango siya. "Okay." Saglit itong natahimik. Pagkatapos ay ngumiti. "Bakit ka nakangiti diyan?" may pagtatakang tanong niya. Umiling ito. "Wala, masaya lang ako." "Bakit naman?" "Kasi kasama kita." Sagot nito. Parang may mga kabayong tumatakbo sa dibdib niya matapos niyang marinig ang sinabi nito. "Jester," Hindi na ito muli pang nagsalita, bagkus ay nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Kinapa ni Kamille ang damdamin, nasaan na ba ang puso niyang noon ay puno ng pait ng nakaraan? Wala na. Pinawi na nitong lahat iyon. "NABUSOG ka ba?" tanong ni Jester sa kanya. Natawa siya, pagkatapos ay hinawakan niya ang sariling tiyan habang naglalakad sila sa loob ng mall. Katatapos lang nilang kumain ng lunch at ngayon nga ay papunta na sila sa boutique na naroon sa third floor ng gusaling iyon. Pagkatapos siyang i-tour nito sa buong Warehouse nito, sumunod naman nilang pinuntahan ay ang isa sa mga apat na showroom nito. Pawang mga pang-export ang quality ng mga furnitures nito. Kaya hindi kataka-taka kung kilala ang produkto ng Rodrigo Furnitures sa bansa. "Tingnan mo naman 'yung tiyan ko, busog na busog kaya. Kapag ikaw ang kasama ko, tataba ako!" reklamo pa ni Kamille. "Tama lang 'yan! Pansinin mo, medyo nagkakalaman ka na, lalo na sa braso mo," sabi pa ni Jester. "Puwede ka ng ilaban sa boxing!" Hinampas niya ito ng malakas. "Grabe ka! Hindi ako mukhang boksingera! Magda-diet na nga ako!" "Aray ko! Joke lang, 'to naman!" biglang bawi ni Jester. Pagdating niya sa boutique niya ay nagulat ang mga tauhan niya ng makita siya. Tuwang-tuwa ang mga ito ng makita siya, lalo na ang ilang tauhan niya na naging malapit na sa kanya. Pinakilala niya sa mga ito si Jester, gaya ng nangyari sa warehouse ni Jester. Napagkamalan din sila ng mga ito na may relasyon, ang pagkakaiba nga lang. Mabilis niyang itinanggi ito. Pero patuloy pa rin silang tinukso ng mga ito. "Ay Ma'am, hindi po pala kayo dapat magtagal dito," anang isang tauhan niya. "H-ha? Bakit naman?" tanong niya. "Bago po kayo dumating, mga labinlimang minuto na ang nakakaraan. Dumating si Sir Norris dito, hinahanap kayo. Ang sabi niya, babalik daw siya agad. Aabangan daw kayo dahil baka pumunta kayo dito," sagot ng isang tauhan niya. Wala sa loob na napatayo siya mula sa kinauupuang silya sa loob ng counter. Napatingin siya kay Jester, agad siyang lumabas saka hinila ito palabas ng boutique, pero pinigilan siya nito. "Wait, hindi natin kailangan tumakbo. Haharapin ko siya, o sila kung may mga alalay siya." Giit ni Jester. "Hindi, kailangan natin umalis na! Ayokong abutan niya tayo dito!" giit din niya. "Pero Kamille!" "Please Jester, hindi pa ito ang tamang panahon para harapin sila. Kilala ko si Norris at ang mga tauhan niya. Ayokong may mangyaring masama sa'yo. Marami sila, iisa ka lang. Ayokong maulit sa'yo ang ginawa nila kay Adrian." Pakiusap niya dito. Unti-unti siyang binalot ng isang pamilyar na takot. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malamig. Bumuntong-hininga ito. Then, held her face with his both hands carefully. "Okay, you win. Pero relax ka lang. Namumutla ka. We'll be fine. Akong bahala." Pagpapakalma nito sa kanya. "Let's go," yaya niya dito. Tumango ito. Paglabas nila ay agad silang naglakad palayo ng boutique. Hindi pa man din sila nakakalayo pero may narinig na siyang pamilyar na boses. "Hindi ba parang kamukha ni Kamille 'yon?" Lalong lumakas ang kaba niya sa dibdib. Wala sa loob na napahawak siya ng mahigpit sa kamay ni Jester. Pagkatapos ay binilisan nila ang lakad nila. "Nakilala niya ako," bulong pa niya dito. "Huwag kang lilingon, basta lakad lang ng diretso. Akong bahala," sabi pa ni Jester sa kanya. Tumango