"I want you to know that you are free, Sebastian... Wala kang obligasyon sa akin. You can go out and date someone. You can like someone. Don't force yourself, Sebastian... Malaya ka. So, please do that..." -Arabella- . . Free . . Natawa lang din ako sa sila at bumalik na sa mga pwesto ang mga ito. Nagsimula na ang kainan, at parang nag-unahan pa ang lahat. Parang fiesta tuloy rito. Pero pinapasok ko muna si Sebastian sa loob para makilala niya si Papa. Nagpaalam muna kami ng saglit sa kanila. . Nakahawak si Sebastian sa kamay ko. Pero bumitaw rin ako nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang tinitigan ako. Iniwas ko lang ang titig ko sa kanya. . "Sorry, pasensya ka na pamilya ko. Sana hindi mo na lang ako hinatid dito. Napasubo ka pa tuloy s