“Are you pregnant… with my child?” Napanganga si Perlas sa walang prenong tanong sa kanya ni Zeki. Paano ba niya sasagutin iyon? Sasabihin ba niya ang totoo? Hindi pa naman siya sigurado. Baka mamaya niyan fake news na naman. Puwede naman kasing pumalya ang pregnancy test kit, ‘di ba? Kailangan muna siguro niya ng kumpirmasyon mula sa isang doktor. “Ano ka ba, nakakain lang ako ng tirang ulam kanina. Iyong may gata pa. Alam mo iyong Sinanglay na Tilapia? Iyon! Iyon ang nakain ko. Kaya huwag kang assuming, puwede ba?” pagkakaila niya, pilit na pinapatibay ang nangangatog niyang mga tuhod. Ang lakas talaga kasi ng dating ni Mr. Zeki Castoldi. Mga titig palang nito sa kanya, nakakapanghina na. Squinting his eyes at her, he took a step forward, his torso almost touching her chest. Mahihiya