C L A I R E
"A-ano po ba ang gagawin ko dito, ang utas mo saakin ay magiging katulong po daw ako dito." ramdam ko ang napakalalim na kaba at parang hindi ako makahinga ng maayos, tila ako'y gigisahin sa mga seryoso nilang mga mata.
"Yes, you heard it right. Pero may pakikiusap din kaming mag asawa saiyo. This will be a part of your job, but I know this will be hard on your part. Gusto ka naming makausap tungkol dito para mapagusapan natin ng maayos," tahimik lang si Sir Nathaniel, hinahayaang si Ma'am Dana ang kumausap saakin.
"Kahit anong pakiusap po ninyo'y aking tutugunan...kung itoy parte naman ng aking paglilingkod," medyo natawa ulit ang mag asawa saakin, hindi ko talaga mawari kung bakit. "Bakit ho?" pagtatanong ko.
"Pasensya na hija, I apologize. Pero ganyan ka ba talaga magsalita? Makata kasi masyado," halos umurong ako sa narinig, hindi naman kasi ako sanay sa english at modernong tagalog nahasa talaga ako sa madiing tagalog.
"Pasensya na po, ganito na po talaga ako magsalita. Hayaan nyo po matututo din po ako pagmatagal na," agad ko namang dinungtungan dahil baka ayaw nilang ng katulad ko may malalim na tagalog, gusto ko rin namang matuto sa makabagong panahon.
"Wala iyon, natutuwa lang kami dahil may dalagang Pinay pa pala dito saating bansa." sabi nito saakin, tila natutuwa. Yumuko lng ako't namula.
"Let's go back to the discussion, so we are saying. May pakiusap kami sayo, may anak kasi kaming papauwi dito sa Pinas. Sa kanya itong unit na ito. Kayo lang ang magkakasama dito at maninirahan." kalmadong utas ni ma'am Dana.
"Hindi po kayo dito nakatira?" gulat kong tanong, ang pagkakaakala ko ay dito silang mag asawa nakatira.
"Nope. My only child will live here. Gusto naming personal mo syang aalagaan, lahat ng pupuntahan at gagawin nya ay kasama ka. Isa syang sutil na anak, that @sshole bastard!" ano ba itong pinagsasabi nila? Hindi ko masyadong mawari ang mga utas nya, hindi ko rin mawari kong anong ginagamit na kasarian sa bawat tawag nitong pangalang mura.
"Ilang taon na po ba ang bata? Grabe naman po, bad@ss baka kasi po iniwan nyong mag isa sa America kaya nagkaganyan po!" hindi naman maganda sa isang magulang ang pagsabihan ang anak ng ganoon, masyadong masakit iyon para sa isang anak.
"Actually 20 na sya" halos lumuwa ang mata ko sa narinig. 20 na ito at aalagaan ko? Parang sinasabi narin nyang magpapaalipin na ako sa kanya.
"Nako po, wag po kayong magpatawa!" pilit akong humalakhak.
"Hindi kami nagbibiro" natigilan ako sa narinig, hindi sila nagbibiro. Seryoso na ang mga mukha nila at halos manigas na ako sa kinauupuan ko.
"Ahm..ano po kasi.." nauutal kong utas, natanong ko bigla sa sarili kaya ko ba? ang alagaan ang taong mas matanda na saakin ng dalawang taon? Masyadong kakaiba naman ata nito.
"Please pumayag ka na, wala kami palaging mag asawa para tignan sya! This is a punishment for being an @sshole" malutong nitong utas, halos di ko malunok ang mga laway sa bibig ko.
"Wala naman pong problema saakin iyon..." naisip ko na kailangan ko ang trabahong ito at malaki din ang pasweldo, bonus nalang ata nila ito saaking trabaho. "ang aking iniisip po ay baka manakit sya saakin o kaya'y palayasin ako ni ma'am" dugtong ko na ikinagulat ng dalawang matanda sa aking harapan, siguro naman ay babae ang ipapabantay saakin. Mahirap na kong lalaki, tatangihan ko talaga.
