AVERY "Okay ka lang ba, Aves?" mahinang tanong ni George na bumaling sa akin. "Ha? Um, yeah," hindi mapakali na sagot ko, habang sinusuyod ng mga mata ang buong venue. Bigla na lang kasing nawala ang lalaking hinahanap ko. Hindi na tuloy ako sigurado kung tama ba talaga ang nakita ng mga mata ko. May bumati sa amin ni George, nalingat lang ako, nawala na siya ng muling sumulyap ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Mukhang dinadaya ako ng paningin ko. Siguro ay dahil kahit isang buwan ko na siyang hindi nakikita ay parang kahapon lang ng huli kaming magkita ni Sir Xander. "Baka kamukha lang," mahina at bubulong-bulong na sabi ko sa sarili ko. "Sinong kamukha, Aves?" tanong ni George na narinig rin pala ang sinabi ko. "Ah, si Lee Min Ho. Nabasa ko kasi sa balita na narito raw