Adrianna Brrrrrrt brrrrrrt brrrrrrt brrrrrrt….. “Huhuhu,” naiiyak ko’ng pinatay ang alarm sa cellphone na isinet ko para magising ng maaga. Kainis talaga nagsimula na ang pamamalagi ko dito sa impyerno. Yung ang ganda nga ng bahay na tinitirahan mo pero lahat naman ng galaw mo ay kontrolado. Si mama naman eh dinamay damay pa ko pwede naman sila na lang ang sumabay sa pagkain dun eh tutal naman sila naman ang sanay magising ng maaga! Agad na ko’ng pumasok sa banyo para makapag-ayos na at sobrang nakakahiya naman sa mahal na alkalde ng bayan na ito na kailangan pa talaga sabayan sa almusal. At ng matapos ako ay agad na ko’ng lumabas ng kwarto para magtungo sa komedor. Shit! Ang laki pala ng bahay na ‘to saan ba yun! Akalain mo nag-tour pa talaga ako para lang malaman kung nasaan ang