Chapter 02

2345 Words
3rd person POV Tahimik na nakatanaw si Don August Pallis at ang kaniyang kaibigan sa gawi ng binatang si Rio. Nakaupo sila sa luxury sitting area niya sa labas ng kanilang harden. Lingid sa kaalaman ni Rio na nakamasid sa kaniya si Don August Pallis. “Don’t get me wrong my friend. I think, you have to watch closer that Nathalia’s bodyguard. I can see his deepest affection towards your daughter.” Paalala ng kaibigan ni Don August sa kaniya. Binalingan siya ni Don August at nginisihan. “Are you telling me that he likes my daughter?” tiningnan niya pailalim ang kaniyang kaibigan. Tumango sa kaniya ang kaibigan. “It’s only what I see. Don’t get me wrong. Concern lang ako sa iyo bilang kaibigan mo. Hindi mo pa alam kung saan nanggaling ang binatang iyan.” “Isa siyang ordinaryong lalaki na galing sa Mindanao. Tinanggap ko siya bilang personal bodyguard ng anak ko dahil nakikita ko ang potential niya, at kayang-kayang protektahan ang nag-iisa kong anak.” Hindi pinansin ni Don August ang babala ng kaibigan. Ngunit huling-huli niya kanina ang binatang si Rio kung paano niya titigan ang dalagang anak habang papasok ito sa loob ng mansyon. “I see. Don’t trust too much my friend.” Inabot ng kaibigan ni Don August ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa. Tumikhim si August bago nagsalita. “Kilala mo naman ako. Hindi ko binubuhay ang mga taong nagta-traydor sa akin.” Tumango ang kaibigan niya at sinaid ang laman ng tasa niya. “You are right, my friend.” Dahil kilala na rin niya ang kaibigan. Kapag hindi nasunod or tinatraydor ay pinapatumba niya. Pinagsiklop ni Don August ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. “Pero tama nga ang sinabi mo. I shouldn’t trust anyone, lalo na at may mga sekreto tayong negosyo.” Tumango sa kaniya ang kaibigan at ito rin ang una niyang naisip. “Kailangan natin maging maingat at hindi basta-bastang nagpapahatid ng kahit kaunting impormasyon sa ating mga tauhan.” Tumango sa kaniya si Don August. Tumayo na rin ang kaibigan niya para magpaalam. Kinamayan niya ang kaibigan at tinapik sa balikat. “Thank you for the venom tea we shared.” Humalakhak si Don August. “No problem my friend.” *** Nathalia’s POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may klasi pa ako. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa school bago ako bumaba sa hapag. Naabutan kong nakaupo si Daddy sa favorite chair niya. Nasa pinakagitna iyon. Lumapit ako sa kaniya sabay halik sa pisngi niya. “Good morning po, Daddy.” Hinila ko ang katabi niyang upuan at umupo ako doon. Ngumiti siya sa akin. “Good morning, sweetheart.” “Aalis po ba kayo, Daddy?” tanong ko. Nakabihis siya ng pormal, sa tingin ko ay may pupuntahan na occasion. “Yes, sweetheart. May conference meeting akong dadaluhan ngayon. Tawagan mo ako kapag may mga problema,” mahigpit niyang bilin sa akin. Tumango ako sa kaniya at nagsimulang magsandok ng fried rice sa plato ko. Tumusok din ako ng isang pirasong sausage at isang fried egg. “How’s your study?” tanong ni Daddy. Naiwan sa ere ang hawak kong tinidor na balak ko ng isubo. Tumingin ako kay Daddy. Hindi ito kumakain, sumisimsim lang sa tasa niyang kape. Tumikhim ako nang mahina. “Okay naman po Daddy,” pagkatapos ay isinubo ko ang laman ng aking tinidor. “Naalagaan kaba ng bodyguard mo? O kailangan ko siyang palitan?” muntik na akong mabilaukan sa sinabi ng Daddy ko. Inabot ko ang baso ng tubig at sinaid ang laman. I cleared my throat and look at my Dad again. Tumango ako sa kaniya. “Yes, Daddy. He is smart, intelligent.” Puri ko kay Rio. Hindi man lang ako kinabahan na puriin ang isang lalaki sa harap mismo ng Daddy ko. “Good. Good. I’m glad to hear that,” muli niyang tinuon ang tingin sa may pagkain niya. