Chapter 01

1756 Words
Nathalia “Nats, your bodyguard is so freaking handsome!” tumili pa ang kaibigan kong si Allison. Nasa loob kami ng kuwarto ko at nagga-girls talk. Allison and Hira are my companions. Kasama na rin sa usapan namin ang guwapong bodyguard ko. Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang mamasukang bodyguard sa amin si Rio. Unang kita ko palang sa kaniya ay hindi ko na maitago ang paghanga ko sa kaniya. My friends are right. My bodyguard Rio is so freaking handsome and hot. He’s tall and huge, like my idolised actor Henry Cavill. Feeling ko nga ay isang braso lang niya ay kayang-kaya na niya akong buhatin. Tumango ako sa kanila at tinago ang ngiting nararamdaman ko para sa bodyguard ko. “My girlfriend na kaya siya?” Napatingin kaming pareho ni Allison kay Hira nang bigla niyang itanong iyon. Ngayon ko lang din naisip iyan. Sa lakas ng tindig at aura niya ay imposibling walang babaeng nahuhumaling sa kaniya. “Malamang sa guwapong katulad niya. Bulag lang yata ang babaeng hindi makakapansin sa kaniya. Sana ay naging actor na lang siya at hindi isang bodyguard lang. Nang sa ganoon ay siya na ang iidolo ko.” Nangingiting kinagat pa ni Allison ang ibabang labi niya habang dini-describe ang aura ni Rio. Parang tinusok ang puso ko ng karayom. Hindi lang pala ako ang nagkaka-interest sa personal bodyguard ko, kung hindi pati na rin itong mga kaibigan ko. Noong una ko siyang makasama sa loob ng sasakyan ay parang hindi ako makahinga sa sobrang bango niya. Pero napansin kong ang sungit niya. Hindi man lang ako nginingitian. Kaya may mga pagkakataon na rin na pinagsusungitan ko siya, pero sa halip na mainis sa akin ay nginingisihan lang niya ako. “He’s pretty annoying sometimes,” wala sa sariling sambit ko. “Gosh, kong kasing guwapo lang naman niya ang aasar sa akin. Kahit araw-arawin pa niya. I’m fine with that!” Tinungkod ni Hira ang dalawa niyang kamay sa kama at tumingin sa ceiling. Tumayo rin si Allison at hinawi ang kurtina. Pinagkrus pa ang dalawang kamay sa may dibdib niya. Tahimik lang akong nakaupo sa may coach. “Oh, my!” Napatingin kaming pareho ni Hira sa gawi ni Allison nang bigla itong magsalita. Tinakip pa ang mga kamay sa may bibig niya. “Oh my gosh! come here girls!” Tinaas pa niya ang mga kamay sa amin at mabilisang pinapalapit sa kaniya. Lumapit kami ni Hira na may pagtataka. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa may bintana at ganiyan na ang naging reaksyon. Bahagya akong sumilip sa baba ng bintana. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakasandal sa sasakyan si Rio habang naninigarilyo. Walang kaalam-alam na may taong nagpapantasya sa kaniya sa my taas ng kuwarto. Tumili rin nang mahina si Hira. “Holy s**t!” “It’s feel like…I will lost my panty if he’s going to stared at me in just one minute!” Ngumiwi ako sa sinabi ni Allison. We’re just nineteen, pero kong makapag-isip siya sa lalaki ay parang nasa tamang edad na siya at may karapatan nang gawin ang mga bagay na gusto niya. Sinigundahan na din siya ni Hira. “Magpapansin kaya ako sa kaniya. Mamaya itatanong ko kung may social media account siya.” Sinuklay pa niya ng mga daliri ang maiksi niyang blondeng buhok. “Nauna kaya ako sa kaniya, Hira,” Namaywang si Allison sa kaniya. Tahimik ko lang silang pinakikinggan at hindi nagkukumento. “So, sinong mauna sa atin?” sinagot rin siya ni Hira at tinaasan pa ng kilay. Napapailing na lang ako sa ginagawa ng dalawa. Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam na sila para magsi-uwi sa mga bahay nila. Pare-pareho kaming nag-aaral sa UP university pero magkakaiba lang kami ng kurso. Business ang kinuha ko dahil iyon ang pangarap ng Daddy ko. Kahit hindi ako matalino ay nagsusumikap pa rin ako upang hindi mapahiya sa mga kaibigan ang daddy ko. Hinatid ko sila sa labas ng bahay. Nakapulupot pa sa magkabilang braso ko ang mga kamay nilang dalawa. Parang mga bulateng binudburan ng asin ang mga kaibigan ko nang tuluyan na kaming makalapit sa kinatatayuan ni Rio. Sinulyapan niya kami ngunit hindi siya nagsalita. Biglang huminto sa paglalakad ang mga kaibigan ko kaya napahinto na rin ako. Binalingan ko sila paisa-isa at kinunutan ng noo. Ano bang nasa isip ng dakawang ito at huminto pa mismo sa harapan ni Rio? Tumango sa amin si Rio pero hindi kami kinausap. Bumitaw si Allison sa braso ko. Tumikhim siya nang mahina sabay kagat ng kaniyang hintuturo. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko iyon. She is so obvious, na may gusto siya sa bodyguard ko. Dalawang beses siyang humakbang palapit kay Rio. Tahimik lang kaming nagkatinginan ni Hira, dahil sa bold moves ng kaibigan namin. “Hello.” Binati niya si Rio. Tiningnan siya ni Rio bago tinanguan. “Hi.” Nagulat ako dahil hindi ko akalain na sasagutin niya ang simpling ‘hello’ ng kaibigan ko. Ang boses niya ay parang kulog at kidlat sa aking pandinig. Lumapit pa sa kaniya si Allison at inilahad ang palad. “I’m Allison. You can call me Ale if you want?" She even giggled. Tiningnan muna niya ang palad ni Allison bago iyon tinanggap. “Rio…nice meeting you,” he said. Sinulyapan ako ni Rio habang hawak-hawak pa ang kamay ni Allison. Nakaramdam ako ng inis at selos dahil hindi ganiyan ang pagtrato niya sa akin. He was different, kapag kami ang magkasama. Hindi ko alam kung napansin niya ang matalim kong pagtingin sa kaniya. Hinila niya ang kamay mula sa kamay ni Allison. Binalingan kami ni Allison sabay kagat ng ibabang labi. Ang landi lang! Naging tahimik kaming lahat, ang malalalim lang na buntonghininga ni Hira ang tangi kong naririnig. She was pissed off. Alam kong dahil iyon sa mas nauna si Allison na kilalanin si Rio. Sigurado ako doon. Binitawan ni Hira ang braso ko at tumingin sa akin. “Nats, we have to go. See you tomorrow in the campus.” Nginitian ko siya. Lumapit din si Allison sa amin. Bago sila tumalikod upang pumasok sa sasakyan nila ay tinawag pa niya si Rio. “I’m glad to meet you, Rio. I hope to see you again.” She sweetly smile at my bodyguard. Ang sarap sabunutan! Tumango si Rio sa kaniya bago siya kinawayan. Aba’t! May nalalaman pang pakaway-kaway. Kung puwede ko lang ingudngod ang mukha sa lupa ay ginawa ko na at nang sa ganoon ay maging hampas-lupa siya. “What?” tanong niya sa akin. Kumuyom ang mga kamao ko. “What—what mo ang mukha mo!” tinalikuran ko siya at parang beauty pageant na naglakad papasok sa mansyon. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay dumapa ako sa queen size kong bed. Pinagsusuntok ko ang unan na nasa gilid ko. Ini-imagine ko na si Rio iyon at sa ganitong paraan ko siya malalabanan. “Ang feeling feeling mo!” nanggigil kong sabi sa unan. “Bakit kapag ako ang kasama mo ay never mo akong kinakausap ng maayos? Ganoon kana ba na-atract kay Allison at maganda ang pakikitungo mo?” sinuntok ko pa ulit ang kawawang unan. Nang hindi pa ako makuntento ay inupuan ko ang unan at pinagsusuntok nang malakas. Naiisip ko pa paulit-ulit kong bakit iba ang pagtrato niya sa akin. “I hate you! I hate you, Rio!” nanggigil pa ako. “Wala ka sa kalingkingan ni Henry Cavill. Isang braso lang noon ay kaya ka nang ipatumba.” Hindi nagtagal ang pagsusuntok ko sa unan ay tinigilan ko rin ito. Hinihingal akong tumihaya ng higa. Tumingin ako ng deretso sa ceiling at malayang idinipa ang magkabila kong mga kamay. Pumikit ako saglit para pakalmahin ang t***k ng aking puso. Hindi pa nag-iisang minuto ang pagpikit ko ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Inabot ko ng isang kamay dahil nasa edge lang iyon ng kama. Sinulyapan ko ang nag-text. Napabangon ako bigla ng mabasa ang pangalan ni Rio sa screen ng cellphone ko. He sent me a message. Kumalabog ang dibdib ko. Ano kaya ang laman ng mensahe niya? hindi ko pa nga nababasa ay nag-iinit na ang magkabila kong mga pisngi. Binuksan ko iyon. Kumunot ang noo ko sabay gigil. Walang laman ang text niya maliban sa isang dot. Ano bang pinuputok ng budhi ng lalaking ito? Mas lalo akong nainis sa kaniya. Nanginginig ang kamay ko sa inis habang nagtitipa ako ng sagot. “Hey! Lasing kaba?” Sent. Nanggigil ako sa text niya. Nagreply siya kaagad. “Nope. Bakit mo ako tinalikuran lang kanina?” Tanong niya sa akin. Aba’t tinatanong pa niya iyon. Hindi pa ba obvious sa kaniya na naiinis ako. What the hell Rio? “Nang-aasar kaba?” Muli kong tanong. Kumunot pa ang noo ko. Kaagad siyang nag-reply. “Hindi po, Miss. Bakit mo naman naitanong iyan?” Lalong kumunot ang noo ko. Nanlalaki pa ang butas ng ilong ko habang nagtitipa ulit ng mensahe sa kaniya. “Do you like Allison?” Ayon. Hindi nakatiis itong bibig ko at naitanong ang hindi dapat. Napatakip pa ako ng bibig dahil sa sinabi ko. Hindi ko na puwedeng burahin dahil seen na niya ito. “s**t!” I murmured to myself. Tumunog ulit ang phone ko. Kinabahan akong basahin kong anong maging sagot niya. “Maganda siya at mabait. Walang rason para hindi ko siya magustuhan.” Parang tinusok ng libo-libong karayom itong puso ko nang mabasa ko ang sagot niya. Nabalisa ako at muling humiga sa kama. Hindi ko siya sinagot, itinabi ko na lang ang cellphone ko sa gilid dahil baka maibato ko pa iyon kapag nagkataon. Muling tumunog ang cellphone ko. Binalingan ko iyon at sinilip. Mensahe pa rin na galing kay Rio. Pero dahil curious ako ay inabot ko iyon muli at binasa. “Yeah. She is beautiful and kind, but unfortunately, hindi siya ang tipong babaeng gusto kong makasama,” sagot niya sa akin. Napangiti ako. Kinagat ko ang ibabang labi. “What types of woman do you like?” Hindi ko napigilan at nagtanong sa kaniya. Kaagad naman siyang sumagot. “Ang babaeng masungit at mainitin ang ulo.” The lines of my forehead increased. If I could spank him right now that would be better. I slammed the bed and took a deep breath. “May araw ka rin sa akin,” sabi ko sa isipan ko. Malaya akong tumihaya sa kama at pinikit ang mga mata upang burahin kung ano mang naging conversation namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD