"Huwag si Georgia! Please lang King, hindi ko hahayaang saktan mong bestfriend ko."
Nakakuyom ang mga kamao ni Prince habang matiim ang pagkakatitig sa pinsan.
"Why not? Nabasa kong libro na isinulat nya, ako ang ka forever nya Bro! I can't believe she really wants me to be her destiny."
"Kilala kita King,, kilalang kilala kita, mula ulo hanggang paa. O, kahit pati na rin yang maitim mong budhi. Hinding hindi ko hahayaang pati si Georgia ay sirain at gamitin mo para lang ma satisfied yang mataas mong ego."
"Nagbago na ako Prince, hindi na ako katulad ng dati.. Saka nakakapagod na rin ang mga ginagawa ko, gusto ko ng bagbabago kaya sana bigyan mo naman ako ng chance! Pwede ba yun, ha! Prince?"
Pailalim ang titig ni Prince sa pinsan. Hindi talaga sya mapalagay mula ng magkuwento ito tungkol kay Georgia. Nag aalala syang masyado para sa kaibigan kasi ilang beses na rin itong nasaktan at saksi sya kung paano gumuho ang mundo nito. Saka si Georgia, pag nagmahal buwis buhay ito.. Kumbaga lahat binibigay kahit na nga wala ng matira sa sarili nito.
"Please... Give me a chance! Prince. Kahit ngayon lang... Gusto ko ring maranasan ang maging masaya.. Yung totoong masaya!"
"Bakit ba magkaiba ang sinasabi ng isip ko at ang pakiramdam ko sayo? Bakit nga kaya? hmm."
"Siguro nga hindi sapat yung pakiramdam mo nakukuha mo lahat ng gusto mo, kasi minsan pala pakiramdam mo lang talaga yun. Akala ko kasi sapat na yung maging masaya sa paraang alam mo, ng hindi iniisip yung iba, ng walang inaalala. Nakalimutan ko na hindi pala ganun, hindi pala ganun sa buhay, hindi ako dapat ganun mamuhay. Oo nga tama ka. Nakalimutan ko na nga siguro kung ano at sino ako. Nakalimutan ko sinabi ko nga pala dati na there’s more to life than love. Nakalimutan ko na someday magiging Lawyer ako at hindi kung sino mang mala-“papa jack.” Masyado lang siguro akong nahumaling sa hiwaga ng salitang pag-ibig. Masyado lang akong nabulag at nabingi sa nginig ng bawat kilig. Eto na nga siguro yung kapalit ng pagiging hopeless romantic. Yung akala ko habang buhay akong bata. Kaya nga siguro hindi ako nag grow masyado emotionally. Masyado akong nakulong sa saya ng “ college moments” kung tawagin natin. Masyado akong nabubusog sa paglalaro ng bawat salita na hinuhugot ko sa kailalimlaliman ng pagkatao ko. Pero hindi nga pala ako ito."
"Anlaki ng pinagbago mo King.. Minsan nga tinatanong kong sarili ko, kung ikaw pa ba ang pinsan kong sanggang dikit ko parati... Pero iba ng nakikita ko sayo."
Napabuga na lang ng hangin si Prince. Tinitigan na naman nya si King, yung titig na inaarok nyang kaloob looban nito.
"Siguro nawala nga rin ako nung hinayaan kitang mawala. Nawala ako sa kung saan, kaya kung kani-kanino na lang ako sumama. Sumama ako sa mga taong pakiramdam ko marami akong matutunan. Binuksan ko yung sarili ko para sa kanila. Hinayaan kong makapasok sila sa buhay ko. Kasi nga, alam ko matututo ako sa kanila. Pero, nasan na nga ba ako? Parang hindi naman ako natuto. Nalaman ko lang siguro yung mga hindi dapat at dapat gawin sa larangan lang ng “pag-ibig” pero hindi ng “buhay.” Nalaman ko lang, pero hindi ako natuto. kasi hindi ko naman inapply kasi hindi ko mai-apply."
