I am falling in love and trying not to. Meeting the family . Lumabas na ako sa music room nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Sebastian, at may kasama na siyang dalawang katulong pa. Bitbit nila ang pagkain at nilapag ito sa mesa, sa gilid. Inayos lang nila ito at tinitigan ko lang sila at saka lumabas na. . "Kumain ka na muna bago magpahinga." . Nilagay niya lang ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng plato. Napansin ko rin na isang plato lang ang meron dito. Para sa akin nga lang ito, dahil baka sa baba siya kakain kasabay ang ama niya. Nakaramdam tuloy ako nang hiya sa sarili ko. I shouldn't be here in his room. I should be joining them downstairs. Ano ba, Arabella! . "Sa baba na lang kaya ako? Nakakahiya sa Daddy mo..." "No, its okay. I told him that not you're not wel