AVERY Dala ang mga pinamili namin ay magkasama kaming naglalakad ni Sir Xander pabalik sa sasakyan niya, kasama ang baklang binilhan namin ng mga kakanin, pati na rin ang isa pang kaibigan nitong maghahatid ng pagkain sa sasakyan. Ang ingay ng kasama namin. Nakukulili ang tenga ko, feeling close sa akin dahil may kasama kaming gwapo. "Ilapag mo na lang d'yan, kami na ang bahala dito," seryosong utos ni Sir Xander sa dalawang kasama namin. "Thank you, boss pogi. Balik ulit kayo dito sa palengke ha," nakangiting sabi sa amin ng baklang makulit at kanina pa nagpapa-cute kay Sir Xander. "Ay!" "Mandurukot!" Sabay pa kaming napasigaw ng baklang kaharap ko ng may isang lalaking biglang lumapit sa amin at mabilis na dinukot at kinuha ang wallet sa likuran ni Sir Xander. Ang bilis ng mga p