Slave [01]

2203 Words
Athena Claire Villa Rama—the innocent Ako ay naliligo sa aming batis, nagmamadali. Sa kadahilanang kami ay luluwas ng aking ina ng Maynila ngayong araw na ito. Ako ay kaniyang ihahatid sa pamamahay ng aking papasukang trabaho. Aniya, ako ay mamamasukan bilang katulong doon. Dahil sa kahirapan ay umayon ako sa kagustuhan ng aking mga magulang na magbanat ng buto at marami kaming magkakapatid kung kaya't nahihirapan na si ama na magkayod sa bukid upang mapag-aral lang sila. Nakikita ko sa mata nila kung gaano sila ka determinadong mag-aral. Sila ay mga matatalino kung kaya naman ako ay hindi na nagdalawang isip pang tangihan ang trabaho. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay nakikita nila ang kahirapan. Kahit iyon ang katotohan ay ayaw kong malugmok na lamang kami dito habambuhay. "Claring, sumulat ka ha?" Paulit-ulit na paalala ni Jonas. Ako ay humalakhak sa inaasta ng aking matalik na kaibigan, "oo naman Jonas. Alam mo namang hinding-hindi kita makakalimutan," ako ngayon ay nagsasabon ng aking katawan habang nakatingin lamang ito saakin. Hindi pa rin nakuntento ang kaniyang mukha sa aking sinabi, "wag kang magtitiwala sa mga tao doon Claring. Agad mong ibalita saakin ang mga nangyayari sa iyo doon Malakas na akong humalakhak at sinasabuyan siya ng tubig upang manahimik siya sa mga pinagsasabi niya. Nabigla ito sa aking ginawa. Nabasa ko ang kaniyang pantalon na mamahalin. "Mas nag-aalala ka pa kaysa kay ina ano? Ikaw talaga Jonas, kulang nalang mag-iisip ang iba na kasintahan kita," sabi ko sa kaniya. Nanliit ang kaniyang mata sa akin. Para kasing mangangain ito. Palagi na lamang siyang ganiyan kung tumitig sa akin. Kaya minsan niloloko ko lamang siyang bakla, baka gusto niyang gumanda tulad ko. Ngunit sa loob ko ay lumalakas ang pintig ng aking puso. "Wala akong pakialam sa iisipin nila, alam naman ng lahat na matalik na magkaibigan tayo Claring. Dapat lamang ako ay mag alala," malamig na tugon nito. Hindi ko na lamang siya pinakinggan at tinapos ko ang aking pagliligo sa sarili. Inayos ko ang mga nilabhan ko at kinarga. "Ako na niyan Claring," Aakmang kukunin ang malaking batya ni Jonas. Mabilis akon umilag sa kaniyang kagustuhan, "huwag na ano, nais kong ako na ang magdala. Huling araw ko nang gagawin ito dito, nais ko namang sulitin," ngumiti ako ng napakalaki sa kaniya saka naman niya itong naunawaan. "Aalalayan na lamang kita," aniya. Narinig namin ang pagsipol ng mga tao sa batis. Humiyaw sila sa kanilang nakikita at ako naman ay nahiya doon. Sa tingin ng mga tao na kami ni Jonas ay magkasintahan. Na iniirog ko si Jonas na kahit kailan ay di ko maisip na mangyayari. Malayo ang agwat ng aming pamumuhay. Ngunit kami ay magkababata at dahil sabay kaming lumaki ay sobrang matibay ang maming pagkakaibigan. Ako ay kaniyang tinutulungan sa mga bagay-bagay na mabigat o kaya'y magaan para saakin. Talagang mamimiss ko ang lugar na ito dahil sa maraming mga alaalang maiiwan ko rito. Ako ay dito na ipinanganak at lumaki kung kaya't mahirap para saakin ang paglayo, dito sa Alanib, Bukidnon. "Maraming salamat Jonas," sabi ko nang narating na rin namin ang kubo matapos namin akyatin galing sa batis. Malamig ang simoy ng hangin dito sa aming bukid. Kahit maaraw man o umulan. Malawak ang mga kalupaan at malalawak na plantasyon