Ang Ka Forever Ko..✍?
Wag kayong atat magka-lovelife. Kasi hindi ganun kadali ang magkaron ng lovelife. Siguro, naiisip nyo, ang saya. Ang sarap siguro ma-inlove at kung ano-ano pa. Yes, totoo yun. Pero you don’t know the real deal behind a love story. Yun ang mga bagay na maiintindihan mo lang, kapag naranasan mo na. And I’m telling you, kung pinilit mo lang yung lovelife mo at umabot na kayo sa puntong yun, pwedeng ika-baliw mo yung sakit na mararamdaman mo. Seryoso yan.
Single pa rin kayo kasi alam nyong hindi pa kayo ready. O kaya naman hindi pa ready yung taong makakasama nyo sa love story nyo. Time will tell. At kapag nasimulan nyo ang love story nyo sa tamang oras at paraan, masasabi nyong worth it lahat ng paghihintay.
Love is not just about trust, sacrifice and happiness, it’s also about patience.
Dadating din... Ang Ka Forever Mo ....
Georgia Guthrie✍?
Matapos basahin ni King ang summary sa likod ng libro, tiningnan nya ulit ang cover nito.. Ayaw sana nyang bilhin ang librong ito kung hindi nya lang nakita ang pangalan ng writer. Hindi nya alam na isang writer pala si Georgia.. Well, hindi naman kasi sya nag abalang ipa imbestigahan kay Aeris ang pagkatao nito, kaya wala syang ka ide idea sa personality ng dalaga. Binuklat buklat nyang pahina ng libro. May isang pahina dun na nakakuha ng kanyang atensyon.. Binasa nya ang nakasulat sa 'Chapter 3' ng libro.
'Mga alaala at bagay na hindi mo alam..✍?
Alam mo ba, sa tuwing napapadaan ako sa lugar kung saan tayo madalas nagkikita. Naaalala kita. Kahit pa hindi ko naman gustong isipin ka, bigla na lamang bumabalik sa akin ang lahat. Bigla na lamang pumapasok sa sistema ko na parang malubhang sakit. Unti-unting sinasakop ang buong pagkatao ko hanggang sa hindi na ako makawala, sa alaala mo. Kahit pa hindi ko gusto, binabalik ako sa panahong nandoon pa tayo. Sa panahong mayroon pang ikaw at ako, sa panahong totoo pa ang mga ngiti sa aking labi, sa panahon kung saan mahal na mahal mo pa ako. Naaalala ko lahat, mga yakap, halik, paghawak ng mga kamay at paglalakad na parang tayong dalawa lang sa mundo.
Alam mo ba, sa tuwing naririnig ko yung madalas mong kinakanta sa akin. Naaalala kita. Kahit pa hindi ko naman intensyon na pakinggan at bigla ko na lang narinig sa jeepney o bus, bumabalik sa isipan ko yung tono ng boses mo at kung paano mo ito kinakanta sa akin. Naaalala ko yung unang beses na kinanta mo yun sa akin at sinabi kong “ano na naman yan?” hanggang sa tumagal at naging paborito ko na yung kantang yun at naging awit ng relasyon natin. Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko yung kantang yun kahit pa walang musika, naririnig kita na kumakanta sa harapan ko at nakatitig sa aking mga mata. Naaalala ko lahat ng patungkol sa ating dalawa ng dahil sa isang kanta.
Alam mo ba, sa tuwing gumigising ako sa umaga. Naaalala kita. Nasanay kasi ako na ginigising ng tinig mo. Ikaw ang nagsisilbing alarm clock ko, taga-paalala ng mga gagawin ko sa maghapon. Nasanay kasi ako ng may sumasalubong sa akin na mga mahahaba at matatamis na text messages mula sayo. Mga mensahe na bumubuo kaagad ng araw ko, nagdudulot ng ibang klaseng ngiti at saya. Pero ngayon iba na, nagigising ako ng dahil sa tilaok ng manok at mga alaala mo na sumasalubong sa akin sa umaga pa lang, pinapamukha agad ang realidad na wala ka na. Tanging ako na lang.
