"Ano'ng tara dun sa kwarto magtigil ka!" Hindi na maitago pa at kitang-kita talaga sa mukha ni Adrianna ang pagka-yamot niya kay Brion. “Sweetie, bakit galit ka na naman? Tara dun sa kwarto dahil ihahatid na kita para makapagpahinga ka na? Bakit may iba ka pa ba’ng naiisip na gagawin naten?” Ang sabi ni Brion sa dalaga na may pag-ngiti pa sa labi. “Wala!” ang agad naman na sagot ni Adrianna sa lalaki na may pagtaas pa ng kilay. Hinawakan ni Brion ang isang braso ng dalaga pero agad din yun inalis ni Adrianna. “Kaya ko, huwag kang magulo, magbabanyo ako!” Nakukulitan na talaga si Adrianna sa lalaki. “Edi sasamahan na kita!” Ang patuloy na pangungulit ni Brion sa dalaga. “Ano?” “Ihahatid kita sa banyo!” “Ayun lang ang banyo, ilang hakbang lang huwag kang OA!” Itinuro pa ni Adrianna