Ano'ng oras na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Adrianna ng gabing yun, paulit-ulit na parang sirang plaka na nagpi-play sa isip niya ang mga nangyari ng umaga'ng iyon. Ilang araw pa lang niya nakikilala si Brion pero pakiramdam niya ay isang taon na silang magkakilala sa bilis at dami ba naman na nangyari. At ang isa pa'ng hindi magpatulog sa kanya ay yung kiss na nangyari sa kanila kanina, kahit sabihin pa na sandali at dampi lamang iyon ay hindi pa rin niya malimutan dahil first time niya. Tinignan niya ulit ang kanyang cellphone, walang message, parang nakaramdam siya ng inis, kanina pa siya check ng check ng cellphone niya kung may text ba or chat pero wala! Grrrr! “Nakakainis ka talaga Brion!” Thud thud thud… Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Adrianna. “Nak gis