Alam mo ba, sa tuwing sumasapit ang gabi. Naaalala kita. Hindi ko siya maiwasan lalo na kapag kayakap ko ang mga unan. Naaalala kita dahil nasanay akong madaling araw na humiga, nag-uusap at nagkukwentuhan na para bang wala ng bukas na darating. Nasanay ako na bago matulog sa gabi, naririnig kita. Nakakausap. Napaglalabasan ng sama ng loob ko sa maghapong nagdaan. Nagkukwentuhan ng mga nangyari sa akin at mga nasa kapaligiran. Bumabalik sa akin lahat-lahat ng alaala tuwing sumasapit ang gabi, naiisip kita sa bawat sandali na nagdudulot ng pagkakapuyat ko. Dati, napupuyat ako dahil magkausap tayo pero ngayon, napupuyat ako dahil ginagambala ako ng mga alaala. Tanging kasalo ang unan at tagasalo ng luha.
Alam mo ba, literal akong pinapatay ng mga alaala mo. At sa bawat bahagi ng araw ko. Naaalala kita. Pilit kong binabaon sa limot ang lahat ngunit hinihila ako pababa, kasama ng mga alaala. Kahit pa anong gawin kong pagwawala o paglabas ng sakit o galit, pagtapos ng araw, hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya mo. Pangalan mo pa rin ang binubulong ko sa gabi, naghihintay pa rin ako ng mga messages mo sa umaga at bawat sandali. Hinahanap-hanap ko pa rin yung “ikaw” sa tabi ko. Kahit pa anong gawin kong pagliko, pagtakbo, pag-iwas, paglakad papalayo, tanging sayo pa rin bumabalik ang puso ko. Tanging sayo lang. Mahal kita kahit pa wala ka na. At patuloy kitang mamahalin kahit pa, isa ka na lang alaala.
Tiniklop nyang libro matapos basahin.
"Broken hearted ba si Georgia? Parang hindi naman ah! Kasi, masayahin naman sya sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Prince.. Sabagay libro lang naman ito at siguro kathang isip lang nya ito at hindi totoo."
Bitbit ang libro na kabibili lang nya, nagmaneho sya patungo sa madalas tambayan nila Prince at Georgia. Medyo malayo layo pa sya sa lugar na yun ng makita si Georgia na mag isa lang nakaupo sa bench. Nasa kandungan nito ang isang laptop at tila abala ito sa ginagawa. Nag park sya malapit sa kinaroroonan ng dalaga, bago lumabas ng sasakyan binitbit nya ulit ang librong nabili.
"Hi Georgia!"
Bati nya bago umupo sa bakanteng espasyo sa kanan ng dalaga.
"Ikaw pala King, kumusta? May kelangan ka ba sakin?"
Saglit lang nyang sinulyapan ang binata, balik ulit sya sa pagta type sa kanyang laptop.
"Writer ka pala?"
Nakangiting kuha ni King sa atensyon ni Georgia.
"Uhumm! Ba't mo alam? Panu mo naman nalaman?"
Pinakita ni King ang hawak na libro.
"Pwede bang magpa autograph sayo?"
Sabay kindat pa nya sa dalagang napapangiting inilahad ang kamay sa kanya.
"So, anong masasabi mo sa book na'to?"
Tanong nya habang pinipirmahan ang loob ng libro.
Napakamot ng ulo si King.
"Actually, diko pa sya natatapos basahin kasi kabibili ko lang nyan."
"Ohhkey! Pero basahin mo ha! Para malaman mo ang ending."
"Why?'
"Syempre, para malaman mo kung sino ang naka forever ng bidang babae dyan sa story."
"Can I ask?"
"Yeah!" Nagpatuloy na ulit sa pagta type sa kanyang laptop si Georgia. Matapos ibalik kay King ang libro.
"Yung story ba dito fiction lang or true story.. Based on your experience?"
Napaangat ng tingin si Georgia saka tinitigan si King na seryoso ang mukha.
"Just read it. To find out if it's fictional or true story. Okay?"
Nagligpit ng kanyang gamit si Georgia. Bago umalis nilapitan nya muna si King at bumulong sa tenga nito...
" I'm sure, you will be surprise if you find out who's the leading man in that story... Promise."
Pinisil pa ni Georgia ang matangos na ilong ni King bago nya ito iniwang nakatanga lang dun. Nakailang hakbang na sya ng maisipang lingunin ang binata. Nandun pa rin ito naka upo sa bench habang nakatingin sa kanya.
"Bye, King!" Kinawayan nya ito saka nag flying kiss pa.
"Georgiaaa...!" Sigaw ni King na nagmamadaling tumayo at tangkang habulin ang dalaga. Pero dina nya ito naabutan dahil nakasakay na ito ng taxi.
'Hayy... Sayang...'
?MahikaNiAyana