AVERY Hinatid ng driver at ilang bodyguard at tauhan ni Sir Xander ang mga kapatid ko sa school na pinapasukan nila kanina. Since tapos na rin naman akong mag-almusal ay pinili ko ang manatili muna ako dito sa garden. Nagustuhan ko ang pumunta dito sa umaga. Bukod sa maganda ang tanawin ay masarap rin sa pakiramdam ang ihip ng hangin habang pataas ang sikat ng araw. Nasa library niya si Sir Xander. Maaga pa lang ay naroon na siya at mukhang may importanteng trabahong kailangang gawin. Madaling araw pa lang ay bumangon na siya at iniwan ako sa silid. Ang akala ko ay umalis siya, pero sinabi ni Miss Sylvia na nasa library raw si Sir Xander at nagsabing huwag abalahin dahil may online meeting kanina. Pinagmasdan ko ang mga dahon na malayang gumagalaw at tila sumasayaw sa tuwing iihip