ng kung anu-anong produkto na inaangkat. Dito sagana ang mga prutas tulad ng saging, pinya at marami pang iba. Sari-saring din ang mga gulay. Kung ikaw ay may malawak na lupa ay wala ka ng aabalahin sa iyong mga kakainin at maaari mo rin itong ipaninda sa palengke. "Claring! Mamimiss talaga kita," utas nito. Ako ay nagalak ng niyakap nya ako't hinagkan ng mahigpit. "Ikaw rin ano, mamimiss din kita," sabi ko na nagagalak. "Mag-iingat ka doon, Claring..." tinignan niya ako ng masama na parang binabantaan. Ganito si Jonas kung mag-alaga. Dahil pabalik-balik na siya sa Maynila kung kaya't pinaaalahanan niya ako. Alam niya ang kaniyang sinasabi kung kaya't iniingatan ko nga iyon ng mabuti sa aking utak. "Seryoso ako Claring, mag iingat ka. Liligawan na kita pagbalik mo," aniya. Isang bagay na aking ikinagulat, ano ba itong kaniyang sinasabi? Baka nagbibiro na naman ito. Ako naman ngayon ang nanliliit ang mata. Ako ay walang maisagot sa kaniyang sinabi. Namula na lamang ang kaniyang pisngi na nagpahirap sa aming sitwasyon ngayon. Siguro naman ay hindi siya seryoso doon hindi ba? Ngunit kong totoo man iyon ay nagkaroon na ako ng desisyon. "O siya, ikaw ay umuwi na sa mansion... marahil hinahanap ka na ng ina mo," aking pag-iiba sa usapan. "Basta—" siya ay aking niyakap na bago nanaman niya ulitin ang kaniyang mga bilin. Hindi ko alam kung ano ba ang maaari kong ipangako sa kaniya upang hindi siya mag-alala sa akin. Sa maraming bagay na kaniyang nagawa at naibigay sa aking pamilya ay nararapat ko siyang bigyan o pangakuan ng bagay na kaniyang ikakasaya. Ako ay kumalas sa aming yakapan. Siya ay aking tinitigan at ningitian. "Huwag kang mag aalala sa aking pagbabalik, ikaw ay aking hahayaan na manligaw sa akin," wika ko. Bigla naman itong nasiglahan sa aking sinabi. Ako nga ay tama sa aking iniisip. Kahit na hindi ko man mawari kong madadagdagan pa ba ang aking nararamdaman para sa kanya, bukod sa pagkakaibigan ngunit hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa hinagarap, si Jonas ay aking kilala ng lubusan kung kaya't hindi malayong mapagbibigyan ko siya ng pagkakataong aakyat ito ng panliligaw sa akin. Marami pa ang naging pag-uusap namin bago ito lumisan. Sa aking pagpasok ng aming bahay ay dinaluhan ko ang mga kapatid sa pagkain. Nagsimula na silang tumahimik na dating nauunahan sa pag-iingay dahil sa pag-aagawan ng ulam. Ngayo'y silay ay walang imik at patuloy na kumakain. Ngayon pa lamang ay nalulumbay na ako, "ano ba ang nangyayari dito? Bakit kayo'y napakatahimik? Ina anong nakahalo sa ulam at naging ganiyan sila?" Ako ay nagbabasakalng magbiro baka sila ay matawa, ngunit hindi. Mayroong tumusok sa puso ko. Nais ko na lamang maiyak sa kanilang harapan ngunit ayaw kong sirain ang oras na ito. Aking pinilit ang pag-ngiti at nagsalita... "Aba't ayaw niyong mag ingay ah! Edi hindi nalang ako babalik dito, nais ninyo palang-" Hindi ko natapos ang alintana ko dahil sunod-sunod na silang mag ingay. "Ano ka ba Manang Clara... akin iyan." Nanliit ang mata ni Clara, "Anong sa iyo? Ito ay nakagatan ko na, ibig sabihin ay akin." "Crisostomo! Ako ang nauna.... Manang!" tawag sa akin ni Cecelia habang tinuturo ang kaniyang Manong, "si Manong Crisostomo!" Ako ay natawa sa kanila. Ganito kaingay ang hapag kainan namin. Kami ay masaya at nag iinisan. ~~*~~ Ako