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na siya sa akin dahil mali-late na raw ito sa conference meeting niya na a-attend-an. Ilang minuto lang din ang nakalipas bago umalis ang daddy ko ay lumabas na rin ako ng mansyon. Katulad ng dati, palagi kong naaabutan si Rio sa labas ng sasakyan. Nakapamulsa at nakasandal sa hood ng sasakyan. He is on his black suit. Pero mukhang seryoso siya ngayon dahil hindi man lang lumingon sa gawi ko habang papalapit ako sa kaniya. Nang tuluyan na akong makalapit ay ganoon pa rin ang posisyon niya. Tumikhim ako nang mahina kaya napaangat siya ng tingin sa akin at napatayo ng maayos. “Good morning, Miss.” Magalang niyang bati sa akin. Inabot niya ang dala kong bag at laptop. Inilagay niya iyon sa back set ng sasakyan, pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Nalanghap ko pa ang mabango niyang amoy. Nanoot iyon sa ilong ko at halos ipikit ko na ang mga mata ko upang damhin ang mabango niyang amoy. Isinarado niya ang pinto ng sasakyan at umikot siya sa kabila. Pumasok siya sa driving set at kinabit ang seatbelt. Nagtaka pa ako dahil hindi pa niya binubuhay ang makina ngayong nasa loob na kaming pareho. Curious akong tumingin sa kaniya. “May problema ba?” tanong ko. The lines of my forehead increased. Binalingan niya ako at tinitigan. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniya. His beautiful eyes were all on me. Naasiwa ako sa ginagawa niyang paninitig sa akin. Tumikhim ako ulit. “Rio, may problema ba?” tanong ko ulit. He grinned. Nakakabadtrip naman ang lalaking ito? Ano bang problema niya? Ngunit nagulat ako ng tanggalin niya ang seatbelt niya ng may pagmamadali at dinukwang ang ulo sa akin. Dahan-dahan akong napasandal sa back seat. What he is trying to do? Halos maipit na siya sa pagitan ng front sets makalapit lang siya sa akin. Kinabahan ako at halos pigilan ko na rin ang aking paghinga. Hanggang sa abutin niya ang dulo ng seatbelt at hinila iyon upang ikabit sa akin. Napalunok ako ng maraming beses. Nag-assume pa ako na hahalikan niya. “Always remember to fasten your seatbelt.” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. He was serious and strange! Hindi ko makuha ang mood ng lalaking ito kahit na halos magkasama kami araw-araw. Umirap ako sa hangin at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Binuhay niya ang makina at pinaandar ang sasakyan. Habang nagmamaneho siya ay hindi ko maiwasan na sulyapan siya sa reviewer mirror. Seryoso ang mukha at kunot ang noo. Sigurado akong kasing kulot ng buhok niya ang pag-uugali niya. Sabi ko sa isipan ko. Naalala ko noon, isang araw ay hinatid niya ako sa school. Sinubukan ko siyang kausapin ngunit kinunutan lang ako ng noo at tinalikuran. Iyon din ang time na pinagsusungitan ko siya dahil rin sa ugaling pinapakita niya sa akin. Pero minsan, naiisip ko ay baka homesick lang siya dahil sa Mindanao lahat