Kimberly’s POV NAPATDA ako. Parang nanghina ang tuhod ko. Napakapit ako sa likuran ng upuan para kumuha ng balanse. Ang inay Linda naman panay ang iyak. Yakap-yakap ni tay Pepito. Napatakip ako ng aking bibig. Walang akong naiusal ni isang salita. Umiyak lang ako. Walang ampat iyon. Kaya pala ganun na lang katindi ang galit na naramdaman ni nay Linda. Nawalan siya ng pinakamamahal na anak. Kaya siguro magaan ang trato niya sa akin dahil nakita niya sa katauhan mo ang yumao niyang anak. “P—Patawad po.” Hingi ko nang tawad makalipas ang mahabang katahimikan. Lumapit si Nay Linda sa akin. Niyakap niya ako. “Wala kang kasalanan anak. Kaya ganoon na lang ang galit ko sa lalaking iyon. Kahit pilit kong kalimutan ang nangyari at magpatuloy na lang sa buhay, kahit sobrang sakit, tatanggapin k