Adrianna "Wait, what?!" Ang hindi makapaniwala ko'ng sabi kay Clarissa dahil ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari simula ng nagbalik ako sa bayan na ito pero ang loka-lokang babae ay puro kalokohan ang pinagsasabi at ipinapayo sa akin. "Adrianna makinig ka, ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat!" Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nito ni Clarissa at ginawa pa ko’ng linya sa isang dasal, lalo tuloy ako’ng nagkakasala sa mga naiisip ko eh! Hindi niya ba naiintindihan yung ikinukwento ko? Hinaharass ako ni Brion, harass!!! Hinawakan niya pa ang magkabila ko'ng balikat at iniyugyog iyon na tila ginigising ako kahit hindi naman ako natutulog. Hinawakan ko naman ang dalawang kamay niya na nakahawak sa magkabila ko’ng balikat at tinanggal iyon. Tang-ina ano'ng trip nito palibhas