nakatira ang mga kamag-anak niya. He was alone here in Manila, iyon ang sabi niya. Wala na raw siyang mga magulang at nag-iisa rin siyang anak. Walang kapatid. Minsan naihahalintulad ko sa kaniya ang buhay ko. Wala na din akong Mommy. Mayroon naman akong Daddy pero kadalasan ay wala sa bahay dahil puro trabaho. Lahat ng gustuhin ko ay naibibigay sa akin ng Daddy ko, pero hindi pa rin ako masaya. Hindi naman kasi luho ang kailangan ko. Kailangan ko rin ang aruga at presensiya ng Daddy ko. Minsan may mga activaties sa school no’ng Elementary pa ako. Imbes na pumunta si Daddy ay ang yaya ko ang pinapasama niya sa akin at ang mga bodyguards dahil wala raw siyang oras at may dadaluhang conferences. Sobra akong nalungkot noong grade six pa ako. Family day iyon sa school pero hindi nakarating ang daddy ko dahil may emergency siyang business trip sa ibang bansa. Umiyak ako nang umiyak pagkatapos noon. At simula na rin sa araw na iyon ay naging matatag ako. Hindi ko na hinahanap ang daddy ko at sinubukan kong maging matapang at mabuhay kahit na walang magulang na kasa-kasama ko. Nang tumungtong ako ng high school ay mas domoble pa ang tapang ko at tibay. Nag-enroll na rin ako sa karate. Pinag-igihan ko iyon dahil gusto kong protektahan ang sarili ko kahit na may mga bodyguards akong nakasunod sa akin. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay andiyan sila. So, mas mabuti na rin ang handa. Hindi ko lang maintindihan na sa sobrang yaman ng Daddy ko ay hindi pa rin napapagod na magpayaman nang magpayaman. Minsan natatanong ko ang sarili ko, kung anong klasing yaman ba ang gustong marating ng Daddy ko? There is a time na nagdadala rin siya ng babae sa bahay. Paiba-iba pa nga e, pero hindi ko iyon pinapakialaman. Mas matutuwa pa siguro ako kung mag-aasawa na lang ang daddy ko, nang sa gano’n ay makapag-stay siya sa bahay kahit minsan lang. But he didn't get married. Sometimes I asked him, bakit hindi siya mag-asawa na lang? Pero sinagot niya akong ‘mahal ko ang mommy mo at walang babaeng makakapalit sa kaniya dito sa puso ko’. Ang OA, iyon ang una kong naisip, ngunit nagustuhan ko rin ang sagot. He still love my Mother even she passed away. Pero ang satanas kong other side. Naiinis ako sa sagot niya dahil kong mahal nga niya ang mommy ko ay bakit siya nagdadala ng babae? Hay, buhay! Hindi ko maintindihan. Sobrang kay lalim ng pag-iisip ko at nagising lang ang nanaginip kong diwa ng biglang mag-preno si Rio. Muntik na akong masubsob sa likod ng front set kung wala lang akong seatbelt. Binalingan niya ako. Nagtaas-baba pa ang kaniyang dibdib. “Okay ka lang miss?” nag-aalala niyang tanong. Pinatong ko ang palad sa may dibdib ko. Pakiramdam ko pa ay nawalan ako ng kaluluwa dahil sa nangyari. Lumunok ako ng maraming beses bago tumango sa kaniya. “Yes, I’m fine. What happened?” tanong ko. Tinanggal niya ang seatbelt bago ako sinagot. “Na-plat ang gulong,” Bumaba na ito sa sasakyan at sinuri ang gulong. Tinanggal ko na rin ang seatbelt ko at sinundan siya sa labas. Lumapit ako sa kaniya at nakisuri na rin. “s**t!” he murmured a cursed. Hindi ko iyon pinansin. “Wala namang problema ‘to kahapon ah, bakit bigla-bigla na lang naging plat?” tanong ko. Binalingan niya ako ng tingin. Magkasalubong ang mga kilay niya at umigting ang panga. I wonder, maamo kaya ang mukha