"Hindi ko iyan masisigurado, pero pagsasabihan namin Claring. Pangako namin iyan saiyo, ang 10 thousand na sweldo mo per month ay hindi mababawasan pagnagkamali ka, basta ay pumayag ka lang...dadagdagan din namin para makatulong narin kami" bigla akong natigilan, handa silang dagdagan? Masyadong malaki ang 10K sa isang buwan pero mas makakatulong ako kong papayag ako sa kanila. Malaking tulong sa pag aaral ng mga kapatid ko.
Wala na akong mahahanap pang iba, wala akong alam dito sa Maynila at siguradong ako'y mahihirapan sa paghahanap ng trabaho. Ito lang meron ako at malaki ang pasweldo, kaya sa tingin ko ay masisikmura ko ang among pagsisilbihan ko.
"Sumasang ayon na po ako sa nais ninyo!" determinado kong utas, bigla nalang tumayo ang babae at niyakap ko.
"Mygosh, salamat. Thank You so much dear Claring....you're an angel" para bang nanalo sila sa lottoo saaking naging desisyon. Pero natuwa ako dahil sa wakas, ngayon ko na sisimulan ang pagbabago ng buhay ko at ng pamilya ko.
"Walang anuman po..." aking sinagot. Bumuwag ito saakin at may kinuha sa kanyang mamahaling bag, nakita kong LV ang nakalagay. May nilabas syang papel at pinapapirma saakin.
"Itong papel na ito ang magpapatunay saating kasunduan, pirmahan mo ito at official ka ng magt'trabaho dito. Kasali narin dyan ang kasunduan na ginawa natin ngayon lang" napatingin ako sa papel, may pinag aralan din naman ako ngunit hindi ko na binasa ng buo dahil sa pagtitiwala ko sa kanilang mag asawa. Mabait sila saakin at hindi ko dapat iyon pagduduhan pa.
"Pipirmahan ko na po!" iyon ang sabi ko, matapos kong ilatag sa mesa ang papel. Hindi naman siguro nila ako t'traydorin, iyon lang ang pumapasok sa utak ko.
"Sign here my angel..." malambing na utas ni ma'am Dana, ngumiti ako at pinirmahan ito agad.
"Finally..." niyakap akong muli ni ma'am, napangiti naman ako. Di naman siguro ako lolokohin nila dahil mabait naman sila saakin.
Nakipagkamayan naman saakin si Sir Nathaniel.
Isang oras pa silang nanatili sa unit para ituro saakin ang lahat ko pang matutunan, nakakapanibago ang lahat pero alam kong masasanay din ako. Marahil masama ang ugali ng aalagaan ko pero kaya kong tiisin ang lahat, maging maayos lang ang buhay ng mga pamilya ko. Pagkaalis nila ay patuloy akong naghanda sa pagdating ng totoong amo ko, hindi ako sigurado kong sino ito, dahil hindi ko na naitanong ulit pero nasisigurado kong babae ito. Dahil hindi naman ako iiwanan ng mabait na amomg magulang sa isang amo na lalaki.
Napatalon ako ng may narinig akong tunog. Ito na ba iyon? Patay di ko naitanong ang pangalan niya at baka matarayan ako pagnalaman nitong hindi ko sya kilala. Napatalon ako ulit ng padabog nitong kinatok ang pinto, iyong dibdib ko ay parang hinahabol ng kung ano dahil sa kabalog na iyon. Agad kong binuksan ang pinto, na halos bumagsak ako sa lapag ang puso ko ng nakita ko ang isang lalaki sa harapan ko.
Napakakisig nito, matangkad, iyong mukha ay parang isang modelo na nakikita ko sa kabitbahay pag nakikinood kami. Para syang isang diyos na pinababa sa kalangitan. Hindi ko maipaliwanag ang lakas ng t***k ng aking puso. Sa pananamit nya lang ay nakakakuha na ng atensyon, malalim ang kanyang pagkakatingin saakin pero parang mas nakakakuha ito ng atensyon, iyong kagandahan nyang taglay nakakalakas ng t***k sa puso. Minsan ko ring nakalimutan na nabubuhay at humuhinga pa pala ako. Isa syang natatanging tao na makisig ito at umaapaw sa kagandahan.