ay nalulumbay ngayon sa aking pag-alis sapagkat ako ay nakakasiguro na aking hahanap-hanapin ang mga bagay bagay na aking nakasanayan na. Kaya alam kong mahihirapan ako sa pamumuhay sa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin doon ngunit nasisigurado ako na sa aking pagbabalik ay nabibigyan ko na ang aking pamilya ng magandang buhay. Dagat ang aming magiging pagitan kung kaya't hindi posible ang aming mga kagustuhan na magkita o makadalaw man lamang. An gaming magagawa ngayon ay magyakapan at mag-iyakan. "Halika na Claring..." tawag sa akin ni ina. Ako ay nag paalam na sa kanila at nag-iwan ng pangako na ako ay babalik pagkatapos ng isang taon. Halos hindi nila ako mapakawalan sa kakaiyak nila. Sa huli ay dinaan ko na lamang sa tawa kahit na biak na biak ang aking puso. Ako ay tumalikod na at sinundan si ina patungo sa mga nagkukumpulang mga byahero. "O sya Paalam na, mahal ko kayo!" aking sigaw sa kanila. Tatlong araw ang aming naging byahe ng barko sa malawak na karagatan. Maganda ang naging tanawin ng malawak na karagatan ngunit madali kong naramdama ang pagkalumbay sa aking mga kapatid. Ito rin ang unang pagkakataong nakasakay ako ng barko at bumyahe ng malayo. Sa wakas ay narating na rin namin ang Maynila. Ako ay namangha. Sa daungan pa lamang ay ibang-iba na sa kinagisnan kong buhay. "Halika na Claring..." ani ina. Mabilis ko siyang sinunod at hinila na ang aking dalang bagahe. Ito ay hiram ko lamang kay Jonas. Kailangan ko itong alagaan at isauli sa kaniya ng maayos. Kami ay naglakad-lakad upang makalabas sa pier at naghanap ng masasakyan. Mabilis naman kaming nakasakay at madali din itong napuno. Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilan ang aking pagkamangha sa aking nakikita, "Ina, ang Maynila ay napakalaki." Kanina pa ko pa napapansin ang katahimikan ni ina at ayaw lumingon sa paligid. Noong una ay aking naisip na pagod lamang siya. TInuon ko na lamang ang aking pansin sa matataas na mga gusali at nabigla ako sapagkat iilang halaman o puno ang aking nakikita hanggang sa nakarating kami sa aming patutunguhan. Nahinto ang jeep sa isang malaking building na ngayoy pinapasukan namin. Ako ba ay dito mamamasukan? Alam kong taga-Maynila si ina ngunit hindi ko aakalaing kabisado pa niya ang buong lugar. Napatingala ako sa malaking gusali. Hindi ko na mapigilan ulit ang mamangha sapagkat ito ay napakalaki at sumakit ang aking leeg dahil dito. "Ina, tayo ba ay nandito na?" aking tanong. Ngunit ako ay hindi niya sinagot. Ang kaniyang lakad ay diretso lamang papunta sa isang elevator. Hindi ko malaman kung bakit kanina pa siya tahimik at ako ay hindi kinikibo. Hindi na lamang din ako nagsalita. Hanggang sa kami ay nakarating sa tamang pinto. Sinadya ng aking mata ang buong paligid. Tahimik ito at malinis. Nang ako ay nakuntento ay hinarap ko ang aking ina. Ngayon ay nakakaramdam na ako ng kaba. "Anak... hanggang dito na lamang kita maihahatid," Aniya. Mas lumakas ang t***k ng aking puso, "Inay? Bakit? Ikaw ba ay hindi na mananatili dito? Kailan ba ang iyong uwi?" tanong ko. Ang aking puso ay hindi na magkandamayaw. Nanlulumo ito dahil sa narinig. Ang aking akala ay mananatili pa siya ng matagal. Ang aking akala, ako ay kaniyang sasamahan pa sa loob. Ngunit ako ay nabigo... siya ay lilisan na. Aking nasaksihan ang pag-agos ng kaniyang mga luha, "hindi na... nandiyan na marahil sa loob ang magiging amo mo at ikaw ang kakausapin nila," wika niya. Ako ay kaniyang tinitigan at hinaplos ang aking isang pisngi, "kailangan ko ng umuwi agad dahil walang magbabantay sa bukid at sa mga kapatid mo. Ako ay maghihintay na lamang sa pier." "Ina..." aking iyak sa kaniya. Siya ay aking niyakap ng mahigpit. Simula noong ako ay bata pa ay hindi ako kailanman nahiwalay sa kanila. Siya ay sumama sa akin dito upang masigurado na ako ay magiging maayos. Ako ay nag-aalala sapagkat pagod siya at ako lamang ang kaniyang inaalala. Siya ay humagulhol at iyon ang nagpapabigat sa aking damdamin. Biniiak nito ang aking puso. Ito ay tumalikod na. Matagal pa bago ako naging maayos. Humagulhol lamang ako sa tabi ng pinto at nilalakasan ang loob sa kadahilanang ako lamang ang mag-isa ngayon. Dito na magsisismula ang aking pakikipagsapalaran sa Maynila. Inayos ko ang sarili at huminga ng malalim. Ako ay kumatok at aking naramdaman ang matinding panginginig. Napagtanto kong isang condominium pala ang gusali na ito. Mga mayayaman ang nakatira dito. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang matandang babae, "Darling, nandito na siya." Dumungaw ang matandang lalaki at ngumiti sa akin, "pasok ka... Hija." Malugod kong tinanggap ang kanilang alok. Ako ay pumasok at natunghayan ang isang maluwang na pamamahay. Ako ay napapahanga sa aking mga nakikita. Aking nahagip ang kagandahan at kaayusan ng buong lugar... napapahanga ako. "Maganda ba dito, Hija?" Tanong nito saakin ng matandang babae. Ako ay pinasunod nila sa pinakaloob ng bahay. Kung sa aming bahay ito ay magkakagulo na kaming magkakapatid sapagkat mayroong napakalaking telebisyon. Samahan mo pa ng makikinang na mga kagamitan nila. Ito ay halatang mamahalin at magagara. "Opo Ma'am... hindi ko maipaliwanag ng maayos kung gaano kaganda ang bahay ninyo!" Aking sagot. Nabigla ako nang sila ay humalakhak sa aking sinabi. Hindi ko alam marahil may nagawa akong ikinatuwa nila o anuman. "Suit yourself... masasanay ka rin dito," nakita ko ang pagsusuri ng kaniyang mga mata sa akin, "Pero hindi ko lubos maisip na sa ganda mong 'yan... you'll be working as a maid?" Sabi ng magandang babae. Ang aking pisngi ay biglaang namula. Totoo ang kaniyang sinabi, sa aming bayan ay maraming nagsasabi sa akin niyan. Isang katanungan sa kanila bakit kami mahirap. Sa tingin nila ay mukhang pangmayaman ang mga kutis namin, magaganda at hindi bagay sa kahirapan. Ang aking alam ay hindi totoong anak ni Lola Gelay si ama. Ayaw namang ikwento sa amin ni ama kung sino ang kaniyang mga magulang sa kadahilanang hindi pa maaari ngayon. Ang aking ina naman ay hindi taga-bukidnon, siya ay isang anak ng negosyante dito sa Maynila ngunit tinalikuran niya ang lahat upang maging malaya. Ngumiti na lamang ako bilang kasagutan kay Ma'am. Maganda ito at sigurado akong marami na siyang binihag na puso noong kabataan. "Ako nga pala si Dana Montenegro," naglahad ito ng kamay saakin, "I was too busy lately so I didn't have time to send you some information about us. But I'm glad, you entrusted your service to us." Puno ng kagalakan ngayon ang aking puso. "Magandang hapon, Ginang Dana, ako po ay si Claring. Ako ay nagagalak na kayo ay aking nakilala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD