Adrianna “Kaya po kung may mga kaibigan kayo na gusto’ng mag-chill o relax pwede niyo pa po sila’ng yayain at papuntahin dito.” Nakita ko naman na naglabas ng cellphone ang iba’ng mga customer and I’m sure kinokontak na nila ang mga kakilala nila para pumunta dito. Tumingin naman ako kay Kumpareng Roel at nakita ko na may kausap na ito sa cellphone. I’m sure ini-report na niya ako kay Satanas. Agad naman lumapit sa'kin si Ninong Omar sa itsura ng mukha nito ay parang hindi siya makapaniwala sa lahat ng sinabi ko. "Adrianna, ano yung sinabi mo sa mga customer, sure ka ba na sasagutin lahat ni Mayor ang lahat ng oorderin nila?" Magkakasunod naman ang nariring na tunog ng bell sa may pintuan tanda na madaming customer na ang pumapasok. "Opo Ninong sure yan, " ang pagbibigay ko pa ng a