"tss. TATAYO KA LANG BA DYAN?" singhal nito saakin na mitya ng aking pagbalik sa aking mundo.
"Po?" napasimangot nalang ako sa inasal nito sa isang dilag.
"TUTUNGANGA KA LANG BA DYAN?" sininghalan nanaman ako ng haring ibabaw.
"S...sino po ang hinahanap nyo?" tanong ko sa kanya. Bigla syang nanigas sa kinatatayuan ang may kinuha sa bulsa nito.
Lumilinga din ako sa paligid, bakit hindi pa dumarating ang aking amo? Ang sabi ay darating naiyon sa anumang oras pero di rin ito gagabihin. Ano na kaya ang nangyari sa inaabangan kong amo?
"Sht..Are you some kind of sht? This is my unit" utas nito at mukhang galit.
"Wag na wag nyo po akong minumura dyan, isa pa nagkakamali po kayo ng pinuntahan. Maari na po kayong lumisan!" naisip ko na baka mahuhuli ng dating ang amo ko kaya papasok na sana ako at iiwan ang napakagwapong bastardong ito. Sayang sya pero napakabastos kong masalita, hindi sya nababagay pagsilbihan.
"You know what b***h, you better let me in or I will fire you" madilim na ang kanyang mukha at nagkukuyom na ang kanyang mga panga sa galit.
"Bakit nyo naman po ako tatanggalin sa trabaho ko kong ikaw ang....ikaw po ang amo ko?" natauhan ako sa bigla nyang sinabing pagtatanggal saakin.
Halos lumubog ako sa kinatatayuan at manginig-nginig akong nakatayo. Malaking gulat ang tinamo ko at malaking ngisi ang inilabas ng kanyang labi.
"Bring all my shts before I'll fire you" marahas nya akong binangga para makapasok, muntikan din akong matumba dahil sa nawalan ako ng kontrol sa sariling paa.
Siya ang magiging amo ko? Magiging alipin ako ng isang lalaking makisig na bastadong ito? Wala akong maisip na maganda ngayon, puno ng takot at pangamba sa pinasukang buhay. Ang akala kong babaeng amo, ay hindi pala. Isang napakakisig na lalaki ang aking pagsisilbihan. Napahawak ako ng dibdib, pwede ko pa bang bawiin lahat ng sinabi ko at pinirmahan kong papel sa mag asawang iyon?
Umaripas ako sa salas at nakita ko ang isang kopya ng papel na pinirmahan ko kanila lang. Napasinghap ako ng buong-buo ko itong binasa.
"Hindi maaari ito" nasabi ko nalang.
Page 1
Agreement Contract
I ________________, a new hired maid of Mr. Ethan Montenegro signing this contract in agreement of all terms written below.
The subject is obliged to follow all the regulations.
1.Mr. Ethan is the master; he is the subject's responsibility.
2.Wherever Ethan goes the subject will be there.
3.The subject is also paid for the housekeeping; the subject should make sure that the unit will be cleaned, regularly.
4.As a hired maid, the subject has to be good in cooking.
d.1 American delicacies
d.2 Filipino Modern delicacies
(2.) The subject should report to him from Monday to Saturday.
(3.) Day off Sunday 6AM-6PM
(4.) This contract will expire in a one-year term; everything in this agreement must do and must follow. If one of the rules breaks, consequence adheres.
Page two
You must do, in a year of services:
1.Wear your uniform (it is placed in the closet of the maid's room).
2.Wake up early, should be 5AM preparation for his breakfast and welfare.
3.Proper etiquette when there is a visitor.
4.The house must be cleaned 2 times a day.
5.The owner will inspect the maid's room once in a week.
6.Respect the master (Ethan Montenegro). Be sure he is in well-being.
7.Guide him in his stay in the Phils. As his personal maid, you are responsible in his needs and wants.
8.Follow everything he says. No matter what it is, to satisfy him.
9.Be a responsible person, act kind and respectful.
10.Be a trustworthy above all.
Signed by (employee): Athena Claire Villa Rama
Signed by (employer): Mr. and Mrs. Montenegro