CHAPTER 4
"This is it!" Bulong ni Lhyn sa sarili ng matapos ang pag -aayos sa sarili.
Well, she's the type of person na where she's comfortable doon siya eh anung magagawa niya kung sa itim na slacks ang suot niya at puting blouse na pinatungan niya ng it blazer na itim. Her hair? Well, ipinusod lang naman niya ito ng iisa lamang na parang teenager. Huwag na daw natin alamin ang ginawa niya sa mukha niya dahil pulbo na Johnson lang daw ipinahid niya. Her shoes? Itim din ito na rubber shoes.
"Friend mas bagay sa iyo ang magsuot ng palda saka maglagay ng kalorete sa mukha. Lalabas ang ganda mo." Sabi nga ni Aida sa kanya ng makita siya sa salamin.
"Baklush haler nandito ako para sa trabaho hindi para magfashion show okey. At anu ba ang problema sa suot ko abah sister SIMPLE BUT ELEGANT sabi nga as English eh kaysa naman na magpalda na kong yuyuko ka ay makikita ang puwet At like the blouse abah naman may K ang harapan ko pero hindi iyan pang ramp model noh." Agad niyang sagot na nakataas ang kilay.
"What's so funny with you miss Aida Cantomayor?" nakapamaywang na tanung ng dalaga sa kaibigan dahil pinagtatawanan siya.
"Naku Lhyn iyang bunganga mo ang pinagtatawanan ko. Sa ikli ng sinabi ko andami mo nang sinabi. Oo na iyan na ang attire mo." Hagikhik pa nito.
"Talaga! Kahit sino pang poncio pilato ang mag-uutos sa akin na magpalda NO WAY!" Mariin niyang sagot.
"Pero carry mo friend. Basta tiisin mo ang hirap ng malayo sa Mt Province ha. Ang isipin mo ay ang makaipon ka huwag kang mag-alala dahil maganda ang patakaran ng kompanya. Marami din ang benefits nito para sa mga trabahador nila lalo na kung maayos ang kanilang performance." Sagot ni Aida.
" Basta ako friend kong ano ang tama iyun ang masususnod hindi porket ito ang boss o sila ang boss kung ako ang tama abah makakatikim kung sino man ang haharang-harang sa akin." Muli ay tugon ni Lhyn.
"Naku baka ikaw ang sumuko sa sungit ni sir JR girl. Lalo at siya ang namamahala sa kompanya nila. Pero infairness wala kang masasabi sa bait ng mga magulang niya." Agad namang salungat ni Aida lalo at kilala niya ang batang Smith.
"Hmmmm tingnan natin girl naku sabi ko sa iyo kapag ako ang tama hindi iyun mababali but I love iyung ganyan ba na may thrill. Hoy Aida dinaan mo na naman ako sa payo kuno bilisan mong magsemento sa mukha mo diyan abah baka ikaw pa ang dahilan ng pagkahuli natin sa unang araw ko." Paangil na wiki ni Lhyn sa kaibigan.
Well ganun daw siya eh!
Her SHARP MOUTH IS HER ASSET.
Nailing na lamang si Aida sa inasta ng kaibigan. Sabagay that's her, madada PERO may katuturan. ALAM nito kong kailan manahimik at kailan ilabas ang machine gun.
"Welcome home anak. I miss you." Salubong ni Angel sa anak. Ang nag-iisang supling nila ng mahal niyang asawa.
"Salamat mommy, blooming ka lagi ah." Tugon naman ng binata sa ina sabay yakap dito na para bang naglalambing.
"Siyempre naman anak. Ganyan ang buhay . Pero teka lang anak bakit ang haba na nang buhok mo? Ang bigote mo? Anak naman para ka nang ermitanyo diyan ah." Pamumuna ni Angel sa anak.
Ermitanyo?
"That b***h!"
"Hey honey why did you slapped our son? He just arrived and instead of feeding him sinampal mo pa." Sa kabiglaan ng bagong panaog mula sa ikalawang palapag ng bahay ay iyun nasabi ni Oliver Sr.
"Sorry mommy it's not you. May nanuntok sa akin sa Mt Province. Tinawag kasi niya akong ermitanyo at ngayung binanggit mo eh naalala ko ulit. Sorry na mommy. Love na love ko naman po kayo eh." lambing ng binata sa loving mother niya. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil bigla niyang naisingit ang SHARP MOUTH!
"Hmmmm maganda ba siya anak?" Sabi naman ng Ginang na hindi pinansin ang tinuran ng anak.
"Maganda mommy kung physical appearance ang pag-uusapan kaso kung makaasta naman eh daig pa ang lalaki! Mabuti pa nga iyung kasama ng babaing iyun na bakla malumanay magsalita kasya tulad niyang babae nga grrrrr!" Inis na sagot ni JR at wala sa loob niyang napahaplos sa pisnging sinuntok ng babae.