Kumunot ang nuo ni Prince ng marinig ang sinabing yun ni King. Hindi nya alam ang ibang pangyayari sa buhay ng pinsan kasi nagkahiwalay sila ng landas noon. Nung panahon na pumasok sya bilang isang secret assassin agent ng Hainsha Organization. At nung nakaraang taon lang ulit sila nagkita ng magtagpo ang landas nila sa isang misyon dun sa Japan.
"Tinanong mo ako kung naranasan ko na ba yung pakiramdam na hindi mo mapigilan na sabihin yung nasa loob mo, yung nararamdaman mo. Siguro eto na nga yun. Naramdaman ko kasi yung pagmulat ng mga mata ko. Matagal na nga siguro akong nakatulog ng mahimbing. Sana derederecho na talaga akong magising. Alam mo, minsan ko lang kausapin ang sarili ko. Kasi minsan lang din naantig tong puso ko. Minsan mo nang nagawa yun. pero inulit mo ulit ngayon. Bawat salita na sinambit mo tumarak sa dibdib ko. Kitang kita ko sa mga mata mo na totoo yung sinasabi mo. Naramdaman ko sa higpit ng mga hawak mo yung nais iparating ng puso mo. Naiintindihan ko. Naintindihan ko na at patuloy ko paring iintindihin yung sarili ko kasi ikaw mismo nagawa mo. Nagawa mo akong tanggapin at tiisin."
Nasulyapan pa ni Prince ang pagpatak ng luha ni King na kaagad tumalikod sa kanya. Napangiti na lang sya ng lihim, kasi kahit pala malaki at bruskong tao na itong pinsan nya ay iyakin pa rin. Parang ito lang ang ugaling hindi nagbago kay King. Nilapitan nya ito saka tinapik ang balikat, dina sya nagulat ng yakapin sya nito bigla.
"Na miss kita Prince.. Na miss ko ang samahan natin. Na miss ko ang kapartner ko. Na miss ko ang kasanggang dikit ko."
Niyakap nya ng mahigpit ang pinsan. "Welcome back Dude."
Kumalas si King sa pagkakayakap sa kanya saka malapad itong ngumiti.
"So, okay na tayo ha! Pwede ko ng ligawan si Georgia?"
"King, ang panliligaw. Hindi yan basta basta. Na kapag ginusto mo, eh gagawin mo agad. Merong kaakibat na nararamdaman dapat kapag nanligaw ka. Hindi porket maganda, sexy, mayaman, at malibog, liligawan mo na. Magpakalalaki ka naman, gawin mong matino ang sarili mo."
Napasimangot kaagad si King sa sinabi nya. Pero hindi ito nagsalita.
"Ang panliligaw isa rin yang responsibilidad na kapag ginawa mo, eh dapat panindigan mo. Dapat kapag nanliligaw ka, tanggapin mo na dalawa ang maaring sagot sa’yo. OO o HINDE. Hindi ka dapat magalit. Hindi ka dapat magsabing paasa siya, dahil una sa lahat, nanliligaw ka para itest, tignan kung karapat-dapat, hindi nanliligaw para sagutin agad. Kung hindi mo kaya manligaw ng pangmatagalan, Aba, wag mo ng subukan. Hindi mo dapat minamadali ang nililigawan mo. Eto na rin kasi yung nagsisilbing kilalanin process niyo. Para makita kung dapat ka bang maging boyfriend niya. Kung karapat-dapat ka ba sa pagmamahal na ibibigay niya."
"Oo, na... Alam ko ng lahat yan. Tsk, wala ka talagang tiwala sakin."
"At King, karapatan ng babae magpaligaw sa marami. Pero hindi karapatan ng lalaki manligaw ng marami. Tandaan mo yan."
"Yeah.. Yeah... Whatever.."
Nakataas pang dalawang kamay ni King sa ere habang naglalakad palayo kay Prince.
'Ibang iba kana talaga King... Ibang iba kana.. Hay! Good luck! Dude.'
?MahikaNiAyana