Kimberly’s POV UMUSAD na ang bus makalipas ng trenta minutos na paghihintay. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Naalala ko na naman si Leonel. Sa dami ng kasalanan ko hindi ko deserve ang kapatawaran niya. Byaheng Maynila ang bus na sinakyan namin ang terminal nito ay sa Buendia. Sasakay ulit kami papuntang terminal sa Cubao at sasakay ulit kami papuntang Tarlac, taga doon ang kapatid ni Aling Glenda. Mabuti na lang ay may pera silang ibinigay sa akin. Walang laman ang wallet ni piso. Ang naroon lang ay ang I. D’s na ipinagpapasalamat ko. Makailang pahid ako ng aking mga luha. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko emotionally pati ang noo ko masakit na rin. Ramdam ko rin ang pagod at puyat. Hindi ko alam ang magiging buhay namin sa Tarlac, at nag wo-worry rin ako para sa akin inay. Wa