Chapter 1
"Enough cousin, walang mangyayari sa buhay mo kung ang paglalasing ang inaatupag mo." pagsasaway ni Lorie sa pinsang pinapunta nang mga magulang nito sa kanila ni Darwin sa Mt Provinces.
"Ang sakit ate hindi ko lubos akalaing ang una kong pag-ibig ay siya rin ang magbibigay nang pait sa aking mundo. I love her so much ate." tugon ni Oliver Jr o mas kilalang JR.
"Bayaw nauunawaan kita sa bagay na iyan pero kailangan mong bumangun muli. Kung tutuusin mas masaklap ang pinagdaanan namin nang ate Lorie mo. Sinisi ko ang sarili ko ng mga panahong iyun at inakala kong patay na siya pero hindi ako sumuko. At sa awa ng Diyos heto muling buo ang pamilya namin. Pero ikaw bayaw sorry to tell you the truth but you need to move on na. Patay na siya at kailan man ay hindi na babalik." aniya naman ni Darwin.
Awang -awa sila dito pero wala na silang magagawa dahil hindi naman nila hawak ang buhay nang isa't isa. Kung bakit ba naman kasi napakalupit ang mundo para sa mga ito. Kung kailan ikakasal na ang dalawa ay saka naman nangyari ang lahat.
"Hindi ko alam kuya. Ang lupit ng mundo! Wala silang awa! Kung sinu pa ang mabait at walang sinasagasaang tao siya pa ang ang hindi nila pinatawad na ginawan ng masama!" Lumuluhang ani JR sabay lagok sa alak na laman ng baso.
"Insan naman please maawa ka sa sarili mo tama na iyan." naiiyak na ring saway ni Lorie sa pinsan na panay pa rin ang tungga ng alak.
"Let him be baby." Darwin mounted.
Hindi na yata ito nakakatulog kung hindi makainum. Ang pinag-aalala lang nila ay hindi kumakain. Almusal, tanghalian , hapunan lang nito ay alak bagay na mas ikinabahala nila. Ihinatid ito ng mga magulang sa kanila na nagbabakasakaling makalimot sa masalimoot na pinagdaanan sa buhay kaso wala pa rin.
Hindi nga sila nagkamali dahil ilang sandli pa ay payapa na itong natutulog na nakayuko sa lamesa sa harden nang mga Arellano.
"Kawawa ang pinsan ko baby ko. Ilang buwan na siya dito pero gano'n pa rin walang pinagbago. Nababahala tuloy ako baby ko." Napabuntunghiningang ani Lorie.
"Iyun na nga baby eh, sabi ni Darrell nakita daw nila na may hawak siyang baril at agad din daw itinago nang napansin sila. Anu kaya kung sabihin natin kina tita Angela para dalhin nila sa U.S o di kaya'y kina inay at papa baka sakaling makumbinsi nila ito patungong U.S. Ako man ay nababahala sa kanya." segunda ni Darwin.
Pinagtulungan nila itong ipinasok sa kuwartong inuukupa nito ilang buwan na ang nakakaraan pero wala pa ring pinagbago.
" Bukas baby ko tatawagan ko si tita baka tulog na sila. Maganda din kasi sa U.S. nandoon ang ate Jonalyn niya baka sakaling siya papakinggan ni insan. I'm deadly worried about him na." segunda ni Lorie sa asawa matapos maisaayos ang twenty-five years old niyang pinsan. Ang unico iho nang tita Angel at tito Oliver niya pinsang-buo nang papa George niya.
"Iyun ang pinakamagndang gagawin natin baby ko. Tara na sa room nang mga bata at nang masilip natin sila bago tayu matulog." aniya ni Darwin saka inakbayan ang asawa saka humakbang papalabas sa kuwarto nang binata.
" Lovely mahal kita. Hindi ko alam how to survive ngayung wala ka na sa buhay ko. I miss you so much my lovely. " humihikbing aniya ni JR.
Sa pag aakalang gising ito ay bumalik sila para makausap ito pero muli silang humakbang palabas nang mapagtantong nanaginip lamang ito.
Nagising kinabukasan ang binata sa kati nang kanyang ilong.
"Tito gising na tanghali na po." tinig nang pamangkin niya.
"What time is it Darrell." nakapikit na tanung niya dito.
"It's 8 am na po tito kaya bangun na para makaligo kana po. Siguro naglasing kana naman po kagabi." sagot ni Angela Joyce.
"Then why you're still here baby? Supposedly your in the school already." tugon nang binata pero nanatiling nakahilata.
"Sabado po ngayun tito Ver kaya wala po kaming pasok. Ikaw po kasi tito lagi kang lasing ayan po pati araw ay nakalimutan mo na." sabad ni Belinda.
"Tumahimik ka diyan ampon! Huwag ka ngang sasabad sabad kung hindi ikaw ang kausap! Umalis ka nga dito!" angil ni Darrell dito.
Napayuko si Belinda sa tinuran ni Darrell.
"Sorry po tito Ver." SAgot na lamang niya pero nanatiling nakayuko para maitago ang nagsisimula nang malaglag niyang luha.
"Kuya ayan ka na naman eh isumbong kita kay papa." sawata dito ni Angela.
"Huwag na Angela para hindi na naman siya pagalitan ni tito. Ako na lang ang aalis. " Naiiyak na sagot ni Belinda.
"Drama! Kahit naman gustong gusto mong napapagalitan ako ni papa. Lumayas ka nga!" angil pa rin ni Darrell.
"Tama na iyan baby. Bad ang mag-away." saway ni JR sa mga ito.
Pero hindi na umimik si Belinda bagkus ay tahimik siyang lumisan sa kuwarto nang pinsan nang mama Lorie niya. Nagtungo siya sa may palaruan nang mansion at sumampa sa isang swing at inaliw ang sarili.
"You shouldn't do that baby. She's your sister. Go and say sorry to her." Ani JR sa pamangkin na kasalukuyan nang nakaupo sa magkabilaang side niya.
"Me will say sorry to her tito? NO WAY!!!" I'll never say sorry to her. NEVER!" Mariing tugon ni Darrell.
"Bakit mo ba kasi pinag-iinitan si ate Belinda?" Nakasimangot na tanung ni Angela Joyce. Alam niyang nalulungkot na naman ang ate Belinda niya sa mga oras na iyun.
"Your asking why? I hate her so much AJ her mother was the reason why we were separated from papa for so long and now your asking why? Your such a crazy like her!" Muli ay sigaw ni Darrell.
"Enough kids don't fight to each other. Calm down go and prepare yourselves and we will go out but first ask your parents if they will allow the both of you." Sawata ni Oliver sa mga pamangkin at hindi nga siya nagkamali nagsipanakbuhan ang mga ito patungo sa mga magulang.
"Uuuuuurrrrgggghhhh what a mess! ANG sakit nang ulo ko! Napasubo yata ako sa kambal na ito ah." Bulong niya sa kanyang sarili.
Masakit man ang buong katawan lalo ang ulo'y nagawa pa rin niyang nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Ayaw sana niyang lumabas at mas gugustuhin pa niyang magmukmok at maglasing maghapon magdamag pero ayaw din naman niyang masira sa mga pamangkin niya.
" I miss you Lovely. I'm missing you so badly." Bulong niya pero bago pa man malaglag ang luha niya ay pumanaog na siya.
Samantala...
"Lhyn hoy insan anu na naman iyan?" Nakasimangot na tanung ni Riex sa pinsan.
"Huh iyun lang ang bagay sa kanya insan walang-hiya ang tarantado aba'y nangangailangan tayo nang trabaho para mabuhay pero no way sa offer niya bakla! Anung akala niya sa atin pokpok? Haller! Insan degree holder tay!" Ganting simangot ni Lhyn sa pinsang baklita.
"As usual pinsan naku bukya na naman tayu niyan dahil sa bunganga mo!" Taas-kilay nang baklita.
"ANG sabihin mo baklita crush mo ang kalbong panot na iyun. Sasama ako sa kaibigan ko sa Isabela may papasukan daw kaming trabaho doon. At ikaw bakla ka doon ka sa kalbong panut na iyun." dada ni Lhyn habang naglalakad .
Isa
Dalawa
Tatlo
Pero huli na para balaan siya nang pinsan niya dahil nabangga na niya ang parang ermitanyo sa haba nang balbas at buhok na nakapusod pa......