Kimberly’s POV “EHEM!” pagkukunwari kong makuha ang atensyon ng dalawa. “Naku, anak pasensya kana. Masyado lang ako na excite na makita ulit itong si Lander.” Hinging paumanhin ni Inay Linda. “Okay lang ho.” Maagap kong sagot. “Lander si Kimberly, Kim, si Lander. Kapitbahay namin noon at kababata ni Minerva.” Lumungkot ang mukha ni Nanay Linda. “Nagkakilala na ho kami inay. Siya ang doktor na tumulong sa akin.” Ani ko. Tiningnan ko silang dalawa. Nagagalak naman ang inay na makita at makausap itong si Dok Lander. “Kumusta na po kayo Nay?” Magalang na tanong nito. “Heto, muntikan na. Siyang Myleen talaga na iyan, gusto akong patayin ng maaga!” Hindi mapigilan ni Inay ang hayagang inis sa Myleen na iyon. Kita ko ang pagbabago ng mukha ni Lander. “Hindi pa rin ho ba nagbabago?” Makahu