Kimberly’s POV: PAGKATAPOS namin kumain, sabay naming iniligpit ang aming pinagkainan. It was solemn dinner. Walang ni isa sa amin ang nagsalita. Nakiramdam ang bawat isa sa amin kung may iimik pa pero wala. Hanggang sa matapos kaming mag dinner. “Gusto mo ba manood ng movie?” Napalingon ako kay Leonel sa tanong niya. Nagpupunas siya ng kamay sa towel na nakasabit sa fridge. “Sige ba, pero maligo lang ako saglit,” wika ko. Ang casual lang nang usapan, wala akong makapang kaba sa puso ko. Parang magkaibigan lang kami na mag-asawa sa legal na paraan. Pagkatapos kong maghugas, umakyat ako sa pangalawang palapag ng penthouse ni Leonel. Nag iisa lang iyon, pinihit ko ang seradura. Madilim na silid ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang ilaw sa gilid at tumambad sa aking ang malawak na