Kimberly’s POV SA LOOB ng ilang linggo, walang anino ni William ang buong mansyon. Laking pasasalamat ko sa bagay na iyon. Si Leonel naman, he was true to his words, dahil kahit mangkatabi kami sa kama, never siyang nag take advantage sa akin. Naroon ang alaga, pagmamahal at respeto niya sa akin. Minsan may mga gabi siyang hindi umuuwi lalo pa kung may biglaang meeting ito sa labas ng bansa. Si Miguel naman ay may taga hatid sundo sa eskwela, gaya nang napagkasunduan namin ni Leonel tutulong naman ako sa inay sa aming maliit na hardware sa palengke. Tinuruan na rin niya akong mag drive. Pero ang nakakalungkot ay ang hindi magandang trato ng ina ni Leonel sa akin. Pero kapag naroon si Leonel ay malambing ito sa akin na parang anak ang turing sa akin. Linggo ngayon araw at balak ko sana