siya. "Kamille!" narinig niyang tawag sa kanya ni Norris. "Do not look back," utos ni Jester. Nakihalo sila sa maraming tao. Bahagya silang lumingon, nakita nila na nakasunod pa rin ang mga ito sa kanya. "Kamille! Come back!" patuloy na sigaw ni Norris. Tila wala itong pakialam kahit na pinagtitinginan na ito ng mga tao. Hanggang sa makarating sila sa may sinehan. Patuloy pa rin silang sinusundan ng mga ito. Pero sa pagkakataong ito, hindi sila nito makita dahil nakahalo sila karamihan ng tao. Lalo na at palabas ang mga tao sa sinehan. Bago pumasok sa sinehan, nilapitan nila ang magkasintahan. May hawak itong dalawang ticket. "Pare, here's one thousand pesos. I'll buy your ticket right now, please," pakiusap pa ni Jester sa mga ito, pagkatapos ay agad na inabot nito ang pera sa dalawa. Tila natulala pa ang dalawa marahil sa pagtataka na basta na lang sila nag-abot ng pera. Nang ibigay na sa kanila ang ticket, agad silang pumasok sa loob ng sinehan. Sa pinakatagong bahagi ng sinehan sila pumwesto para hindi masyadong aninag ang mukha nila. Nakahinga ng maluwag si Kamille, nang makaupo sila. Muntikan na silang makita ni Norris. "Are you okay?" tanong ni Jester sa kanya. Tumango siya. "Oo, ikaw?" "Oo naman." Ilang sandali pa ang nakakalipas ng biglang may pumasok na dalawang lalaki na parehong naka-polo barong na itim at isang lalaking naka-Americana. Nagkataon naman na maliwanag sa sinehan dahil kasalukuyang nagpapasukan pa ang mga bagong set ng manonood. Nanlaki ang mata ni Kamille, ng makitang si Norris ito. Agad niyang binulungan si Jester. Hindi naman sila makaalis sa puwesto nila, dahil makikita sila ng mga ito kapag tumayo sila. Hindi nagpahalata si Jester, prente itong nakaupo, habang siya naman ay nakasiksik sa may likod nito. Mayamaya ay namatay ang ilaw, at nagsimula na ang pelikula. Inakala niyang umalis na rin sila Norris. Nagulat siya ulit ng kasama nito ang guard na siyang may hawak naman ng flashlight. Mukhang nagalugad na ng mga ito ang buong paligid, tanging ang pwesto na lang nila hindi. Mas lalong nagdagdagan ang kaba ni Kamille, dahil palapit ng palapit ang mga ito. Hindi siya puwedeng makita ng mga ito. Hindi siya papayag na makuha nito. "Jester, malapit na sila. Anong gagawin natin?" bulong niya sa katabi niya. Tumingin ito sa kanya. Pagkatapos ay pinisil ang kamay niyang hawak nito. "May naiisip ako, but I want to know if you trust me in this?" tanong pa nito. Tumango siya. "Yes, I trust you." Sagot agad niya. "Okay." Usal nito. Nang ang layo ng mga ito ay tatlong tao na lamang mula sa kinauupuan nila, nagulat siya ng biglang bumaling paharap sa kanya si Jester at sinandal siya ng maayos sa backrest na silya. Parang tinangay ng ipo-ipo ang katinuan niya ng sa isang iglap ay sakupin nito ang mga labi niya. Mahigpit siyang napahawak sa hita niya. Kasabay ng pagdagundong ng matinding kaba sa dibdib niya. Hindi na namalayan ni Kamille, na napapikit siya. Habang dinadama niya ang mga halik ni Jester. "Sir, wala ho yata dito 'yung hinahanap n'yong babae." Sabi pa ng guard. "Sige, thank you!" narinig niyang sagot ni Norris. Hindi na alam ni Kamille kung gaano katagal ng nakaalis si Norris. Hindi rin niya alam kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi nila. Nang matapos ang halik na iyon, tulala na napatitig siya sa malaking screen sa harapan niya. Habang tumatawa ang mga tao sa paligid nila dahil comedy pala ang pelikulang iyon. Siya naman ay tulala, lumilipad ang isip at nagkukulay pink ang puso. Nablangko ang isip niya, para rin siyang naging bingi at tanging ang malakas na t***k ng puso niya ang kanyang naririnig. Oh no! My first kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD