Kimberly’s POV MABILIS ang kilos namin pagkalabas ni Miguel sa banyo agad ko siyang binihisan. Ilang lilibuhin ang ibinigay ni Aling Glenda sa akin at ang address ng kapatid. Hindi ko na iyon na tingnan nang mabuti basta ko na lang isiniksik sa pantalon ko. Unang lumabas si Susan dahan-dahan itong maglakad na naka baluktot ang likuran. Ilang beses rin siyang palinga-linga baka may guard na gising pa at rumuronda. Malakas ang kutob ko kanina na may plano sila. Pero hindi ko naman alam na pagtakas naming mag ina iyon. Nang makaliban na siya sa kabilang bahagi ng mansyon. Sumenyas siya sa akin. “Anak, wag na wag kang gagamit ng telepono para hindi ka ma trace ni Sanvi o ni William. Ako na ang bahalang kumuntak sayo. Malalaman mo kung ako ang kausap mo na ang kapatid ko lang ang nakakaala