Palihim na kumindat si Oliver JR sa asawa para makita o malaman nila kung iyun na nga ba ang simula ng pagbangun ng kaisa-isa nilang anak.
"At bakit ka niya sinuntok anak? Baka naman inaway mo siya?" Sabad na tanung ni Oliver Sr at presto ang mukhang ermitanyo nilang anak ay napasimangot.
"Paanu kasi dad talak ng talak tapos nasa kalsada, nagkataong kasama ko mga anak ni ate Lorrie paanu kung ang mga bata nabangga niya?" pagkukuwento ni JR.
"And?
"Anung and ka diyan dad eh sinupalpal ko ng walang-hiyang babae na iyun minsan na nga lang makalabas ang tao makatagpo pa nang parang bulag." simangot na aniya ni JR pero sa gulat niya ay napahalakhak ang kanyang mga magulang.
"What's the matter with you mommy, daddy? " ayun lumabas na naman ang kunot-noo niya.
"Kailan ka pa natutong pumatol sa babae anak? Ayan tuloy nasuntok ka ng wala sa oras." pigil ang tawa na aniya ni Angel.
"Ngayon lang mommy at huwag na huwag lang magsangga ang landas namin!" Ngitngit pa ring sagot ni JR.
"Anyway son go and fix yourself na may ihinanda ang mga tauhan mo na welcome party sa iyo. And your friends from Laoag City will come. At ang papalit kay Aida ay ngayun din ang dating kaya go and fix yourself na anak." Pagtataboy naman ni Oliver Sr sa binata.
"I know honey this is the beginning of his recovery and I hope tuloy-tuloy na iyan hon. Naaawa na ako sa kanya." Sabi ng Sr nang wala na sa harapan nila ang binata.
"I hope so honey, he deserves to be happy. Anyway hindi ba darating sina Jonalyn?" Tanung ni Angel sa panganay na anak ng asawa niya.
" She's sorry that she can't come hon. May hearing daw sila ng asawa niya and they need to travel in Florida where the suspect of the case they're handling." Sagot ng padre de pamilya.
Yes it's true that Jonalyn was not from her blood but she loves her as her own daughter. And she's being married to a Californian man lawyer as her.
"Sayang naman hon hindi na sila nagpang abot ni JR noong dumalaw sila at ngayung nandito si bunso hindi rin siya makauwi. Pero okey na iyun masaya ako sa kanya. " aniya ni Angel.
"Don't be sad na hon that's life. Let's go hon mauna na tayu sunod na lamang si JR." Ani Oliver Sr. Laking pasasalamat niya dahil kahit anak niya sa pagkabinata si Jonalyn ay itinuring pa rin nitong tunay na anak.
"Okey hon." Sagot ni Angel. Well carry daw niya abah pinag-aral siya ng hubby dubby niya sa Harvard noh after she gave birth Oliver JR kaya't marunong din siya.
Ilang sandali pa'y masaya na silang nagtungo sa kanilang kumpanya.
Sa kabilang banda sa isang lumang bodega sa malayo o liblib na lugar sa karatig bayan ng Isabela.
" Anung balita Joey?" Tanung ng big boss nila na nakatanaw sa labas ng bodega este sa bintana pala.
"Bumalik ang tagapagmana ng mag-asawang Oliver at Angel boss at ayon sa kasama natin sa loob may welcome party daw sila para dito." Sagot ni Joey.
"At ang tungkol sa paghahanap ninyo sa tagapagmana ng mag-asawang Noel at Imie nahanap niyo na ba?" Muli ay tanong nito.
"Iyan ang hindi ko masasagot bossing dahil sa katunayan mahirap iyan dahil pati ang taong inutusan mo dati na kidnapin ito sa hospital ay patay na rin at ang sanggol na nakuha niya sa hospital ay hindi natin alam kong buhay pa ito." Tugon ni Joey.
"Sabihan mo ang mga kasamahan mo Joey na magsipaghanda sila at pupuntahan natin ang party na iyan---"
"Pero bossing lulusob ba tayung walang signal ang tao mo sa loob?" Putol ni Joey sa sinasabi ng kanilang bossing.
"Sinu sa atin ang boss?"
"Ikaw bossing."
" Sinu ang masususnod? "
"Ikaw bossing. "
"Iyun naman pala eh bakit ka kumukuntra diyan Joey?"
"Sorry na bossing. "
"Okey but next time huwag kang kumukuntra sa sinasabi ko dahil alam mo na ang kalalagyan mo nauunawan mo ba?" Mabigat nitong saad.
"Hindi na mauulit bossing. Pasensiya na." Sagot na lamang ni Joey.
"Good!" Tugon ng boss nila at minuwestra ang palad na puwedi nang umalis ang kausap.
Ahem mukhang may panganib na nagbabadya sa ating mga bida ah. ABANGAN