C L A I R E
Pagkatapos ng aking pagbibihis ng uniforme ay hindi muna ako lumabas, natapos ko naman lahat ng aking gawain kaya pwede narin akong magpahinga. Ako'y kinabahan, palagi nalang hinahabol ang aking dibdib sa kaba. Hindi ko mawari kong bakit, dahil ba sa kaganapan kanina?
Masyadong mabilis ang pangyayari, nagtigil saglit ang aking mundo. Ano bang nangyayari saakin? Masyado na yata akong nadadala kay Sir Ethan. Ako'y napatalon dahil sa pagkatok galing sa labas, malamang ay si Sir Ethan ito. May kailangan ba sya?
Gagahasain nya kaya ako? Ano ang aking gagawin? Ngayon ay para na akong hinahabol ng kabayo sa lakas ng pintig ng aking puso. Ikakamatay ko na yata ito, mahahabol na yata ako ng kabayo. Hindi ako nagsalita, hindi ako umimik, ako'y natatakot na sa mangyayari. Baka ako'y hagkan nya't halikan hindi ko na alam kung mapipigilan ko pa ba ang aking sarili.
"Fvck! Open the damn door" kanyang singhal.
Ako'y nanginginig na ngayon, habang papalapit sa pinto ay kinuha ko ang walis para pangdepensa saakin sarili. Kailangan kong lumayo, di ko pa kaya ang nakasaad sa kasulatan na iyon. Ako'y magkakasala sa Panginoon, sa pamilya ko, sa aking inang birhen. Ako'y natatakot, hindi ko mawari.
"I will break this damn door or---"
"Yaaaaaaaaaaah!" kasabay nito ang aking pagbukas ng pinto at pinukpok sa kanyang ulo ang stick ng walis.
Malakas ang pagkakapukpok ko doon, hindi ako dumilat at di tumigil sa pagpukpok. Ako'y nangangamba na baka ako'y gahasain nya, gagamitin nya saakin ang karapatan nya dahil sa ako'y pumirma sa kasunduan, kahit wala akong kamalay-malay doon.
Nangangatog ako sa kinagagalawan, ayaw ko pa, kung pwede lang ipapabukas o sa susunod na taon pa ang kasunduan ako'y magagalak.
"What the fck!" kanyang pag iiwas sa pagpukpok ko, hanggang sa nahawakan ang walis.
"FVCK YOU! ARE YOU TRYING TO KILL ME WITH THIS FVCKIN STICK? YOU CANT ESCAPE! DAMN" kanyang hinimas himas ang ulo sa sakit na nahagkan.
"P-Patawarin n-nyo po ako. Ako'y natakot lang" napaatras ako, mas lumakas ang takbo ng dibdib ko, ano ba itong aking ginawa?
"Damn! Damn! Damn!" kanyang singhal pa ulit.
Napapikit ako sa takot, ako ba'y sasaktan nya sa aking kasalanan? Hindi ko na mawawari pa ito. Napaluha ako sa kanyang harapan, humihingi ng kapatawaran ang aking pag-iyak at nakita ko naman syang nagitla sa kanyang kinatatayuan.
Sana ay epektibo ito, baka ako'y palayasin nya rito at baka akoy makauwi saamin na bigo at kahirapan parin ang dala. Hindi maari, ayaw kong panghinaan ng loob sina ina at ama. Kakayanin ako ang pagsubok rito, kahit na anong ipapagawa ni Sir Ethan ay aking gagawin, hindi na ako magrereklamo pa. Ako'y susunod sa lahat ng kagustuhan nya, kahit pa ay kapalit ang aking muntian. Sa mga oras na ito, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, magmamakaawa ako kay Sir Ethan.
"S-Saan po ba ang masakit? P-Patawad po" nagsusumamo ang aking tinig.
"Fvck! You dont have to cry. Sht you dressed up" umiwas sa ng tingin saakin.
"P-Po?"
Ako'y natulala sa sinabi nya, ano daw iyon? Ako ba'y nagkakamali sa aking narinig. Bakit palagi nalang siyang nagmumura? Alam ba niyang iyon ay napakasama? Hindi ulit ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, bakit niya ako pinapabihis ulit?
