C L A I R E Noong una ay natulala lang ako sa kanyang harapan, siya naman ay nakatawa lang. Humahawak pa sya sa kaniyang tiyan na para bang nagtagumpay siya sa ginawa niya. Nasisiyahan siya ngayon, maging ang biyaya ng pagkain ay pinagtatawanan niya. Kumunot ang noo kong nakatitig sa kaniyang mga mata. Bakit gayung humahagik-ik siya ay napupuri mo parin ang kagandahan taglay niya? Nakukuha na niya ang atensyon ng mga kababaehan dito sa TGIFridays para bang tumatawa ang kanilang panginoon. "Hindi po nakakatuwa" malamig kong sinabi sa kanya. Matalim ang aking pagkakatitig sa kaniya. Sinusubukan ng aking kapangyarihang siya'y mapatigil sa kanyang pagtawa. Ngunit hindi ko magawa, hindi epektibo. It was just a prank isang ingles na katagang gumuho ng aking mundo. Ako pala ay naghihinagpis sa