“Is she or is she not pregnant?” nagsasalubong ang mga kilay na tanong sa sarili ni Zeki, pailalim na sinulyapan si Perlas na nakayuko sa sinasagutang papel. Napataas ang kilay niya nang mapansing nanunulis ang nguso ng dalaga. Paano ba’y nag-anunsyo siya ng biglaang pagsusulit. He said that whoever gets the lowest score will have to do an impromptu acting presentation in class with the second lowest in the quiz. Sinadya niya iyon dahil palaging hindi nakikinig sa klase si Perlas at nahuhuli niya itong natutulog. Kung gising man ito ay nakatingin naman sa labas ng bintana. Nauunawaan naman niyang pagod ito dahil nagpa-part time job ito sa Castoldi labs, subalit hindi magandang napapabayaan nito ang pag-aaral. Isa pa, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matukoy kung ang pagiging maantuki