Kimberly’s POV KINABUKASAN inayos ko ang gamit ni Miguel. Sasamahan ako ni Inay Linda sa OB mamaya. Si Tay Pepito na lang ang maghahatid kay Miguel. Laking tulong sa akin ang suporta nila. Nakakataba ng puso na kahit hindi nila ako kadugo ay ramdam ko ang pagmamahal nila. “Miee papasok na ako.” Yumuko ako para makahalik si Miguel sa pisngi ko. “Maging mabait anak ha? H’wag makikipag- away.” Paalala ko sa kanya. Bumaling ako sa kay Tatay Pepito. “Salamat, tay. Kayo na po ang bahala kay Miguel.” “Para ihahatid lang. Itong batang ito. Siya aalis na kami baka ma-late pa itong apo!” Sinundan ko na lang sila ng tingin. Gaya nang nakasanayan ni Miguel nasa likod ni Mang Martin sumakay. Kahit kasama ako, nag-aalala pa rin ako. Gusto ko sana sa loob siya. Pero maingat at sakto lang ang takb