niya kapag natutulog siya? Lagi kasi siyang seryoso at galit, basta iyon ang nakikita ko! “I doubt as well, pina-check ko pa nga ito kahapon.” Kung gano’n ay may intention na butasin ang gulong ng sasakyan? Sino naman kaya ang matapang na gagawa noon gayong napapalibutan ng CCTV ang buong labas ng mansyon. Umiling ako. “Baka na-plat lang,” “Maybe,” Hinugot niya ang cellphone niya sa bulsa at tumawag ng rescue. Hindi nagtagal ay may dumating na malaking trak at isinakay ang kotse namin. Kumuha rin siya ng taxi at doon kami sumakay. Habang hinihintay namin ang pag-re-repair ng gulong ng sasakyan ay umupo muna kami sa sitting area. Okay naman dahil malamig ito sa loob. May naka-standing na electric fan at mayroon rin maliit na flat screen TV. Umuunlad na ang Pilipinas ngayon. Tumabi siya ng upo sa akin. Tahimik lang kami ng may isang mama rin ang pumasok at walang pakundangan na umupo sa tabi ko. Nakisiksik pa talaga! Alam niyang masikip na e, umusod pa ako sa tabi ni Rio. My god naman kuya! Wala na ngang space, sumiksik kapa! Maiksi lang ang suot kong palda. Hindi abot ang tuhod kaya pinagsiklop ko ng maigi ang mga hita ko. Rio groaned. Inangat niya ang palad at pinatong sa hita ko. Halos kapusin ako ng hininga nang lumapat ang mainit niyang palad sa balat ko. He has a big palm na halos accupied na niya ang buong hita ko. Binalingan ko siya at tiningala. Gumalaw ang adams apple niya ng maraming beses. Nang balingan niya ako ay nagbaba ako nang tingin. Binaba niya ang mukha sa tainga ko at binulungan ako. “Let’s switch a set." Gusto kong tumingala ulit sa kaniya ngunit kapag ginawa ko iyon ay magdidikit ang mga labi namin. “Hindi ako comfortable na may ibang dumidikit sa iyo.” Inalis niya ang mukha sa tainga ko. Tumayo ako. Umusod naman siya kay kuyang walang paki! Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa dating pwesto niya. Nagkakarambol-rambol na ang dibdib ko dahil sa simpling pagdidikit ng mga balat namin. Ilang oras ba matatapos itong sasakyan? Mukhang aabutin kami ng siyam-siyam dito. Kinuha ko ang phone at nagmensahe kay Hira. “Nasa campus na ba kayo?” Tanong ko sa text. Malamang dahil mag-aalas nuebe na. Ang tanga ko talaga! Sa totoo lang ay gusto ko lang umiwas sa nararamdaman ko. Agad siyang nag-reply. “Nasaan kana ba? Nasa kalagitnaan na kami ng klasi oy, kala ko hindi ka na naman papasok e,” “Na-plat kasi ang gulong ng sasakyan namin kaya andito pa kami sa repair shop.” Kaagad naman siyang sumagot. “O.M.G. Kasama mo ba si Papa Rio?” Muntik ko ng saguting oo, syempre lagi ko talaga siyang kasama dahil siya ang personal bodyguard ko. Hindi na ako nakasagot nang biglang tumikhim si Rio. Lumingon ako sa kaniya, ngunit laking gulat ko dahil nakangisi itong nakatingin sa screen ng phone ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Inalis niya ang tingin sa cellphone ko at nakangiting binaling ang tingin sa harap naming TV. Unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti. “Marunong ka pala ngumiti?” bulong ko. Binalingan niya ako. “Anong sabi mo?” “Wala, manood ka na lang,” nginuso ko ang TV sa harapan namin. Ngumiti siya sa akin ulit. Tumayo siya at inabot ang kamay ko. “Let’s go. Ang rami mong sinasabi.” Sinabayan pa niya iyon nang mahinang tawa bago ako hinila palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD