Kimberly’s POV PARANG bumaliktad ang sikmura ko. Hagunos akong pumasok sa banyo at walang tigil ang nakaka duwal. Pero mapait na likido lang ang lumalabas sa bibig ko. Noong buntis ako kay Miguel hindi naman ako ganito. Napaluhod na ako sa inidoro. Halos isubsob ko na ang mukha ko sa bowl. Nanghihina na ako at pawisan. Madilim pa lang nang maalimpungatan ako. Mga hagod sa likod ang parang nag paayos ng pakiramdam ko. Nang lingunin ko iyon ang inay Linda. Pinisil pa niya ang balikat ko. “Ilabas mo lang, anak. Sabi ng matatanda lason daw yan sa bata kapag nagduduwal ka.” Parang natakot ako bigla. Ilang minuto pa ako nagduduwal pero nanghihina na lang ako pero wala na akong nailabas pa. Inalalayan ako ni Inay Linda. Binuksan niya ang faucet at sumahod ako ng kamay ko doon para magmumog.