Adrianna Hindi magkandamayaw ang mga kababaihan na nandito ngayon sa loob ng resto bar ni Ninong Omar. Nabibingi na ako sa kakatili ng mga babae dito na akala mo ay kinakalabit ang kanilang hmmp dahil sa ginagawang panghaharana ng kanilang mayor. Mukhang wrong move ata ako sa ginawa ko ah! Hindi mukha, wrong move talaga! Talagang challenge accepted ay masyadong ginalingan. Imbes na naka one point na ko sa pagganti eh back to zero na naman. Medyo nakalimot ako sa part na nasa politics nga pala siya at ito ang forte niya ang mambola, hindi naman kataka-taka at ginawa niya sa’kin dati di’ba? At ito naman mga haliparot na kababaihan ay nabigyan lamang ng isang pirasong rosas ay halatang-halata na ready na ibuka ang kanilang bulaklak dito kay Yorme, like whatever bahala sila wala akong