Ako'y napapagod na sa kakahanap ng maisusuot. Baka kanya nanamang pupunitin, hanggang sa wala na akong maisuot pa. Balak nya bang ubusin ang aking kasuotan? Sana naman ay hindi, mahirap maghanap ng branded at kaaya-ayang damit sa ukay-ukayan ni Aling Nena.
"We need groceries, fvck! Damn it. You dont know anything bout the city, you're coming with me" saka sya umalis at ininda ang hapdi sa kanyang ulo.
Bago akong magtangkang maligo't magbihis ay umaripas ako ng punta sa kusina, baka may bukol na iyong ulo nya saaking pagpukpok, buti nalang ay hindi nya ako pinagalitan, sya lang ay nagmura lamang saaking harapan. Sa aming bayan ay hindi pwedeng ganoon, hindi pwede ang matatalas na dila, siguradong puputulan ni ama. Agad ko syang pinuntahan sa kanyang silid. Napakaluwang talaga nito, maganda ang pagkakapintura, may mga magagandang likha pa ng sining.
May kompyuter at malaking telebisyon, mayaman na mayaman talaga, gaya ni Jonas. Naabutan ko syang nakaupo sa kanyang malaking kama at nagmumura sa impit na sakit mg kanyang ulo, ako'y nakonsensya saaking kasalanang nagawa. Kahit na hindi nya ako namamalayan ay ako'y lumapit sa kanya at biglaang nilagay ang yelo sa kanyang ulo. Nabigla sya saakin, kahit di ko sya nililingon alam kong nakatingin sya saakin.
"W-What are you doing?"
"Sir, buti nalang nakakaintindi ako ng ingles, ano po ginagamot ang iyong ulo" aking sagot na humahalakhak.
Umiwas sya ng tingin saakin, natigil rin ako sa pagtawa baka kasi sya'y magalit saakin. Diniin ko konti ang pagkakalagay ng yelo sa kanyang ulo, tama nga ang aking hinala nagkabukol sya, kasalanan ko ito. Nararapat lang na ako ang gumamot sa kanya. Diniin ko ulit, sya'y nagmumura ulit, bakit palagi syang nag i-ingles gayung nasa Pilipinas naman kami. Buti nalang ay pamilyar ang mga mura nya, naririnig ko sya sa telebisyon pati sa radyo naming luma.
"It hurts, could you take it slowly?" iritado pa nyang utas.
"P-Patawad po"
Ilang saglit lang ay sa tingin ko ay okay na. Nilubayan ko na ang ulo nya, tunaw narin kasi ang yelo kaya aalis na sana ako para palitan, pwede naman nya sigurong gamutin ang kanyang sarili diba? Ako'y magpapalit na ng kasuotan para kami ay maka-alis na. Kahit maaga pa'y gusto ko riny makita ang buong Maynila. Sana ay payagan ako ni Sir Ethan, magliliwaliw ako sa mga pasyalan, kahit sa araw na wala akong trabaho.
"Lock the door" naunang naglakad saakin si Sir Ethan.
Kaya ako ay nagmamadaling i-lock ang pintuan. Baka ako'y maiwan at maligaw dito, malaki ang building, ngayon pa ulit ako nakakalabas ng kanyang unit.
"S-Sir saan po ang ating destinasyon?" tanong ko?
"Mall"
Namilog ang aking mga mata. Sa unang pagkakataon ay makakapasok narin ako ng mall. Walang mall sa probinsya namin, pagnalaman ito ni ina at ama sigurado akong masisiyahan sila, magagalak sa aking natamong pangarap. Maiingit rin ang mga kapatid ko. Nakikita ko ang kanilang mga pagmumukha ngayon, ako'y nagagalak.
"Saang mall Sir? Ang alam ko po ay napakaluwang ng MOA doon po ba tayo?" nakasakay na kami sa sasakyan niyang magara.
"If you want there, we'll go there" sagot nya, diretso sa daan ang kanyang tingin.
"Ako'y nagagalak, hindi ko na mapigilan ang bugso ng aking nararamdaman" kulang nalang ay magtatatalon ako ngayon saaking inuupuan.
"Do you really need to speak with your native tongue?" kanyang patanong.
Ngumuso ako. Si ma'am at sir Montengro rin iyang ang sinasabi saakin. Ano bang mali sa saaking pagsasalita? Sa tingin ko naman Filipino parin naman ako kahit anong gawin ko hindi ba? Tinignan ko si Sir, napangiti ako.
"Opo, ito ang turo saakin ng ina at ama ko"
"Then let's do something about it" hindi parin ito nakatingin saakin, nakakunot-noo.
Ano raw ang kanyang utas? Hindi ko sya maintindihan. Ano ang kanyang ibig ipahiwatig sa ingles na iyon? Ako nanaman ang napakunot ng noo sa kanya. Wag kang tumitig Claring, wag mo nalang siyang pansinin, siya at ng ingles nya. Nasa malalaking gusali na nakatuon ang aking pansin at nakakalula ito sa dami, wala ito saamin. Halos mabali ang aking leeg sa taas ng aking nakikita. Hanggang sa nakarating kami sa pinakamalaking mall sa buong asya.
"From now on, use modern...." sabi nito bago sya bumaba.
"A-Ano po?" aking pinapaulit, bumaba narin ako.
"Modern, not the native" hindi nya ako hinarap at kanyang pi-nadlock ang kanyang magarang sasakyan.
"Dito po ako sanay, hindi ko po iyan kaya"
Hindi na sya sumagot pa kaya sinusundan ko nalang sya papasok ng mall. Lumilinga ako, ang daming tao sa loob, ang yayaman ng mga kasuotan, ang daming pinamimili, may pamilya na nagkakasiyahan. Ang laki ng buong mall, pag ako'y nagkamali ng landas sigurado akong mawawala ako rito, sa paningin si Sir Ethan. Sir Ethan? Nasaan si Sir Ethan? Ako'y kinabahan na, ako ba'y nawawala ng landas sa napalakong mall na ito?
"Sht. What are you doing? You want me to shout? Fvck I'm starvin" ayon nakita ko syang galit na galit sa kanyang kinatatayuan.
TGIFridays iyon ang nakita kong pangalan ng kainan.
"P-Patawad po"
"Fvck that language, fvck!" mura nya bago tumalikod at pumasok, ako nama'y sumunod lang sa kanya.
Siya ang bumili, halos mailuwa ang mga mata ko sa napakamahal na presyong nakalaan sa isang pagkain. Wala akong dalang ganoon kalaki, kaya si Sir Ethan ang bumili, tinawanan nya pa ako ng makita ko ang mga presyo, siya'y napakayabang ngunit wala akong magawa. Kailangan kong kapalan ang aking pagmumukha dahil ako'y gutom narin. Hindi ko mawari ang kanyang binili, ngunit ng matikman ko ay napakasarap.
"That's worth 1,832" ngumisi sya.
Natulala ako. Sa dalawang kainan na ito? P1,832? Pwede ko ng dalhin ang pamilya ko sa isang malaking karederya saamin, may sukli pa. Hindi ako makapaniwalang makakabayad ako ng ganito kalaking halaga, tinignan ko anf recibo. Hinanap ang saakin, nag tanong rin ako kung alin ang saakin. Jack Daniel's Steak at French Onion Soup sinabayan pa ng maiinom.
"T-Talaga? Ang mahal naman nito. Di bale ho babayaran ko po kayo, pagnakasahod na"
Seryoso kong sabi, hihingi nalang ako ng tawad kela ina at ama, hindi buo ang maibibigay kong sahod dahil rito. Siguro ay maiintindihan nila ako, siguro naman ito na ang una at huli. Hindi na ako nagsalita pa kahit naririnig kung tumatawa sya. Masarap ang pagkain, biyaya ng Diyos kaya hindi dapat pinagtatawanan.
"By the way, the contract..."
Nang sinabi niya iyon, umiinom ako ng coke, kaya halos mailuwa ko sa kanyang harapan ito.
"B-Bakit ho? A-Anong meron sa S-Slavery Contract?" halos maisigaw ko na iyon, buti nalang aking nahinaan ang aking boses.
"That was just a prank" nagpigil siya sa pagtawa.
Paki-ulit nga po ng iyong sinabi? Prank? Kung sa tagalog ba ay joke na trip na katuwaan? Iyon ba iyon? That was just a prank paki ulit nga po Sir Ethan?